Anong ibig sabihin kapag napanaginipan mo na ikaw ay buntis?

Lahat ng tao ay nanaganip, naaalala man natin ito o hindi. Kahit pa gaano kasaya o nakakatakot ang isang panaginip, kadalasan ay wala itong kahulugan sa nangyayari sa iyong buhay. Gaano man ka-parang totoo ng iyong panaginip, hindi nito sinasabi ang mangyayari sa hinaharap. Pero ano nga ba ang ibig sabihin kapag managinip na nagdadalang tao o kaya naman ay may kargang baby kahit wala ka pang anak? Alamin natin ang kahulugan ng panaginip na buntis.

Iba’t-ibang kahulugan ng panaginip na buntis

Pagnanais o takot na mabuntis

Nagbigay ng panayam ayon dito si Rafael Pelayo, MD. Siya ay isang clinical professor ng psychiatry at human behavioral sciences sa Stanford Center for Sleep Sciences and Medicine.

Ayon sa kanya, ang kahulugan ng panaginip na buntis ay dahil ang taong nanaginip nito ay iniisip ang pagbubuntis sa ano mang paraan. Halimbawa, kung ang isang tao ay pilit na sumusubok na mabuntis, maari niyang mapanaginipan na siya ay nagdadalang tao.

Mayroon ding pagkakataon na ang nagiging dahilan ay ang takot na mabuntis. Halimbawa ay managinip na may anak kahit pa alam sa sariling hindi ka pa handa na mag-settle down. Pwede rin na mayroon ka nang anak ngunit hindi na naghahangad na sundan pa ito. Ang hindi pagnanais na mulang magdalang tao ay isa ring paraan ng pag-iisip dito. Ito ang nagiging paraan para masama ito sa iyong mga panaginip.

Ayon kay Dr. Pelayo, maaari ring mula ang mga panaginip sa mga nakaraan na pangyayari. Kung dati nang nabuntis at biglang napanaginipan ito, malamang ay may naging dahilan sa araw na iyon para maalala ang pinagdaanan. Maaring ma-trigger ito ng mga bagay tulad ng pagkahilo na naihahalintulad sa morning sickness. Isa ring maaaring magdulot nito ang pagkain ng isang bagay na pinaglihian nuong nagbubuntis ka pa. Maaari rin na dahil lamang nakakita ng may baby at naalala ang mga panahon na mayroon ka rin nito.

Walang kinalaman sa pagbubuntis

Ayon naman kay Deidre Barrett, PhD, isang psychologist, maaaring ang kahulugan ng panaginip na buntis ay isang metaphor. Maaaring kumatawan ang mga ito sa isang proyekto na iyong pinagtutuunan ng pansin sa kasalukuyan. Sa isang bahagi, ikaw ay nagbibigay buhay sa iyong proyekto at maaari itong makita bilang pagdadalang tao sa iyong panaginip.

Kapag managinip naman na ikaw ay nagpapa-breastfeed, maaaring mangahulugan ito nainaaalagaan mo ang isang aktibidad. Maaari ring mangahulugan ito na inuubos ng bagong gawain ang lakas mo.

Emosyon at alaala lamang

Ayon kay Dr. Pelayo, ang mga panaginip ay isang paraan ng isip para i-reset ang mga emosyon at alaala. Marami tayong nakokolektang alaala sa bawat araw na konektado sa ating mga emosyon. Ang pananaginip ang nagiging paraan ng isip para piliin ang mga aalalahanin at kakalimutan. Ginagawan din ito ng paraan kung paano iuugnay sa isa’t isa.

Sa kanyang pagpapaliwanag, sinabi niya na ang mga nakakapagpatawa o nakakatakot para sa atin ay inuugnay ng isip sa mga nakaraang alaala. Ito ay isinasagawa habang tulog ang tao at nakikita sa pamamagitan ng mga panaginip.

Ikaw ang magbibigay ng halaga

Ang mga sanggol ay kumakatawan sa kung ano ang bago; bagong proyekto, bagong relasyon, o kung ano pa man. Maaari rin itong kumatawan sa mahina o immature na katauhan ng nananaginip. Maaari rin itong mangahulugan na ikaw ay nagiisip na mabuntis o walang kagustuhan na magdalang tao.

Ito ba ay senyales na ikaw ay handa nang magka-anak o natatakot na aksidenteng mabuntis? Baka naman ito ay isa lamang dating alaala na muli lamang nagpakita. Nasa sa iyo kung paano mo bibigyang halaga ang iyong mga panaginip sa iyong paggising.

Source: Women’sHealth

Basahin: 10 na karaniwang napapanaginipan ng mga buntis