Anak ni K Brosas na si Crystal, nag-open up tungkol sa kanyang sexuality

Sa birthday video ni K Brosas, nag-open up ang mag-ina tungkol sa sexuality ni Crystal.

K Brosas daughter, ipinahayag na siya ay lesbian. Alamin ang full statement nilang mag-ina mula sa YouTube video na ito.

K Brosas daughter

Sa birthday video ni K Brosas, binigyan niya ng gift of freedom ang kanyang anak na si Crystal. Sa emosyonal na video na ito, nag-come out ang anak niya bilang lesbian at matagal na umano itong alam ni K. At kahit pa nag-iisa niyang anak si Crystal, hindi umano nito naramdaman na nanghinayang siya o nagalit dahil sa sexual preference ng 22-year-old na anak.

Ayon pa sa kanya, alam niyang marami ang magsasabi ng kung ano-ano sa kanya bilang magulang, pero wala raw mas mahalaga sa kanya kundi ang kasiyahan ng kanyang anak. Susuportahan lang daw niya ito sa kahit anong gusto nitong gawin sa buhay dahil iyon ang kanyang role bilang ina.

“Ang sexual preference ng anak ko ay walang kinalaman sa pagmamahal ko sa kanya.”

Crystal Brosas

Narito naman ang pahayag ni Crystal sa kanyang Facebook post:

Being in the closet for years was hard. There were lots of struggles, challenges, and pain that molded me into the person I am now. It affected my music creation, human interaction, and also with my love life. There was an inner argument with myself in high school—where I told myself, “Is this wrong? Maybe I should try with boys.” Believe me, I tried. But it was not working. I was being the person that I am not just to push myself to boys. And at the end, I realize that being gay will never be choice. You should NEVER force yourself to be straight because being gay IS NOT WRONG in the first place.

During college, I had an unexpected chance to come out to my Mom. July 7, 2017. Although she knew firsthand, it was me who confirmed to her that it was true. That time, I cried and she accepted me with open arms. No judgment, no doubts—only unconditional love. And it was one of the best days of my life.
And now, look at me. Posting this in public. Letting the world know the real me with my Mom by my side. No more hiding, no more pain, and no more pretending. Wala na kong dapat katakutan. Dahil ngayon, ang sarap, ang saya, at ang ginhawa sa pakiramdam na tapos na. Nanalo na ko. Masaya na ko.
Happy birthday to you, Mommy. Thank you so much for giving this gift to me—while it should be you receiving it. I would never trade you for anyone else. My happiness is just beyond words. Salamat dahil ikaw ang naging nanay ko. Mahal na mahal kita.
And now, I can proudly say that I’m a LESBIAN. Along with this, I will use my voice for the unheard in the LGBT community. I will use my platform in raising awareness and educating the people with the rights we should be granted. Hindi lang to para sakin, kundi para sa aking komunidad. Laban ninyo ay laban ko. At ang kaligayahan ninyo ay kaligayahan ko din.

Love is love. Hands up, my fellow androgynous lesbians!”

How to accept your child when he/she comes out

Maaaring maramdaman mo na caught off guard ka sa sitwasyon na ito o katulad ni Ian ay may ideya ka na simula pa umpisa. Pero ang mahalaga ay maparamdam mo sa iyong anak na naiintindihan mo siya at willing ka na ibigay ang iyong full support.

Tandaan na lagi mo dapat pairalin ang pagmamahal mo sa iyong anak. Dapat mong intindihin sakaling iba ang kanyang preference. Hindi rin dapat magbago ang iyong tingin sa kanya dahil pantay-pantay lang naman ang mga tao kahit ano pa ang kanilang gusto. Pareho lang naman na pagmamahal at pagkakagusto ang nararamdaman natin anumang gender preference natin.

Hindi madali kung sakaling wala ka talagang ideya at siguradong kakailanganin mong i-proseso ito. Pero sa oras na magsabi sa iyo ang iyong anak, iwasan mo ring pairalin ang iyong emosyon. Maging kalmado, dahil maaari niyang isipin na hindi mo siya tanggap kapag ang reaksyon mo ay parang naguguluhan.

Mas maigi na umupo kayo nang tahimik at maging open sa isa’t isa. Pag-usapan ito hanggang sa iyong maintindihan o di naman kaya ay kanyang maintindihan kung bakit kailangan niyong pag-usapan ito.

Ang pinaka-importante sa lahat ay maging open kayo sa inyong pamilya. Kung mayroong ganitong mga pagkakataon ay pag-usapan talaga at maging honest lang. Iparamdam niyo na may tiwala kayo sa inyong mga anak at respetuhin din sila sa kanilang kagustuhan.

 

Source:

YouTube

Basahin:

12 Awesome celebrities who love and support their LGBT relatives

Sinulat ni

mayie