Isa bang new mom at pakiramdam mo ay wala kang kaibigan o kaya naman ay mom friends? Narito ang ilang mga tips para sa iyo!
Mababasa sa artikulong ito:
- Tips para sa mga new mom na tila walang kaibigan
- Bakit nawawalan ng time ang new mom sa mga kaibigan?
- Kahalagahan ng pagkakaroon ng mom friends
- Ilang mga activities na maaaring gawin kasama ang iyong mom friends
Lahat ng bagay sa buhay ng tao ay nagbabago sa bawat palipas ng panahon, ganon din ang pagkakaibigan. Sabi nga ng nakakarami, ang pagbabago lamang ang constant sa mundo.
Samantala, isa sa mga bagay na maaaring magdulot ng malaking pagbabago sa iyong buhay ay kapag ikaw ay naging ganap na ina at magulang na. Maaari nitong makaapekto kahit na sa relasyon sa iyong mga kaibigan.
Maaari rin itong maging rason upang malayo o tuluyang maputol ang iyong komunikasyon sa iyong mga kaibigan. Lalo’t higit kung hindi sila interesado sa pagkakaroon ng pamilya o anak, at ang resposibilidad na kalakip nito.
Subalit kaysa isipin ang mga negatibong bagay na ito, maaari mo ring tignan ang mga kahalagahan ng pagkakaiba-iba ng stages ninyo sa inyong sari-sariling buhay.
Bakit nawawalan ng time ang new mom sa mga kaibigan?
Kapag ikaw ay bago pa lamang na naging magulang, halos sa baby mo na lamang iikot ang iyong mundo. Natutuwa kang gugulin ang iyong buong araw na pinag-aaralan kahit na ang pinakamaliit na pagbabago sa expression ng mukha ng iyong baby.
Bukod rito, na-eenjoy mo ring makita kung paano siya matuto at obserbahan ang mundo at mga bagay na nakapaligid sa kaniya.
Ang totoo niyan, mayroon mga bagay na labis na makakapagpasaya sa ‘yo bilang ina, at hindi nakikita ng iyong mga kaibigan. May ilang mga bagay na magical para sa’yo ngunit boring para sa kanila.
Larawan mula sa iStock
Mahirap nang maipag-ugnayan sa kanila tungkol sa iyong motherhood dahil hindi nila alam at nararanasan pa ang ganoong klaseng pakiramdam.
Dahil halos sa baby mo na umiikot ang iyong mundo, mahirap na ring magtugma ang interaksiyon sa pagitan ninyo simula nang ikaw ay magkaanak.
Tips upang ma-manage ang iyong friendship bilang new mom
1. Tanggapin ang pagbabagong dulot ng parenthood
Malaki ang magiging pagbabago ng pagiging magulang sa iyong sarili. Marami kang mga bagay na masasabi at magagawa na hindi maiintindihan ng mga kaibigan mong hindi pa nagiging magulang.
Subalit hindi dahil hindi ka nila naiintindihan ay hindi ka na rin nila susupoortahan. Maraming mga kaibigan na kakamustahin ka pa rin tungkol sa iyong pagiging magulang.
Kung kailangan mo ng taong makakaintindi sa ‘yo, maaari kang humanap ng taong katulad mo na may anak na rin upang pag-usapan ang tungkol sa parenthood.
2. Gumawa ng effort upang makipag-usap sa iyong kabigan
Hindi gaya noon, ang baby mo na ang nagse-set ng schedule mo. Malaki na rin ang mababawas sa iyong oras upang makipag-socialize sa iyong mga kaibigan.
Kapag ikaw ay may bakanteng oras at si baby ay natutulog, maaari mo itong samantalahin upang makipag-usap sa iyong mga kaibigan.
3. Makipagkilala o humanap ng “parent friends”
Makipag-usap at ugnayan ka sa ibang pamilya. Maaari kang makipagkaibigan sa pamilya at magulang ng kalaro o playmates ng iyong anak.
Marami kang maaaring matutunan sa iyong parent friends. Nakakalibang at masaya ring magbahagi ng sari-sariling experience sa pagiging magulang.
4. Maaari mong isama ang iyong non-parent friends sa journey iyong anak
Maaari mo silang kuhaning ninong at ninang ng iyong anak kung nais nila. May ilang pagkakataon din na maaari mong isama ang iyong anak sa lakad ninyong magkakaibigan.
Sa ganitong pagkakataon, hayaan mong maka-bonding nila ang iyong baby. Maaaring wala silang masyadong alam sa pag-aalaga ng baby. Subalit kaya naman nilang gawin ang simpleng pagpapakain at pakikipaglaro sa bata.
Larawan mula sa iStock
BASAHIN:
Reinanay Julianne as a SAHM: “Ako lang ng ako—hanggang nalosyang na ako.”
Me time for moms: Simple ways to luxuriously pamper yourself
Take Some Time Out, Super Mom!
Kahalagahan ng pagkakaroon ng mom friends
Bilang mga magulang, importante ring bigyang importansiya ang sariling mental health.
Ang malaking parte ng ating mental health ay may kinalaman o maaaring mai-ugnay sa mga kaibigan na mayroon tayo sa ating buhay.
Ang ating mga kaibigan ay ang mga taong makakatulong satin na malampasan ang ilang mga pagsubog sa ating buhay. Sila rin ang parehong mga tao na makakasama nating mag-celebrate sa mga mabubuti at masasayang pangyayati sa ating buhay.
Hindi madali ang pagbabago nangyayari sa buhay ng isang magulang ngayon mula sa mga oras bago pa man siya magkaroon ng anak. Subalit ang pagkakaroon ng support system sa pamamagitan ng iyong mga kaibigan ay malaking tulong upang ito ay iyong malampasan.
Malaki ang kahalagahan ng pagkakaibigan kapag ikaw ay nanay na. Masaya, bilang magulang, ang makakilala ng mga tamang taong susuporta at makakaintindi sa ‘yo. Ito ay dahil mayroong pagkakapareho sa inyong dinaranas na pgsubok at kasiyahan bilang magulang.
Ilang mga bagay na maaaring gawin kasama ang iyong mom friends
Larawan mula sa Shutterstock
1. Maging bahagi ng motherhood community
Maaari kang sumali sa grupo ng mga nanay sa personal man o sa facebook. Maaari ka ring magtanong sa iyong mga kaibigan kung kanino ka maaaring makipag-ugnayan pa.
2. Maari niyong gawin ang ilang mga bagay nang magkasama
Iwan niyo muna ang inyong anak sa kanilang daddy. Kasama ang iyong mga kaibigan, mag-grocery, mamili, o magpagupit nang magkakasama.
Mas marami kayong matututunan sa isa’t isa kung nagbibigay kayo ng oras upang magkasamang gawin ang ilang mga task ninyo bilang magulang.
3. Imbitahin ang iyong kaibigan at kaniyang pamilya sa iyong bahay
Maaari itong magsilbing pagkakataon upang lalo pa kayong magkakilala. Magkakaroon din ng bonding hindi lamang kayo kundi pati na rin ang inyong mga anak.
4. Maaari rin kayong sumali sa theAsianparent community
Click dito upang ma-download ang theAsianparent app
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!