Sa isang panayam ni Ogie Diaz kay Kaila Estrada sa kaniyang YouTube Channel, naibahagi ng aktres na si Kaila Estrada ang paghihiwalay noon ng kaniyang mga magulang na sina Janice de Belen at John Estrada.
Mababasa sa artikulong ito:
- Kaila Estrada sa paghihiwalay ng kaniyang magulang
- Realizations ni Kaila Estra nang siya’y lumaki na
- Kaila Estrada sa hinaharap at pagkakaroon ng pamilya
Kaila Estrada sa paghihiwalay ng kaniyang magulang
Larawan mula sa Instagram account ni Kaila Estrada
Sa interview ng kaniyang manager na si Ogie Diaz sa kaniyang YouTube Channel naibahagi nga ni Kaila Estrada ang kanilang mga pinagdaanan noon. Ayon sa kaniya noong bata pa siya ay siyemre pinapangarap niya rin na mabuo kaniyang pamilya.
“It’s part of the reality, ‘yong situation namin. So siyempre when I was younger, I wanted us go have that experience na mabuo kami.”
Pagkukuwento pa ni Kaila noong pa raw umano siya ay sanay silang ang kanilang nanay na si Janice lamang ang pupunta sa mga activity sa kanilang school.
“Siguro before kasi nung nag-separate sila, I was I think 5 years old ako. Siguro, may mga panahon na ano lang sa school, ‘yong mga family day, magpe-perform kami sa school. Sanay kaming si mama lang ‘yong pupunta, ‘yong mga ganon.”
Kwento pa niya nang matanong kung nagkaroon ba o nakaranas sila ng trauma noon na magkakapatid sa paghihiwalay ng kanilang magulang na si Janice at John.
“Yeah. I feel like. I can only speak for myself kase siyempre iba naman ako sa mga kapatid ko, iba rin sila so I can’t say kung ano ‘yong napi-feel nila.
“Pero ako siguro, mas nung bata ako. Ngayon kase okay na ako e. I mean masaya si mama, masaya si dad ‘di ba? So our relationships are good naman. All is well pagdating sa amin.”
Realizations ni Kaila Estra nang siya’y lumaki na
Ayon kay Kaila ngayong mas malaki na siya mas nagkaroon na siya ng pag-unawa sa mga nangyari sa kanilang pamilya. Kuwento niya,
“Growing up, mas nagkaroon na ko ng understanding sa mga bagay-bagay and na-process ko na. Madali ko na rin siyang natanggap. Feeling ko rin, everything worked out for the best naman at saka ok kaming lahat.”
Kaila Estrada sa hinaharap at pagkakaroon ng pamilya
Larawan mula sa Instagram account ni Kaila Estrada
Dahil umano sa mga nangyari sa kanilang pamilya ay nabuksan umano ang kaniyang isip, kagaya ng sa pagkakaroon ng pamilya. Hindi mo naman umano mahuhulaan kung ano ang mangyayari kahit umano gusto niyo na maging buo kayo pero hindi iyon ang plano ng Diyos para sa inyo.
Pagbabahagi pa ni Kaila,
“Dahil sa nangyari sa amin, hinanda ko na ang sarili ko na may possibility na hindi maging ganoon and ready naman ako for that. Na-prepare ko naman ang sarili ko.
I’ll accept whatever happens. At least, I know how to handle myself. Eventually then, I’ll know hoe to handle if ever I have kids because of how well my mom handled everything.”
Kamakailan lamang si Kaila Estrada ay pinuri ng marami dahil sa kaniyang galing sa pag-arte sa teleserye na Linlang.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!