Amo nagsisilbing tutor sa anak ng yaya tuwing walang pasok

Viral ang post tungkol sa isang amo na tinuturuan ang anak ng kanilang yaya tuwing walang pasok. Gusto raw nito matutunan ang kahalagahan ng edukasyon. | PHOTO: @MiggyLukban Twitter

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kadalasan kapag nag-anunsiyo na ng walang pasok dahil sa masamang panahon, balik kama na ang mga bata para matulog ulit. Ang iba naman ay tuwang-tuwa dahil puwede silang maglaro buong araw. Ngunit sa pamamahay ng pamilya Lukban, tuloy pa rin ang pasok ni Jan-Jan, anak ng yaya ng pamilya. Nais kasing turuan siya ng amo ng nanay niya ng kahalagahan ng edukasyon.

Viral tweet

Noong July 21, nag-post si Miggy Lukban sa kaniyang Twitter ng larawan ng kaniyang ama na si Moises na kasama ang anak ng kanilang yaya na si Jan-Jan. Ayon dito, tuwing walang pasok, tinuturuan ng kaniyang ama ang bata ng mga aralin nito sa eskwela. Hindi na rin ito pinapagbihis ng pambahay upang maramdaman nito na parang nasa paaralan talaga siya.

 

Mabilis na kumalat ang litrato sa Internet. Nagkaroon ito ng 55,000 likes at na-retweet ito ng 9,400 na beses. Inulan ng papuri si Daddy Moises dahil sa kaniyang mabuting gawain.

Sa isang panayam kay Miggy ng Coconuts Manila, sinabi nito na tumira ang bata sa kanilang bahay sa Parañaque City mula ng magsimulang magtrabaho ang nanay nito para sa kanilang pamilya.

Noong araw daw na nag-post siya, bumaba daw siya sa kanilang kusina para kumuha ng pagkain. Doon niya nakita ang kaniyang tatay na tinuturuan ang bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“When I went down to grab some food, I saw them at the clean kitchen and then I sneakily took a picture,” aniya. “According to my mom, this happens every time classes are suspended here in Parañaque [City].”

(“Nang bumaba ako para kumuha ng pagkain, nakita ko sila sa kusina. Kinunan ko sila ng litrato. Sabi ng nanay ko, tinuturuan daw ng tatay ko ang bata tuwing nagkakansela ng pasok ang Parañaque.”)

Proud na proud ang anak sa kaniyang tatay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“It really warms my heart that he [daddy] would do that because it makes Jan-Jan see how valuable it is to study.”

(“Lubos akong na-touch na ginagawa iyong ng tatay ko dahil gusto niyang matutunan ni Jan-Jan ang kahalagahan ng edukasyon.”)

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

SOURCE: Coconuts Manila

May kilala ka bang mga good samaritans? Basahin dito kung paano tinutulungan ng isang siklista ang mga nangangailangan na nakikilala niya sa daan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement