Halamang gamot sa pigsa ba ang hanap mo? Narito ang ilang natural na paraan na maari mong subukan upang malunasan na ang napakasakit na impeksyon sa balat na ito.
Ano ang pigsa?
Ang pigsa o boil sa salitang Ingles ay isang impeksyon sa balat na nagmumula sa isang hair follicle o oil gland. Ito ay madalas na dulot ng staphylococcal bacteria na pumapasok sa maliliit na sugat o hiwa sa ating balat. O kaya naman ay kumakapit sa buhok at gumagapang pababa sa follicle nito.
Ang sinumang mapasukan ng bacteriang ito’y unang makakaramdam ng pamumula at pananakit sa infected na area ng balat. Saka may bukol na unti-unting tumutubo at lumalaki.
Matapos ang ilang araw o sa loob ng isang linggo, ang bukol ay mas sumasakit at nagsisimula ng magkaroon ng nana. Dito na mapapansin na ito pala ay isa ng pigsa.
Madalas ang pigsa, tumutubo sa mga bahagi ng katawan na may friction o pressure. Tulad ng kili-kili, singit, balikat at puwit. Ngunit maaari rin itong tumubo sa mukha, partikular na sa pilik-mata na tinatawag na sty o kuliti.
Maliban sa bacteria, ang pigsa’y maaaring dulot din ng iba pang health problems. Tulad ng diabetes, mahinang immune system, poor nutrition, poor hygiene at exposure sa mga kemikal na nakaka-irritate sa balat.
Ito rin ay maaaring maihawa sa pamamagitan ng paghiram ng mga gamit tulad ng tuwalya o razors sa taong mayroong pigsa.
Image from Healthline
Sanhi ng pagkakaroon ng pigsa
Kadalasan, ang mga pigsa ay sanhi ng isang germ na kung tawagin din ay staphylococcal bacteria. Ang germ na ito ay pumapasok sa katawan sa pamamagitan ng maliliit na hiwa o sugat sa balat, o pumupunta rin ito sa hair follicle.
Samantala, ito ang ilang mga kundisyon ng mga taong maaaring mataas ang tiyansang magkaroon ng pigsa.
- Mga taong may diabetes
- May problema sa immune system
- Mayroong poor nutrition
- Hindi maganda ang hygiene
- Exposure sa mga harsh chemicals na nakakapagpa-irritate ng balat
Paano ito malulunasan ang pigsa?
Bagama’t napakasakit, may mga paraan na maaaring gawin sa bahay upang maibsan ang sakit na dulot nito at tuluyan itong malunasan. Ang mga ito ay ang sumusunod:
- Paglalagay ng hot compress sa bahagi ng balat ng may pigsa. Ang init kasi ay nagdudulot ng dagdag ng blood circulation na nagpapabilis sa pagkahinog ng nana sa pigsa. Nakakatulong din ito upang bahagyang maibsan ang pananakit na nagmumula rito. Ang kailangan lang gawin ay mag-apply ng hot compress sa apektadong bahagi ng balat sa loob ng 20 minuto. Ulitin itong gawin ng tatlo hanggang apat na beses sa isang araw hanggang sa tuluyan ng mawala ang pigsa.
- Kailangang panatilihing malinis ang paligid ng pigsa. Lalo na kung ito’y pumutok na.
- Sa paglilinis ng pigsa, dapat gumamit ng antibacterial soap at takpan ito ng bandage upang hindi mapasukan pa ng dumi.
- Maaari ring uminom ng pain reliever tulad ng ibuprofen o acetaminophenpara maibsan ang pananakit na dulot ng pigsa.
Samantala, ito naman ang dapat iwasan kapag may pigsa:
- Huwag pisilin o kaya naman butasan para i-drain ang nana, kusa naman itong puputok
- Bawal rin na i-share ang iyong towel sa ibang tao dahil baka mahawa sila ng pigsa
- Huwag na huwag pumunta sa swimming pool o kaya naman gym hanggang hindi pa ito nawawala. Maaari rin kasing mapasa ang impeksyon sa iba.
Mainam na gamot sa pigsa
Ayon sa NHS, ang mainam na gamot sa pigsa ay ang pag-inom ng antibiotic na inireseta ng doktor. Oral antibiotics ito, ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
- oxacillin
- daptomycin
- ceftaroline
- telavancin
- vancomycin
- tigecycline
May mga ointment din na epektibong nakakatulong sa pag gamot ng pigsa. Ilan sa mga brands na mabibili mo online ay ang mga sumusunod:
Kung naghahanap ka ng mura at effective na sakin ointment, we recommend Dr. Wong’s Bioderm Ointment. Multifunctional ang ointment na ito na may germicide, fungicide at parasiticide properties.
Karagdagan, nakakalunas din ito sa mga kati-kati sa balat. Ang produktong ito ay nakakatulong din sa paglunas sa iba pang skin conditions gaya ng pigsa, eczema, pimples, athletes foot, hand itch at insect bites.
Features we love:
- Budget-friendly.
- Multifunctional.
- Relieves many skin discomforts.
Ang Bactroban Mupirocin Ointment ay mabisang panlaban sa iba’t ibang bacterial infections sa balat gaya ng folliculitis, furunculosis at ecthyma. Ito rin ay ginagamit bilang topical treatment para sa infected traumatic lesions. At dahil may antibacterial property ang produktong ito, effective itong gamitin para sa pigsa. Kadalasan din itong nirerekomenda ng mga doctor.
Note: Bactroban ointment can be purchased by showing a doctor’s prescription
Features we love:
- Treats many kinds of skin infection.
- Can be used for other skin concerns to prevent bacterial infection.
Isa rin sa pamamaraan ng mga eksperto bilang gamot sa pigsa ay pag-drain ng nana nito.
Ayon naman sa mga pag-aaral, upang malunasan ang pigsa ay kailangang mag-apply ng compound na mag-iimprove ng blood flow sa apektadong bahagi ng katawan.
Kailangan din ang compound na ito ay mayroong ng antibacterial, antiviral, o antifungal properties. Ilan nga sa halamang gamot o natural remedies na makikita sa loob ng ating mga bahay na maaaring makagamot sa pigsa ay ang sumusunod:
Isa ang sibuyas sa mga halamang gamot sa pigsa. Hiwain ng makapal ang sibuyas. Ibalot ito sa gasa at ilagay sa pigsa sa loob ng isang oras. Gawin ito ng isa hanggang dalawang beses sa isang araw.
Pitpitin at kunin ang juice ng bawang. Saka ilagay ang juice nito sa pigsa sa loob ng 10 hanggang 30 minuto. Maaari rin itong gawin isa hanggang dalawang beses sa isang araw.
Ang tea tree oil ay makakatulong ding malunasan ang pigsa. Ang kailangan lang ay diretsong i-apply ito sa pigsa sa tuwing nagpapalit ng bandage o gasa.
4. Castor oil
Ang castor oil ay isa rin sa mga halamang gamot sa pigsa. Tulad ng tea tree oil, ang castor oil ay maaaring i-apply sa pigsa ng deretso sa tuwing nagpapalit ng bandage o gasa.
Magpakulo ng luya na may asin o Epsom salt. Isama sa pagpapakulo ang isang malinis na tela. Saka i-apply ang tela na mainit-init pa sa pigsa sa loob ng 5 hanggang 10 minuto araw-araw.
Maaari ring gawing paste ang luya at turmeric, saka ito deretsong ilagay sa pigsa.
Puwede ring magpakulo nito at inumin tatlong beses sa isang araw. Ito’y upang ma-ingest ang anti-bacterial properties nito at mapabilis ang pagaling ng pigsa.
6. Neem essential oil
Ang neem essential oil ay makakatulong din upang malunasan ang pigsa. Kailangan lang ilagay ito sa pigsa sa loob ng 10-30 minuto at gawin ng isa o dalawang beses sa isang araw.
Ang pigsa ay madalas na gumagaling matapos ang isang linggo ng isagawa ang mga nabanggit na home treatment. Kaya naman sa oras na hindi pa rin gumagaling ang pigsa sa nabanggit na oras.
Kapag tila mas lumalaki pa ito, dapat nang magpakonsulta sa doktor. Lalo na kung labis ang pananakit at nagkakaroon na ng pamumula sa paligid nito.
Ganoon din kapag ang pigsa ay tinutubuan pa ng pigsa sa tabi nito. O kaya naman ay nakakaranas ng paulit-ulit na pagkakaroon ng pigsa sa nakalipas na mga buwan.
Palatandaan ito na maaaring may seryosong kondisyon na ang nasa likod ng pigsang nararanasan. Kaya kiakailangan na ng gabay ng doktor at medikal na atensyon upang ito ay malunasan.
Paano maiiwasan ang pigsa?
Para naman hindi na maranasan ang sakit na dulot na pigsa, may mga paraan naman kung paano ito maiiwasan. Ito ay sa pamamagitan ng sumusunod:
Water photo created by ededchechine – www.freepik.com
- Ugaliin ang paliligo o paglilinis ng balat gamit ang antibacterial soap.
- Gumamit ng brush, glove, loofah o textured cloth para ma-exfoliate ang balat isang beses sa isang linggo. Lalo na sa bandang kili-kili, singit, mukha at balikat.
- Uminom ng maraming tubig at manatiling hydrated. Kumain rin ng masusustansyang pagkain para sa dagdag na depensa ng katawan mula sa sakit.
- Regular na mag-exercise.
- Linisan at takpan ang mga may sugat na balat gamit ang sterile dressing tulad ng bandage at gasa.
- Ugaliing maghugas ng kamay gamit ang antibacterial wash o soap matapos hawakan ang pigsa.
Tandaan ang pagiging malinis sa katawan ay makakatulong para maiwasan ang pagkakaroon ng pigsa. Sa gayon, maaari ring maiwasan ang mga kumplikasyon na dulot nito.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.