Pwede pa rin bang akong mabuntis matapos makaranas ng stillbirth?

Kailan nga bang pwede mabuntis pagkatapos makunan? Alamin ang tamang panahon at oras kung kailan dapat sumubok magbuntis ulit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Walang duda na marami tayong aatubili patungkol sa kung kailan ba tayo ulit pwede mabuntis pagkatapos makunan o makaranas ng stillbirth.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ano ang stillbirth at miscarriage
  • Kailan pwede mabuntis pagkatapos makunan?: Ano ang kailangan mong gawin?
  • Tamang panahon sa muling pagsubok na mabuntis muli

Mayroon pa ring kalungkutan sa ating puso at trauma dahil sa naranasan nating stillbirth. Kaya naman mahalaga na malaman natin kung kailan tayo maaaring sumubok na magbuntis ulit.

Pero para sagutin ang tanong, kung mabubuntis ka pa ba pagkatapos makaranas ng stillbirth, ang sagot ay OO. Pero may mga bagay na kinakailangan mo munang malaman bago subukang magbuntis ulit.

Ano muna ang miscarriage at stillbirth?

Pero ba nga muna natin malaman kung kailan pwede mabuntis pagkatapos makunan ay dapat alam muna natin kung ano ang miscarriage at stillbirth at mga sanhi nito.

Ang miscarriage ay spontaneous na pregnancy loss. Ayon sa Mayo Clinic, nasa 10-20 porsiyento sa mga nagbubuntis ay nakakaranas nito.

Pero ang aktwal na numero o bilang ay mas maaaring mas mataas pa dahil maraming mga miscarriages ang nangyayari sa pinakamaagang yugto ng pagbubuntis, pati na sa panahong hindi mo pa alam talaga na ikaw ay nagbubuntis.

Isang karaniwan na karanasan ito pero hindi ibig sabihin ay madali itong malampasan. Kadalasan, nangyayari ito sa bago 12th week ng pagbubuntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ilan sa mga sintomas at senyales ng miscarriage ay ang mga sumusunod:

  • Vaginal spotting o pagdurugo
  • Pananakit o nakakaranas ng cramps sa abdomen o sa lower back ng babae
  • May discharge na fluid o tissue na lumalabas sa iyong vagina
  • Fluid or tissue passing from your vagina

Kung mayroon fetal tissue na lumabas sa iyong vagina, ilagay ito sa clean container at dahlin ito sa iyong health provider para ma-analyze ito.

Kadalasan ang mga nagkakaranas ng spotting o bleeding sa first trimester ay maaari pa ring magkaroon ng successful na pagbubuntis.

Narito naman ang mga maaaring sanhi ng pagkalaglag ng baby sa iyong sinapupunan:

  • Problems with the genes or chromosomes
  • Maternal health conditions (pagkakaroon ng diabetes, impeksyon, hormonal problems, uterus o cervix problems, at thyroid disease)

Samantala, ang stillbirth naman ay pagkamatay ng baby sa loob ng sinapupunan ng kaniyang ina, sa pagkakataong malapit na siyang maipanganak ng kaniyang ina. Maaaring mangyari ito habang nagle-labour ang ang kaniyang ina.

Ang miscarriage at stillbirth ay parehas na pregnancy loss, pero ang pagkakaiba nito ay kung kailan ito nangyayari. Maaaring i-classify ang stillbirth sa tatlo, ito ay ang early, late, o term.

Ang early stillbirth ay kung saan ang fetal death ay nangyayari sa pagitan ng 20-27th week ng pagbubuntis. Kapag late stillbirth naman, ay nangyayari ito sa pagitan ng 28 at 26 week ng pagbubuntis. Panghuli, ang term stillbirth ay nangyayari sa pagitan ng 37 weeks ng pagbubuntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Wala pa ring tiyak na rason kung bakit nangyayari ang stillbirth ayon pa rin sa Mayo Clinic. Pero ang pagsasagawa ng mga laboratory test ay mahalaga upang maintindihan kung bakit namatay ang baby bago ito ipanganak.

Kailan pwede mabuntis pagkatapos makunan?: Ano ang kailangan mong gawin?

Isa sa mga kailangan mo munang malaman ay kung handa ka na ba talagang magbuntis ulit? Ang ilang mga babae ay nakikita na ang pagbubuntis muli ay magdudulot lamang ng sakit sa kanila ulit dahil sa naranasan pagkawala ng kanilang supling.

Pero ang ilang babae naman ay maaari kabaliktaran ang nararamdaman patungkol sa bagay na ito. Wala naman tama o maling sagot dito. Patungkol talaga ito sa iyong nararamdaman bilang babae ay ng inyong partner kung handa na ba kayong sumubok ulit magkaanak.

Kapag pakiramdam mo ay handa ka na nang magbuntis ulit, kinakailangan na magpakonsulta ka na ulit sa iyong obstetrician o gynecologist. Magsasagawa sila ng mga examination upang matignan kung handa ka na ba physically sa muling pagbubuntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maaari rin na alamin kung ano ang naging dahilan kung bakit ka naglaglagan ng anak o nagkaranas ng stillbirth nang ika’y magbuntis noon. Ito’y upang makatulong sa iyong susunod na pagbubuntis. Nang sa gayon ay maiwasan ang mga dapat maiwasan upang hindi na ito humantong sa pagkawala ng iyong baby.

Ang panahon at timing ay mahalagang factor

Ang oras o panahon sa pagitan ng pagbubuntis ay mahalaga, inirerekumenda ng mga doktor na maghintay ng 18 na buwan bago subukang magbuntis ulit pagkatapos makaranas ng pregnancy loss. Upang sa gayon, ang katawan ay naghilom na.

Kung ang nakaranas ng pregnancy loss, ang katawan ng babae ang nakakaranas pa rin ng mga post pregnancy results. Kaya naman kinakailangan hintayin na maghilom muli ang iyong katawan bago subukang magbuntis muli.

Kaya naman bago tanungin kung kailan pwede mabuntis pagkatapos makunan ay kailangan din ikonsidera ang iyong edad. Ang mga babaeng nasa edad na 35 na taong gulang ay kadalasang nahihirapan nang makabuo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pero sa kabuuan ang babaeng healthy naman at hindi naninigarilyo at hindi umiinom ng mataas na bilang ng alcohol ay maaari pa ring magbuntis.

Kung mayroon kang mga ganitong habits at gusto mong magbuntis muli, mas magandang itigil na ito upang tumaas ang iyong tiyansa na mabuntis muli at maiwasan ang mga kumplikasyon sa pagbubuntis.

BASAHIN:

Tamang oras sa pag-inom ng vitamins o mga supplements

STUDY: Stillbirth mas mataas ang tiyansang maranasan ng buntis na nakakaranas ng stress at pang-aabuso

STUDY: Underweight, overweight at obese na buntis mataas ang tiyansang makaranas ng recurrent miscarriages

Ano ang maaari mong gawin para magbuntis muli pagkatapos makaranas ng stillbirth?

Ang pag-inom ng mga supplements na nagtataglay ng folic acid ay makakatulong upang mapaghandaan ang iyong pagsubok muli na magbuntis. Kausapin ang iyong doktor patungkol sa mga kailangan mong preparasyon para sa iyong muling pagbubuntis.

Ang mga supplements ay nakakatulong sa iyong katawan na makapag-produce ng hormones na favorable sa pagbubuntis. Nakakatulong din itong ihanda ang iyong katawan para sa isang healthy pregnancy.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Panatilihin ang pagkakaroon ng healthy eating habits at pag-eehersiyo. Ang pagpapanatili sa iyong healthy na katawan ay nakakatulong upang makabuo kayo ng baby.

Ganun din ang pag-eehersiyo at pagkakaroon ng healthy diet ay makakatulong para mas maging handa ang iyong katawan sa muling pagbubuntis.

Kaya naman kung handa ka nang mabuntis pagkatapos makaranas ng pregnancy loss, kinakailangan sigurado ka na at handa ka na para rito. Dapat ding ihanda na ang iyong katawan sa pagbubuntis.

Maraming mga paraan para maging matagumpay ang pagbubuntis subalit kailangan na huwag mo itong ma-over do at hindi ka dapat ma-pressure mommy. Kaya naman sumubok na magbuntis muli ng walang pressure.

Kaya naman mga mommies, kaya mo iyan, malalampasan mo rin ang mga pagsubok na ito ay magkakaroon ka ng isang succesful pregnancy.

 

 

Translated with permission from theAsianparent Singapore

Additional information and translated by Marhiel Garrote 

Additional source:

Mayo Clinic, CDC

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sinulat ni

Marhiel Garrote