X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

22 resort na malapit sa Manila at mga dapat tandaang COVID-19 guidelines

12 min read
22 resort na malapit sa Manila at mga dapat tandaang COVID-19 guidelines

Time to unwind na! Narito ang 22 private pool and resort sa Antipolo kasama na ang ilang lugar sa Manila. Save the date na!

Ilang linggo na lamang, mag-iisang taon na tayong naka-lockdown. January noong 2020 nang inanunsyo ang unang kaso ng nakamamatay na COVID-19 sa bansa. Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso nito, inutos ang total lockdown sa buong bansa noong Marso.

Mababasa sa artikulong ito:

  • 22 private pool and resort in Antipolo at ilang parte ng Manila
  • Mga dapat malaman sa COVID-19 guidelines

Hindi naglaon, tuluyan nang naging pandemya ang COVID-19 virus dahil sa mabilis na pagkalat nito sa buong mundo.

Marami ang naapektuhan ng pangyayaring ito. Nandyan na ang pagsara pansamantala ng mga establisyemento, marami ang nawalan ng trabaho pati na rin mismo ang buhay ng maraming taong nahawaan ng sakit na ito.

Ngunit habang tumatagal, unti-unti nang nagbubukas ulit ang mga establisyemento para ipagpatuloy ang serbisyo nila. Kasama na rito ang ilang private resort sa bansa.

Kaya naman narito ang 22 resorts around Manila at ang proper COVID-19 guidelines nila!

22 private pool and resort in Antipolo at ilang parte ng Manila: Time to Unwind!

Paalala, kailangang sundin ng bawat isa ang protocol ng mga resort na ito at ang COVID-19 guidelines nila. Ito ay para mapanatili pa ring ligtas ang bawat isa mula sa nakakahawang virus na ito.

private pool in antipolo

Image from Rubys Place Amadeo

1. Rubys Place Amadeo

Location: Amadeo, Tagaytay

Ang Rubys Place Amadeo o dating kilala sa pangalang Casa Del Sol Amadeo ay matatagpuan sa Amadeo, Tagaytay. Kung hanap mo ay green scenery at cozy environment, maaaring isama sa listahan ang Rubys Place Amadeo! Ekslusibo ito para sa mga overnight stay ng pamilya o magkakaibigan.

Ang kinagandahan ng lugar na ito ay maaari mo na siyang ituring na sariling bahay dahil matatagpuan dito ang pool at iba pa. Kasama sa accommodation ang paggamit ng mga utensil at equipments.

No. of Guests: 16+ guests

Rooms: 3 bedrooms, 3 baths

Price per night: ₱8,000

Bisitahin ang kanilang Facebook page.

private pool in antipolo

Image from Bianca e Blu Beach House

2. Rusan Country View Resort

Location: Cainta, Rizal

Kilala ang Rusan Country View Resort na matatagpuan sa Cainta bilang daluhan ng iba’t ibang pagtitipon katulad ng kaarawan. Matatagpuan dito ang malaking pool na kasama sa accommodation. Ekslusibo ito para sa mga overnight stay ng pamilya o magkakaibigan.

No. of Guests: 16 guests

Rooms: 3 bedrooms, 4 bathrooms

Para sa iba pang detalye, i-click lamang ito.

private pool in antipolo

Image from Trip Advisor

3. Villa Caranzo private resort

Location: Las Piñas, Metro Manila

Saktong-sakto ito sa mga taga South dahil malapit lang. Malapit lamang ito at nasa loob ng Metro Manila pero tiyak na mapapahanga ka sa ganda nito. Puno ng mga puno ang paligid. May dalawang villa rin ito na pwede mong pagpilian. Pwede rin itong rentahan kapag may mga okasyon katulad ng birthday, kasal, binyag at iba pa. May wifi rin sila!

Partner Stories
FamilyDOC launches movement to beat Diabetes
FamilyDOC launches movement to beat Diabetes
J&J Philippines marks 65th year in PH with nationwide care initiatives
J&J Philippines marks 65th year in PH with nationwide care initiatives
PLDT, Smart partner with Grab for rapid and convenient delivery of internet products
PLDT, Smart partner with Grab for rapid and convenient delivery of internet products
Enjoy Clean Air Indoors for Healthier Living with New Philips Air Purifiers
Enjoy Clean Air Indoors for Healthier Living with New Philips Air Purifiers

Kasama rin sa accommodation nila ang videoke, griller, fridge, 1 buffet table 20-30 chairs with table.

No. of Guests: 16+ guests

Rooms: 5 rooms (*for both villa), with bathes

Price (8:00-5:00pm/12:00pm – 8:00pm): ₱9,500 (*for 1 room only)

Bisitahin ang kanilang Facebook page o kontakin sila sa number na, Landline: 8-800-17-63; Cellphone number: 09293794550

22 resort na malapit sa Manila at mga dapat tandaang COVID-19 guidelines

Image from Villa Caranzo Facebook page

4. Bianca e Blu Beach House

Location: Nasugbu, Batangas

Ilang oras lang ang layo nito mula sa Manila. Ang Bianca e Blu Beace House ay isang private resort na matatagpuan sa Nasubu, Batangas. Moderno ang istilo ng lugar at namamayani ang kulay na asul na paligid. Isa pang maganda rito ay pwedeng-pwede isama ang mga alagang hayop sa inyong trip!

No. of Guests: 16+ guests

Rooms: 9 bedrooms, 8 baths

Price per night: ₱19,200

Timmy in the Woods

Private pool in Antipolo

5. Timmy in the Woods

Location: Antipolo, Rizal

Hanap mo ba ay IG worthy place? Ang Timmy in the Woods na matatagpuan sa Rizal ang bagay sa ‘yo! Moderno rin ang desenyo ng buong lugar at aakalain mong nasa ibang lugar ka. Black, brown at white ang kabuuang kulay ng resort.

No. of Guests: 16+ guests

Rooms: 9 bedrooms, 8 baths

Price per night: Starts at ₱26,000

Bisitahin ang kanilang Facebook page.

22 resort na malapit sa Manila at mga dapat tandaang COVID-19 guidelines

Image from Luke’s Haven

6. Luke’s Haven

Location: Tanay, Rizal

Isang pribadong resort at events place naman mula Tanay ang iyong matatagpuan, ito ang Luke’s Haven. Ekslusibo ito para sa mga overnight stay ng pamilya o magkakaibigan mula 7 PM to 7 AM. For daytime naman, ito ay mula 9 AM to 5 PM.

Kasama sa accomodation ang buong rest house na may tatlong kwarto, 10-meter swimming pool at sound-proofed music room!

No. of Guests: 16 guests

Rooms: 3 bedrooms

Price per night: Starts at ₱18,000

Bisitahin ang kanilang Facebook page.

22 resort na malapit sa Manila at mga dapat tandaang COVID-19 guidelines

Image from White House

7. White House at Palo Alto

Location: Baras, Rizal

Kung nais niyo naman din ng cozy overnight swimming, maaaring puntahan ang White House sa Baras Rizal! Minimalist home itong maituturing dahil sa kulay puti nitong kabuuan.

No. of Guests: 16 guests

Rooms: 2 bedrooms, 18 beds, 3 bathroom

Price per night: Starts at ₱18,000

Bisitahin ang kanilang Facebook page.

YOLOs Rest House

Image from YOLO’s Rest House

8. YOLO’s Rest House

Location: Taytay, Rizal

Matatagpuan sa Taytay Rizal ang YOLO’s Rest House kung saan swak na swak ang getaway ng barkada o pamilya. Matatagpuan dito ang modernong istilo ng bahay na may TV, billiard table, air-conditioned table at swimming pool.

No. of Guests: 10 guests

Price per night: Starts at ₱11,000

Bisitahin ang kanilang Facebook page.

Private pool in Antipolo

Private pool in Antipolo | Image from Casa Rita

9. Casa Rita

Location: Antipolo City, Rizal

Isa pang dinarayo na private resort sa Antipolo Rizal ay ang Casa Rita. Kilala ito bilang birthday, wedding venue at ibang gathering.

Mayroon itong 9-meter pool, billiard table, kitchen at grilling area.

No. of Guests: 25 guests

Rooms: 1 bedroom, 18 beds, 3 bathroom

Price per night: Starts at ₱18,000

Bisitahin ang kanilang Facebook page.

22 resort na malapit sa Manila at mga dapat tandaang COVID-19 guidelines

Image from Amazing Villa

10. Amazing villa with pool

Location: Angeles City

Bisitahin ang Amazing Villa sa lugar ng Angeles City. Isa ring Instagram worthy ang lugar na dahil mistulang mini museum ito dahil sa dami ng palamuti. Pinaghalong moderno at tradisyonal ang istilo ng bahay.

No. of Guests: 12 guests

Rooms: 4 bedrooms, 4 beds, 7.5 bathroom

Price per night: Starts at ₱18,000

Para sa iba pang detalye, i-click lamang ito.

Private pool in Antipolo

Private pool in Antipolo | Image from Mi Santorini

11. Mi Santorini View Staycation – Maddie’s Venue

Location: Antipolo, Rizal

Swimming pool with mountain scenery? Hindi imposible ‘yan sa Mi Santorini View Staycation na matatagpuan sa Antipolo, Rizal! Mae-enjoy mo ang breathtaking view ng buong siyudad habang nandito. Perfect ang lugar na ito para sa iba’t ibang okasyon katulad ng birthday, simpleng getaways, wedding proposal at iba pa.

Hindi mo na rin kailangang iwanan sa bahay ang inyong furbabies dahil pwedeng-pwede sila rito.

No. of Guests: 16 guests

Rooms: 4 bedrooms, 4 beds, 7.5 bathroom

Price per night: Starts at ₱17,000

Bisitahin ang kanilang Facebook page.

Private pool in Antipolo

Private pool in Antipolo | Image from Airbnb

12. Entire bungalow

Location: Antipolo, Rizal

Feel at home ka naman sa private resthouse na ito na matatagpuan sa Antipolo Rizal. Hindi nalalayo sa disenyo ng pangkaraniwang bahay ang disenyo nito. Presko ang buong paligid dahil napapaligiran ng nagtataasang puno ang buong lugar. At oo, may wifi rito!

No. of Guests: 6 guests

Rooms: 2 bedrooms, 3 beds, 3 bathrooms

Price per night: Starts at ₱7,000

Para sa iba pang detalye, i-click lamang ito.

22 resort na malapit sa Manila at mga dapat tandaang COVID-19 guidelines

Image from Airbnb

13. Casa Laura

Location: Los baños, Laguna

Matatagpuan sa Los baños, Laguna ang perfect vacation house na Casa Laura. May pagkakahawig ito sa makalumang bahay kaya naman espesyal ang magliwaliw dito kasama ang pamilya o mga kaibigan. 10 guests ang minimum at 30 guests ang maaaring maging bisita rito.

Bagay rin ang Casa Laura sa mga gustong mag-retreat.

No. of Guests: 16 guests

Rooms: 3 bedrooms, 16 beds, 4.5 bathrooms

Price per night: Starts at ₱16,000

Para sa iba pang detalye, i-click lamang ito.

22 resort na malapit sa Manila at mga dapat tandaang COVID-19 guidelines

Image from Rent by Owner

14. 2BR, Pool House and Spacious Garden

Location: Parañaque

Matatagpuan ang 2BR Pool House and Spacious Garden hindi nalalayo sa siyudad dahil ito ay sa Parañaque lamang. Ekslusibo ito para sa mga overnight stay ng pamilya o magkakaibigan.

No. of Guests: 12 guests

Rooms: 2 bedrooms, 4 bathrooms

Price per night: Starts at ₱8,000

Para sa iba pang detalye, i-click lamang ito.

22 resort na malapit sa Manila at mga dapat tandaang COVID-19 guidelines

Image from Airbnb

15. Exclusive Private Villa w/pool & nature trail

Location: Tanay, Rizal

Kung nais mong malayo pansamantala sa maingay na siyudad, maaaring pumunta sa private resort na ito na matatagpuan sa Tanay Rizal. Mayroon ditong swimming pool at magandang tanawin na siguradong mare-relax ka.

No. of Guests: 13 guests

Rooms: 3 bedrooms, 7 beds, 2 bathrooms

Price per night: Starts at ₱15,000

Para sa iba pang detalye, i-click lamang ito.

22 resort na malapit sa Manila at mga dapat tandaang COVID-19 guidelines

Private pool in Antipolo | Image from Beverly Hills Private Resort

16. Beverly Hills Private Resort

Location: Antipolo, Rizal

Green scenery! Ito ang matatagpuan mo sa Beverly Hills Private Resort sa Antipolo, Rizal. Siguradong mare-relax ka sa sariwang hangin dito dahil napapalibutan ng matataas na puno ang buong lugar.

No. of Guests: 25 guests

Rooms: 4 bedrooms, 4 bathrooms

Price per night: Starts at ₱11,000

Bisitahin ang kanilang Facebook page.

22 resort na malapit sa Manila at mga dapat tandaang COVID-19 guidelines

Private pool in Antipolo | Image from Agoda

17. Altaroca Mountain Resort and Convention Center

Location: Antipolo, Rizal

Ang Altaroca Mountain Resort and Convention Center ay isang private resort na matatagpuan sa Antipolo. Kilala rin ito bilang events place kung saan maaari mong i-celebrate ang iyong birthday, after wedding ceremony at iba pang espesyal na pagtitipon.

Bisitahin ang kanilang Facebook page.

private pool in antipolo

Private pool in Antipolo | Image from Mount Purro Nature Reserve

18. Mount Purro Nature Reserve

Location: Antipolo, Rizal

Stress sa trabaho o ibang problema? Swak na swak sa’yo ang magpalipas muna ng ilang araw sa Mount Purro Nature Reserve na matatagpuan sa Antipolo, Rizal. Ipaparanasa sa’yo nito ang preskong hangin at payapang kapaligiran dahil  sa punong nakapaligid sa lugar.

For Inquiries & Reservations:

Joana Legayada(0949) 398 1799

[email protected]

Para sa iba pang detalye, i-click lamang ito.

22 resort na malapit sa Manila at mga dapat tandaang COVID-19 guidelines

Image from John’s hammock vacation home

19. John’s Hammock Vacation Home

Location: Mataas na kahoy, CALABARZON

Ang John’s Hammock Vacation Home sa lugar ng Antipolo ay kayang tumanggap ng panauhin hanggang 70 katao. Sa laki ng lugar, maaari ritong mag-trekking o camping.

No. of Guests: 16 guests

Rooms: 4 bedrooms, 5 beds, 4.5 bathrooms

Price per night: Starts at ₱22,000

Para sa iba pang detalye, i-click lamang ito.

private pool in antipolo

Image from Airbnb

20. Balai Talahib

Location: Tanay, Rizal

Kung nais mo naman ng tradisyonal na lugar katulad ng kubo sa mapunong lugar, bisitahin ang Balai Talahib sa lugar ng Tanay, Rizal. Paniguradong mae-nejoy mo ang kakaibang vibe sa buong resthouse na ito!

No. of Guests: 16 guests

Rooms: 3 bedrooms, 5 beds, 5 bathrooms

Price per night: Starts at ₱8,499

Para sa iba pang detalye, i-click lamang ito.

22 resort na malapit sa Manila at mga dapat tandaang COVID-19 guidelines

Image from Airbnb

21. Tree House by the ocean with pool

Location: Calatagan, Batangas

Perfect ang Tree House sa Calatagan, Batangas para sa getaway ninyo ni mister! Mag-relax habang napaliligiran ng mga puno at preskong hangin.

Tandaan lamang na hindi pinapayagan ang manigarilyo sa lugar na ito. Bawal rin ang mga batang nasa edad 12 pababa pati ang mga alagang hayop.

No. of Guests: 2 guests

Rooms: 1 bedrooms, 1 beds, 1 bathrooms

Price per night: Starts at ₱5,500

Para sa iba pang detalye, i-click lamang ito.

22 resort na malapit sa Manila at mga dapat tandaang COVID-19 guidelines

Image from Airbnb

22. APMPOOLVILLA A4 UNIT

Location: Sta. Cruz, Central Luzon

Ang luxury poolvilla na ito ay mayroong pribadong pool at jacuzzi sa loob mismo ng bahay! Perfect ito para sa intimate gathering. At oo, available rito ang wifi!

No. of Guests: 13 guests

Rooms: 6 bedrooms, 6 beds, 7 bathrooms

Price per night: Starts at ₱29,000

Para sa iba pang detalye, i-click lamang ito.

Mga dapat malaman sa COVID-19 guidelines

Sa pagpasok ng taong 2021, ilang resort na ang nagsimulang tumanggap ulit ng mga panauhin at opisyal ng binuksan ulit ang kanilang serbisyo sa publiko. Ngunit nananatili pa rin ang mahigpit na protocol dito para mapanatili na ligtas ang bawat isa habang nasa bakasyon.

Narito ang mga kailangang tandaan:

BASAHIN:

6 tips to prepare your child for easy COVID-19 testing

7 family travel destinations under ₱2,500

5 dahilan kung bakit hindi sayang ang pag-travel na may kasamang bata

1. Pagtingin ng temperatura

Bago pumasok ng establisyemento, kinakailangang suriin muna ang kanilang temperatura. Ang mga bisitang nakitaan ng flu-like symptoms ay hindi pinapayagang makapasok at kinakailangang magtungo sa pinakamalapit na ospital.

2. Screening test

Bawat hotel o establishment ay kailangang magsagawa ng screening test sa lahat ng bisitang papasok dito. Kasama na rito ang swab test.

3. Sanitize!

Sa bawat entrance ng establisyemento, kinakailangang mayroon ditong nakahandang sanitizers.

4. Face mask at face shield

Kahit na nag negatibo sa screening test, ‘wag pa ring kakalimutang magsuot ng face mask o face shield kapag may kaharap na ibang tao.

5. Importanteng dokumento

Bago umalis, kinakailangang ‘wag kalimutan ang mga importanteng dokumentong ito:

  • Kopya ng government valid ID
  • Kopya ng kumirmadong hotel booking
  • At kopya ng ticket
22 resort na malapit sa Manila at mga dapat tandaang COVID-19 guidelines

Screenshot from Philippines Travel Advisory

Mga dapat tandaan

  • Online payment. Mahigpit na ipinag-uutos ang online payment bago pumunta mismo ng isang establishment.
  • Health Declaration Form. ‘Wag ding kakalimutan ang importanteng Health Declaration Form na ipapakita bago mag check-in.
  • Body temperature. Kailangang makapasa ng bawat bisita sa body temperature.
  • Safety protocols. ‘Wag kakalimutan ang social distancing, face mask, face shield at sanitizers!

Para sa iba pang impormasyon, bisitahin lamang ang Philippines Travel Advisory.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Mach Marciano

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pandemya ng COVID-19
  • /
  • 22 resort na malapit sa Manila at mga dapat tandaang COVID-19 guidelines
Share:
  • 21 Private beach resort na pampamilya na malapit sa Maynila

    21 Private beach resort na pampamilya na malapit sa Maynila

  • 6-anyos, nalunod matapos mapabayaan sa swimming pool

    6-anyos, nalunod matapos mapabayaan sa swimming pool

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

  • 21 Private beach resort na pampamilya na malapit sa Maynila

    21 Private beach resort na pampamilya na malapit sa Maynila

  • 6-anyos, nalunod matapos mapabayaan sa swimming pool

    6-anyos, nalunod matapos mapabayaan sa swimming pool

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.