VIRAL: Netizen na nag-share ng shopping experience kasama ang anak nakatanggap ng negative comments sa social media

Ayon sa ibang magulang hindi ito hygienic at maaring maging dahilan ng pagkalat ng sakit.
Kalinisan sa labas ng bahay, paano maituturo sa iyong anak? Narito ang ilang tips.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Viral na shopping experience ng isang magulang at kaniyang anak.
- Kalinisan sa labas ng bahay, paano maituturo sa iyong anak.
Viral na shopping experience ng isang magulang at kaniyang anak
Viral ngayon sa social media ang post ng isang magulang tungkol sa shopping experience niya kasama ang kaniyang anak. Ang natural magulang kinunan ng litrato ang anak habang natutulog sa isang shopping cart na puno ng unan. Caption ng naturang magulang sa kaniyang post, ito daw ang trick na ginawa nila para makatulog ang anak. At syempre, para makapagshopping ng maayos ang kaniyang ina.
“Tips & Tricks
Kuha cart, kuha madami unan, ikot kayo hanggang makatulog.
Habang ang nanay ay na bili ng kung ano ano.”
Ito ang caption ng post ng naturang magulang kalakip ang larawan ng anak niya na masarap ang tulog sa cart na puno ng unan.
Ang mga netizens iba-iba ang reaksyon sa naturang viral post.
May ilang na-kyutan sa social media post:
“Hahahaha cutieee 😭🥰🥰🥰”
Habang may iba na tila naging negative ang reaksyon sa ginawang ito ng magulang sa anak niya.
“Sana binili nyo rin po after 🙂 for hygienic purposes. 👍”
“My ultra-sensitive self cannot 🥹 Yung feeling na ang dumi na nung cart, dumi pa nung pillow tapos ipapagamit sa bata 🥹”
“Sana nga binili niyo rin yun mga pillows kasi kawawa naman makakabili niyan kung binalik niyo after. Syempre may pawis at baka nalawayan pa na. Di na good as brand new.😢 Di naman sa pag iinarte pero sana nag huwag gawin ng iba yun sinabi mo. At sana pagbawalan yun ganito once ganyan automatic consider as sold na dapat.”
Ito ang ilan sa negative comments ng netizens sa naturang viral post. Pero paglilinaw ng netizen na nagpost ng shopping experience niya kasama ang anak ay binili naman daw nila ang mga unan na ginamit ng anak niya. Ikaw ano ang opinyon mo sa ganitong sitwasyon?
Kalinisan sa labas ng bahay, paano maituturo sa iyong anak habang namimili
Dahil sa viral post, isang malaking usapin ngayon ang proper hygiene at sanitation na dapat ay sinisimulang ituro ng mga magulang sa kanilang anak habang sila ay bata pa. Paano ito magagawa? Narito ang ilang tips.
-
Maging halimbawa o modelo sa iyong anak.
- Itapon ang resibo, candy wrapper, o anumang basura sa tamang basurahan sa mall o palengke.
- Iwasang magkalat ng plastic o papel mula sa binili at pulutin ang anumang maliliit na kalat.
- Ipakita sa kanila kung paano panatilihing malinis at maayos ang shopping cart o basket.
-
Ituro ang tamang pagtatapon ng basura.
- Ipakilala sa kanila ang pagkakaiba ng nabubulok at hindi nabubulok na basura habang namimili.
- Hikayatin silang dalhin ang sariling eco bag upang mabawasan ang paggamit ng plastic.
- Turuan sila na itapon ang kalat, tulad ng resibo o candy wrapper, sa basurahan bago umalis sa tindahan.
-
Ipaunawa kung bakit mahalaga ang kalinisan.
- Ipaliwanag kung paano nakakatulong ang kalinisan sa pagpapanatili ng maayos at ligtas na shopping area.
- Ipakita ang pagkakaiba ng malinis at makalat na tindahan para maunawaan nila ang epekto ng kalat.
- Sabihin sa kanila na ang pagiging malinis ay isang paraan ng paggalang sa iba pang mamimili.
- Turuan silang maging responsible.
- Turuan silang ibalik nang maayos ang shopping cart o basket pagkatapos gamitin.
- Bigyan sila ng sariling maliit na bag para sa kanilang kalat, lalo na kung may kinakain habang namimili.
- Hikayatin silang huwag magbukas ng produkto o magkalat ng packaging sa loob ng tindahan.
-
Ituro ang mabuting personal na kalinisan habang namimili.
- Paalalahanan silang maghugas o mag-sanitize ng kamay bago at pagkatapos humawak ng produkto.
- Ipakita ang tamang paraan ng paghahawak sa prutas, gulay, o iba pang pagkain upang hindi madumihan.
- Sabihing huwag basta itapon ang face mask o tissue sa sahig ng mall o grocery.