Minsan, mas mabuti rin ang makadiskubre ng bagong gawain, tao, lugar o hobby ang isang bata. Ngayong summer 2020, bakit hindi niyo i-try mag vacation na may kasamang bata? Siguradong may healthy benefits kayong makukuha both sides!
Narito ang mga healthy benefits kapag nagtravel na may kasamang bata.
Image from Dino Reichmuth on Unsplash
5 dahilan kung bakit hindi sayang ang pag-travel na may kasamang bata
Ayon sa isang survey, mataas ang porsyento na magiging successful sa school ang isang anak kung ito ay sinasama ng pamilya sa vacation.
Sa survey ng Student and Youth Travel Association (SYTA), halos 74% ng mga guro ay naniniwalang ang pagttravel ang may malaking puwang para maging matagumpay ang personal development ng isang bata.
Malaki ang positibong benefit dito para edukasyon at career ng isang bata. Ngunit ano ang basehan dito?
Sa pagtatravel ng isang bata, dito niya natututunan o nadidiskubre ang mga bago sa kanyang mata. Gaya ng kultura ng naturang lugar, mga tao dito, pagkain o pamumuhay.
1. Makakadagdag sa kaalaman ng bata ang lenggwahe sa naturang lugar
Sabihin na lang natin na magbabakasyon kayo ng pamilya mo kasama ang iyong mga anak sa Cebu. Kadalasan ang mararamdaman ng iyong anak ang maging excited sa inyong bakasyon. ‘Mama, malayo po ba ang Cebu?’ o kaya naman ‘Mama, ano pong masarap na pagkain ‘don?
Dito pa lamang sa mga katanungan na ito, makikita mo na kung gaano siya ka-curious sa inyong pupuntahan. Isa itong sign na open siya makadiskubre o matutunan ang isang bagay.
Image from Dino Reichmuth on Unsplash
‘Mama, anong salita ang ginagamit nila doon?’
Minsan ang pagtatanong ng isang bata ay nagpapakita kung gaano kalawak ang kanyang isipan. Nagpapakita rin ito ng talino. Sa katanungang ito, nalalaman niya agad na may partikular na lenggwahe sa isang lugar.
Ang pagttravel ay makakatulong sa iyong anak upang matutunan ang iba’t-ibang mga lenggwahe na maaari nilang magamit sa future.
2. Mauunawaan ang konsepto ng pagkakaiba ng bawat isa
Ang pagsama ng bata sa pagttravel ay makakatulong sa kanya upang mas lalong mapalawak at maunawaan ang konsepto ng pagkakaiba ng bawat isa. Kahit magkakaiba tayo sa pisikal na anyo, pare-pareho pa rin tayo sa iisang bagay, nag pagiging tao.
Maaaring ang iyong anak ay maitatanong sa’yo kung bakit may mga taong maitim at maputi, mahirap at mayaman. Ito ay tamang oras upang ipaliwanag sa kanila na iba-iba tayo ngunit iisa lang ang adhikain ng bawat isa. Mas maganda ito dahil literal nilang nakikita ang mga bagay ang kailangan lang nila ay ang gabay mo sa mga katanungan nila.
3. Makakatulong sa development ng bata
Nagsisimula ang development ng isang bata simula ng ito’y ipinanganak hanggan sila ay lumaki. ‘Everyday is a new learning experience’ ika nga.
Image from Krzysztof Kowalik on Unsplash
Ang pagttravel ng isang bata ay makakatulong upang ma-build ang kanyang self confidence, self-esteem at sensitivity. Natututunan nila ang makihalubilo sa mga tao at nakakakuha ng new learning sa kanila. Mas maganda ma-exposed ang iyong anak sa labas kesa ikulong ito sa loob ng bahay.
4. Mapapatibay ang samahan ng pamilya
Isa sa magandang benepisyo ng pagttravel ay mapapatibay nito ang samahan ninyong magpapamilya. Magkakaroon kayo ng oras sa isa’t-isa na talagang ittetreasure nyo.
Maganda rin itong paraan para mas lalong mapalapit kayo sa isa’t-isa gaya ng outside activities, paglalaro ng mga country games o pagkain ng sama sama.
5. Malalaman ang kabilang mundo
Sa pagttravel, makakasalamuha ng anak mo ang iba’t-ibang tao. Dito siya magkakroon ng pagkakataon na makakilala ng bagong kaibigan. Makikita rin niya ang mundong kakaiba sa mga mata niya.
Kung anak mo ay lumaki sa urban area at nasanay ito sa matataas na building o mausok na lugar, mas maganda kung kahit pa minsan minsan ay dalhin at iparanas sa kanya ang country side. Kung saan sagana sa puno, preskong hangin at mga batang naglalaro sa daan.
Makikita ng anak mo kung paano mamuhay ng simple.
Kaya ngayong summer, mag sched na ng vacation trip niyo kasama ang iyong anak!
Source: Travel Leisure , Huff Post
BASAHIN: 8 Fun-filled family vacations you can take for P5,000 or less!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!