Kakatapos lang ng mga reunion at party noong Pasko. Nabigyan tayo ng panahon upang makasama ang ating mga mahal sa buhay. Ngunit magandang pagnilayan kung quality time nga ba ang nabigay natin sa kanila. Naparamdam ba natin sa kanila ang kahalagahan ng pamilya?
Kahalagahan ng pamilya
Ang mga patalastas sa telebisyon ay karaniwang nagpro-promote ng mga produkto o serbisyo. Ngunit may mga pa-ilan-ilan din na makukuhanan ng magandang aral, tulad ng kahalagahan ng pamilya. Narito ang ilan sa mga family-oriented commercials noong nakaraang taon:
1. Quality time
Nitong nakaraang Pasko, nakisalo tayo sa iba’t ibang reunion at kainan. Ngunit nabigyan nga ba natin ng sapat na oras ang ating mga mahal sa buhay?
Ugaliin na magbigay ng quality time sa mga miyembro ng ating pamilya. Makakatulong kung isasantabi muna ang mga gadgets upang makapag-usap at bonding nang maayos.
2. Pagsasakripisyo ng magulang para sa mga anak
Minsan hindi naiintindihan ng ating mga anak ang mga pagsasakripisyo nating mga magulang. Minsan hindi rin nating maiwasang magtanong kung worth it ba na hindi natin sila kasama para lang mabigyan sila ng magandang kinabukasan.
Laging isipin na sa kaunting oras na nakakasama natin sila, mahalagang ipadama natin sa kanila ang pagmamahal at pag-aaruga na hinahanap nila.
3. Paglingon sa pinang-galingan
Bukod sa kahalagahan ng pamilya, kailangan din ituro natin sa ating mga anak ang pagpapahalaga sa sarili. Turuan silang lumingon sa pinang-galingan at ipagmalaki ang mga bagay na nagpapa-unique sa kanila.
4, 5 & 6. Hindi lahat ng kapamilya ay kadugo
Hindi kailangang maging magkadugo upang maging magka-pamilya. May mga tao tayong makikilala na magpapakita sa atin ng tunay na pagmamahal. Importanteng pahalagahan ang mga taong ito.
7. Pagtanggap nang buo
Ang pamilya ang una nating tinatakbuhan tuwing may problema tayo. Importante na maramdaman ng ating mga anak na puwede silang pumunta sa atin, hindi lang tuwing sila ay masaya kundi pati na rin sa mga panahon na malungkot sila. Lubos sa lahat, importante na kaya nilang maging bukas sa pagkatao nila sa atin.
8 & 9. Pagpaparamdam na mahal mo sila
Ugaliing ipakita ang pagmamahal natin sa ating pamilya hindi lamang sa salita kundi sa gawa. Hindi kailangan ng magarbong regalo o engrandeng okasyon. Ipakita na espesyal sila sa atin sa maliliit na bagay din.
10. Ipagpasalamat ang pamilyang mayro’n ka
Hindi lahat ay may pamilyang maituturing. Kaya’t huwag kakalimutan iparamdam ang kahalagahan ng pamilya sa iyong mga mahal sa buhay.
Basahin: LOOK: Celebrities nag-celebrate ng Pasko kasama ang pamilya