#FirstAid: Mga dapat gawin kapag nakalmot o nakagat ng pusa
Napaka-cute at masaya ang pag-aalaga ng pusa lalo na sa mga bata. Ngunit minsan, hindi maiiwasan ang kalmot at kagat ng pusa. Narito ang mga dapat gawin.
Ang mga pusa ay popular na alagang hayop, ngunit kung minsan ay maaaring mangalmot o mangagat. Ang mga kagat at kalmot ng pusa ay maaaring magdulot ng sakit at impeksyon sa tao, kaya’t mahalaga na malaman kung paano magbigay ng unang lunas sa ganitong sitwasyon.
Sa pamamagitan ng mga kaalaman sa unang lunas, maaaring mabawasan ang posibilidad ng impeksyon at magkaroon ng agarang kaginhawahan ang napinsala dahil sa kagat o kalmot ng pusa. Sa artikulong ito, ating tatalakayin ang mga paalala at kadalasang ginagawa sa pagbibigay ng unang lunas sa kagat at kalmot ng pusa.
Talaan ng Nilalaman
Ano ang rabies?
Ang rabies ay isang maiiwasan na sakit na madalas na nangyayari sa pamamagitan ng kagat ng isang ng hayop na may rabies. Naapektuhan ng rabies virus ang central nervous system ng isang mammal na nagreresulta sa sakit sa utak at pagkamatay.
Kalmot at kagat ng hayop
Ang pag-aalaga ng mga hayop sa bahay ay nakakabuti daw sa emotional intelligence ng isang bata—pati na mga matatanda. Asahan lang na kapag nag-alaga ng hayop tulad ng pusa at aso, may mga aksidenteng maaaring maganap, tulad ng pagkalmot o pagkagat nito.
Kahit pa walang alagang hayop, marami ding mga pusa at aso na nagkalat sa kalye, na minsan ay dumadayo sa bakuran ninyo. Kaya naman mabuti nang alam natin first aid para sa kalmot at kagat ng pusa para maiwasan ang komplikasyon o paglala nito.
Paliwanag ni Apple Tagatha, RN, isang school nurse, ang simpleng kalmot at kagat ng pusa ay madaling maimpeksiyon kung hindi maaagapan. Ang bibig kasi ng mga hayop tulad ng pusa at aso ay maaaring may bacteria na makapapasok sa sugat at makaapekto sa kalusugan.
Dagdag din ni Dr. Dessi Roman, isang Chemical Associate Professor,
“Rabies is 99.99%. Pag ni-round-off mo ‘yan 100%. And this is especially true in the Philippines. In some countries, in other countries there might be a few survivors 15-20 reports of survivors. But dito sa Pilipinas, unfortunately, 100% talaga ang fatality rate natin.
Sino ang mga may “rabies” ?
Isa sa mga sabi-sabi ay mayroon lang rabies ang aso at pusa. Ngunit paliwanag ni Dr.Dessi Roman isang Chemical Associate Professor,
“Basically all the mammals can harbor and transmit the rabies virus”
Dahil isang mammal ang tao ay nagkakaroon din ito ng rabies, kapag nahawaan ng tao o hayop na may rabies.
Tatlong Kategorya ng Rabies
May tatlong kategorya ang kagat ng rabies ito ay ang mga sumusunod:
Category 1. Paghawak o pagpakain ng aso, nadilaan ng hayop ang iyong balat na walang sugat (no exposure). Category 2. May gasgas na sa balat mula sa kalmot o kagat. Ngunit hindi patuloy ang pagdurugo (exposure). Category 3. Nahiwa na talaga ang iyong balat at patuloy ang pagdurugo mula sa parteng may kagat o kalmot.
Ano ang Pre-exposure Prophylaxis at Post- exposure Prophylaxis?
Ang Pre-exposure Prophylaxis napapadali nito ang proseso ng paggamit sa post exposure Prophylaxis at mapoprotektahan nito ang hindi mo napansing rabies exposure. May karagdagan proteksyon ang iyong katawan laban sa rabies.
Sino ang dapat tumanggap ng pre-expose na prophylaxis na rabies?
- Mga beterinaryo, beterinaryo na tekniko, opisyal ng pagkontrol ng hayop, rehabilitator sa wildlife, empleyado ng zoo, ilang mga manggagawa sa laboratoryo, at iba pa na regular na nakikipag-ugnay sa mga hayop na may posibleng rabies.
- Mga manlalakbay na pumupunta sa mga lugar na may endemic canine rabies at sila ay may mga interaksyon sa ligaw na hayop , kung saan maaaring limitado ang pag-access sa mga medikal na pangangailangan.
Ilang taon ka pwedeng magpaturok ng Pre-exposure Prophylaxis?
Paliwanag ni Dr. Dessi,
“In general ang rabies vaccine is a safe activated vaccine. Ibig sabihin patay na siya na virus. We did not cause any rabies. Never nangyari ‘yun. Na-injectan ka ng rabies vaccine tapos bigla kang nag ka virus.”
Ano mang gulang ay maaari makatanggap nito, lalo na kapag ikaw ay may alagang hayop sa loob ng inyong bahay.
Ang Post-exposure Prophylaxis ay binubuo ng isang dose ng human rabies immune globulin (HRIG) at bakunang rabies na ibinigay sa araw ng pagka expose sa rabies, at pagkatapos ibibigay ulit ang doses sa 3 araw, 7 araw , at 14 na araw.
Para sa mga taong hindi pa nabakunahan laban sa rabies dati, ang postexposure prophylaxis (PEP) ay dapat laging isama sa parehong bakunang HRIG at rabies.
Ang kumbinasyon ng HRIG at bakuna ay inirerekomenda para sa parehong mga nakagat at hindi nakagat ng rabies.
Dagdag pa ni Dr. Dessi,
“Regardless of age kailangan makatanggap ng post-exposure prophylaxis. Ang PrEP you can delay but ang post-exposure prophylaxis can’t never be delayed.Because there is a risk of getting rabies infection. At alam ninyo naman, na ang rabies infection, ay 100 % fatal.”
Ang hindi magagandang reaksyon sa bakuna sa rabies at immune globulin ay hindi pangkaraniwan. Subalit ang mga bagong bakuna na ginagamit ngayon ay nagdudulot ng mas kaunting masamang side effects kaysa sa dating ginagamit na mga bakuna.
Ang mild, lokal na mga reaksyon sa bakunang rabies, tulad ng sakit, pamumula, pamamaga, o pangangati sa lugar ng pag-iniksyon, ay naiulat. Bihirang, ang mga sintomas tulad ng sakit ng ulo, pagduwal, sakit ng tiyan, pananakit ng kalamnan, at pagkahilo ay naiulat.
Ang bakuna ay dapat ibigay sa mga inirekumendang agwat para sa magandang resulta. Makipag-usap sa iyong doktor o estado o lokal na mga opisyal sa kalusugan ng publiko kung hindi ka nakabakuna sa inirekumendang agwat.
Ang pag-iwas sa rabies ay isang seryosong bagay at hindi dapat gawin ang mga pagbabago sa iskedyul ng mga doses
Ang mga tao ay hindi maaaring makapagpasa ng rabies sa ibang mga tao maliban kung sila mismo ay may sakit na rabies. Pinoprotektahan ka ng PEP mula sa pagbuo ng rabies.
Samakatuwid, hindi ka makahawa ng rabies sa ibang tao. Pagkatapos ay maaari ka ng magpatuloy na bumalik sa iyong mga normal na aktibidad.
Ano ang dapat gawin o first aid kapag nakalmot o nakagat ng aso o pusa?
Narito ang mga hakbang sakaling nakalmot o nakagat ng pusa, ayon kay nurse Apple.
- Hugasan kaagad ng sabon at running water ang kalmot o kagat ng pusa. Itapat sa gripo o buhusan ng tubig gamit ang tabo para siguradong malinis ang mikrobyo. Gawin ito ng ilang minuto.
- Tingnang mabuti ang kalmot o kagat kung may sugat o kung may “puncture wound”. Pahiran kaagad ng antibiotic ointment tulad ng Fucidine, nagdugo man ito o hindi.
- Kung patuloy ang pagdurugo, diinan ang sugat gamit ang isang malinis na tuwalya o bimpo para mapigil ang pagrudugo.
- Lagyan ng sterile na bandage para maproteksiyunan.
- Maliit man o malaki ang kalmot o kagat ng pusa, kailangang dalhin sa doktor kaagad para mabigyan ng nararapat na medical attention at maagapan ang komplikasyon, lalong lalo na kung bata ang nakagat o nakalmot.
Lumalalang sintomas ng rabies sa kagat ng pusa
- Pagmasdan kung namumula at namamaga na ang kalmot o kagat. Ito ang senyales na naimpeksiyon na ang sugat, lalo na kung nasundan pa ng lagnat, panghihina at pagkawala ng ganang kumain.
- Hindi tumitigil ang pagdurugo, pagkalipas ng 15 minuto.
May rabies ba ang kalmot ng pusa?
Ang kalmot ng pusa ay delikado rin dahil mahilig nilang dilaan ang kanilang mga paa at nagkakaroon dito ng kanilang laway. Kung ikaw ay nakalmot ng iyong alagang pusa,’wag na ‘wag itong hahayaang dilaan ang iyong sugat dahil maaari ring mapasa ang bacteria sa pamamagitan nito. Hugasang mabuti ang iyong sugat gamit ang sabon at tubig.
Kapag may kalmot at kagat ng pusa, isugod kaagad sa Emergency Room o doktor kung:
- ang pasyente ay may diabetes o mahinang immune system dahil sa isang medical condition (lung disease, cancer, HIV infection)
- walang tetanus vaccine ang pasyente, o ang huling bakuna ng anti-tetanus ay 5 taon o higit pa ang nakalipas na.
- ang kumagat ay “stray” o pusa sa kalye
- hindi sigurado kung ang kumagat na pusa ay may anti-rabies vaccine.
May tinatawag na post-exposure tetanus prophylaxis na kailangan ng sinumang nakagat ng pusa o anumang hayop, para maagapan ang tetanus infection. Kakailanganin din ng nararapat na serye ng rabies vaccine at antibiotics.
Para makaiwas sa anumang aksidente at maibsan ang pangamba, turuan ang mga bata na huwag makipaglaro sa mga pusa o hayop na gumagala sa labas ng bahay, o hindi “kilala”.
Kung may alagang pusa, turuan ang mga bata na iwasang makipagharutan sa alaga. Ito ay para maiwasan din ang aksidenteng makagat o makalmot nito.
Siguraduhin ding kumpleto sa mga “shots” ang iyong alagang pusa. Lalo pa kung may bata sa pamilya na nakikipaglaro sa alaga. Ugaliin din ang paghuhugas ng kamay pagkatapos humawak o makipaglaro sa alagang pusa.
Kalmot ng pusa, delikado ba?
Madalas isipin nang marami sa atin na hindi ganoon kadelikado ang kagat ng pusa kaysa ibang hayop na may rabies tulad ng aso, daga at mga paniki.
Hindi nga naman makakaila ito, dahil hindi tulad sa ibang hayop, ang mga pusa ay hindi ganoon ka-agresibo. Ngunit dapat pa ring tatandaan, na ang pusa ay isa pa ring hayop.
Likas sa mga ito ang pangangagat at pangngalmot kung ramdam nilang ikaw ay isang estranghero o mayroong dalang panganib sakanila, maaari ka ring kagatin nito kung mayroong sakit na nararamdaman ito, at ang pag-atake kung ang may-ari ay may dalang iba o bagong hayop.
Mapanganib ang claws at ngipin ng pusa. Sugat ang pinsalang dala nito sakaling makagat ka nito, bilang matutulis ang mga ngipin at claws nito.
Kaya nitong mag-iwan ng malalalim na sugat sa parte ng katawan na kanilang kinalmutan o kinagatan. Sa lalim ng kagat ng mga pusa, maaari itong magresulta ng malulubhang karamdaman lalo na’t kung ito ay may impkesyon.
Bawat kagat ng pusa ay mayroong dalang malalaki at madadaming bilang ng bacteria at mikrobyo na nagdudulot ng impkesyon. Bago mangyari ang impkesyon mula sa kagat na ito, ang mga mikrobyo at bacteria ay mabilis na pumapasok sa tisyus ng ating katawan.
Bukod pa sa mga tissues, naaapketuhan din ang ating joints at vessels. Kapag ang daluyan ng dugo ay siya ring napasok ng mga mikrobyong ito, kakalat ito sa iba’t ibang organs na magbibigay ng seryosong komplikasyon.
Iba iba ang dalang panganib ng kagat ng pusa, depende sa pathogen na nangigibabaw sa panahon na ikaw ay makagat nito. Mayroong mga kaso na nakakaramdam ng mga sumusunod:
- pamamaga sa apektadong bahagi ng katawan
- impeksyon sa balat
- pagkalason sa dugo
- pagtatae
- hindi paggaling ng sugat dala ng kagat at kalmot
- ang pag-igting ng mga kalamnan
Ilan lamang iyan sa mga maaaring maranasan kung ikaw ay nakagat ng pusa, ang sa tingin nang ilan na hindi nakapipinsalang kagat ng pusa ay maaaring maghantong sa ‘yo sa pagkamatay.
Babala ng mga doktor ang agarang pagbisita sa mga malalapit na hospital o animal bite center kung ikaw ay nakagat sa anumang parte ng katawan.
Kagat man ito ng pusa sa kamay, kagat sa paa o kagat sa mukha, inaasahan ang mabilis na aksiyon matapos ang paglalapat ng first aid sa kagat ng pusa at upang maiwasan din ang anumang komplikasyon at panganib sa kalagayan ng katawan mula sa kalmot at kagat nito.
Paano makakaiwas sa mga kagat ng pusa o kalmot ng pusa?
Ang paglalapat ng first aid mula sa kagat ng pusa at pagkonsulta sa mga doctor ang siyang unang pamamaraan na dapat gawin ng isang nakagat ng pusa, lalo na ang may rabies.
Ngunit, paano nga ba natin maiiwasan ang mga hakbang na iyan, maging ang kagat ng mga alaga o nakikitang pusa.
- Una, kung ikaw ay nakakita ng stray cats o mga pusa sa kalye, iwasan ang paglapit o paghawak dito. Hindi lahat ng pusa ay may pare-parehong maamong reaksyon sa mga tao.
- Huwag pilitin ang alagang hayop na gawin ang mga bagay na gusto mong matuto ito.
- Tiyakin na mayroong lugar na paglalagian ang pusa sa loob ng bahay. Lalo na kung ikaw ay mayroong mga kasamang bata, upang maiwasan ang pagiging irritable ng pusa mula sa kakulitan ng bata. Dahil ang kagat ng pusa sa mga bata ay as mapanganib.
- Iwasan din ang pananakit ng mga pusa dahil mayroon itong natural na rekasyong mangagat o mangalmot.
- Komunsulta sa mga beterinaryo at humingi ng rekomendasyon kaugnayan ng mga simulator para sa ngipin ng inyong pusa.
- Kung mayroong mga open wounds o maliliit na sugat at gasgas, huwag hayaang dilaan ito ng alaga.
- Alamin maging ang kalusugan at sistema ng katawan ng alagang pusa.
- Huwag guluhin at gambalain ang mga pusa lalo na kung ito ay kumakain o natutulog.
- Siguraduhing ang alagang pusa ay bakunado.
Ang kagat ng pusa ay hindi inaasahan, ngunit kung ang mga sumusunod na gabay ay bibigyang-konsiderasyon ng mga mayroong alagang pusa, maaaring maiwasan ang dalang panganib nito.
Makatutulong ito upang maaalagaan hindi lamang ang iyong kalusugan, kundi maging ang mga nasa paligid at mismong ang alagang pusa.
TANDAAN:
Dalhin sa doktor o Emergency Room ang bata o matanda na nakalmot o nakagat ng pusa, maliit man o malaki ang kagat. Mahalagang i-report kaagad sa doktor ang anumang kalmot o kagat ng pusa.
Lalo na kapag sa mukha, kamay at braso. Pagmasdang mabuti ang sugat at maging alerto sa mga sintomas tulad ng lagnat at pamamaga. Mas mabuting makaiwas sa impeksiyon lalo ng rabies, kaysa magsisi sa huli.
Mga maling paniniwala tungkol sa rabies at kalmot o kagat ng pusa
Maraming tao ang may maling paniniwala tungkol sa rabies at ang panganib ng kagat ng pusa o kalmot nito. Narito ang ilan sa mga ito, pati na rin ang tamang impormasyon para itama ang mga maling paniniwala para sa kaligtasan ng pamilya:
“Hindi delikado ang kalmot basta maliit lang.”
- Kahit maliit na sugat mula sa kalmot o kagat ng pusa ay maaaring magdulot ng impeksyon, lalo na kung ang hayop ay hindi nabakunahan laban sa rabies.
“Ang rabies ay sa kagat lang, hindi kasama ang kalmot.”
- Ang rabies ay maaaring maipasa sa kalmot kung ang kuko ng pusa ay kontaminado ng laway nito. Kaya’t parehong dapat seryosohin ang kagat at kalmot.
“Hugasan lang ang sugat, ayos na.”
- Bagama’t mahalaga ang paghuhugas ng sugat gamit ang tubig at sabon bilang first aid, hindi ito sapat. Ang kagat o kalmot ng pusa, lalo na kung malalim, ay nangangailangan ng konsultasyon sa doktor para sa tamang lunas tulad ng post-exposure prophylaxis.
Mga dapat gawin:
- Pabakunahan ang mga alagang pusa laban sa rabies.
- Iwasang guluhin o galitin ang mga pusang hindi kilala.
- Agad na magpatingin sa doktor kung nakagat o nakalmot ng pusa, lalo na kung may dumudugo o malalim na sugat.
Tandaan, ang tamang kaalaman at aksyon ang pinakamabisang proteksyon laban sa rabies.
Karagdagang ulat mula kay Jasmin Polmo
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirereKomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
- #FirstAid: Mga dapat gawin kapag nakalmot o nakagat ng aso
- 7 bagay na kailangang tandaan kapag nakagat ng daga o iba pang hayop
- Vic Sotto sa kahilingan ni Tali na magkaroon ng kapatid: "Ang problema parati namin siyang katabi matulog"
- Ogie Diaz on his daughter Erin: "Pagdating ng araw na iwan kayo ng asawa niyo, 'di kayo pwede pagmalakihan dahil may natapos kayo."