Erwan Heussaff, sinagot ang netizens tungkol sa love scene ni Anne Curtis sa bagong movie

lead image

Narito ang reaksyon ni Erwan Heussaff sa bagong movie ng asawang si Anne Curtis.

Palabas na sa sinehan ang Just A Stranger movie na pinagbibidahan ni Anne Curtis at Marco Gumabao.

Ang pelikula ay R-16 na nagpapakita ng maiinit na love scenes ni Marco at Anne Curtis. Kaya naman sa husay na ipinakita ni Anne sa pagganap ng kaniyang role, may mga tanong ang mga netizens, ok lang ba ito sa asawa niyang si Erwan Heussaff?

Just A Stranger movie ni Anne Curtis

Isang araw bago opisyal na maipalabas ang Just A Stranger movie na kaniyang pinagbibidahan, ay ipinost ni Anne Curtis ang poster ng pelikula sa kaniyang Instagram account. Sa poster ay makikita ang hot na larawan nila ng co-actor na si Marco Gumabao.

Sa kaniyang post ay hinikayat ni Anne ang kaniyang mga fans at followers na panoorin ang pelikula. Kabado man daw siya ay excited din siya sa pagpapalabas ng Just A Stranger na siguradong magugustuhan daw ng mga manonood.

Unang nag-komento sa post ng aktres ang asawa niyang si Erwan Heussaff na nakatanggap ng magkakaibang reaksyon sa mga netizens.

reaskyon ni erwan sa just a stranger movie ni anne curtis

Image screenshot from Anne Curtis Instagram account

“You’re right.. 😂 if he’s going to watch the movie its not bcoz of his wife but I think it will be a great movie based on the trailer. These couple knew each other very well & respected each other’s career. Kudos to @erwan for being such a supportive husband.. Congrats in advance to @annecurtissmith for another beautiful love story! 😙😙”

“Can’t wait na pumasok si anne sa pornmovies big yes nman pala galing sa hubby eh. Napakasupportive🤣”

“Hahaha i salute you! 👏 pero okay ka lang talaga?”

“For real? D ka nasasaktan? Ung totoo???”

“Kung ako si Erwan, madedepress ako Hahahahaha”

Reaksyon ni Erwan Heussaff sa pelikula ni Anne Curtis

Dahil sa mga nakakatawa ngunit may patutsadang komento hindi napigilan ni Erwan na hindi sumagot at sabihin ang reaskyon niya sa bagong pelikula ng asawa.

Ayon kay Erwan, ay ayos lang daw para sa kaniya ang pelikulang ginawa ng asawa at hinahanggaan niya ito sa galing niya sa pag-aartista.

“Hilarious comments. Last I checked, I’m the husband and I know how I feel (which is completely fine by the way, thanks for asking). So no need to throw around words like disrespect or dictate what a person should or shouldn’t do after getting married.”

“I’ve known my wife as an actress, since day 1 and I have the utmost admiration for what she does. End of story. I don’t feel awkward or uncomfortable when watching these movies (you guys commenting make it awkward)”

Dagdag pa ni Erwan ay nagbigay pa nga daw siya ng inputs niya para mas mapaganda pa ang pelikula.

“I actually actively gave Anne inputs when I read the script on how I think the story could be developed or portrayed.”

“So, let’s stop talking about marriage like it needs to change people. Most successful marriages I know are those where both parties kept their identity intact and grew as a couple.”

Pinaalalahanan niya rin na huwag maging sexist ang mga netizens at huwag lagyan ng issue ang mga love scenes na ginagawa ng mga aktor at aktres sa mga pelikula.

“Also, let’s not be sexist people, if this was a married guy actor doing love scenes, no one would have any issue with it. 🤯

Erwan bilang supportive husband

reaskyon ni erwan sa just a stranger movie ni anne curtis

Image screenshot from Anne Curtis Instagram account

Dahil sa kaniyang komento ay natuwa ang mga netizens kay Erwan na isa daw very supportive husband sa asawa niya. At sana daw lahat ay katulad niya.

@erwan very supportive and not jealous husband sana all 😊”

“Salute to you man, super supportive husband👍 @annecurtissmith so lucky😍 blessed you more👫 😇 love you both ❤❤❤”

@erwan you have the most secured feelings. Most insecurities are rooted out of jealousy and doubt. NOT everyone is brave enough to watch their partner w/ love scenes ( Intense ? ) #itsjustamovie#justastranger@annecurtissmith is very lucky to have you.”

@erwanbullied husband and yet very supportiveeee!! 😂😂😂💖”

@erwan super love this message of you erwan.. you are truely a man! Sana lahat ng guys married or unmarried have a thoughts like yours. @annecurtissmith

@erwan 👏🏻👏🏻👏🏻yes hanap kayo ng tulad ni erwan!Sobrang lawak ng pang unawa pag dating sa trabaho ng misis niya!!Sa pinas lang naman ganito😂lahat ini issue!Sobrang swerte ni @annecurtissmith sa kaniya🙌🙌🙌”

@erwan Anne is a great artist as an actress and you are just a very great husband. 🔥I love you, sweet hearts… ❤️❤️”

Basahin: Micro-cheating: Ang mga simpleng paglalandi na maaaring sumira sa relasyon

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner