Ngayong pabago-bago ang lagay ng panahon, muling nauuso rin ang mga sakit na kaakibat nito. Nariyan ang trangkaso o influenza in English na maaaring makaapekto sa atin ano man ang ating edad. Paano nga ba mapalalakas ang ating kalusugan sa tag-ulan? Anu-ano ang dapat gawin para maibsan ang trangkaso symptoms?
Talaan ng Nilalaman
Kalusugan sa tag-ulan: Mga sintomas ng trangkaso na dapat bantayan
Ang trangkaso o flu ay maaaring kumalat sa pamamagitan ng tiny droplets mula sa pagsasalita, pag-ubo o pagbahing ng taong apektado ng nasabing virus. Maaari itong makahawa sa ibang tao.
Ayon sa Center for Disease Control (CDC) ang mga sintomas ng trangkaso o influenza in English na dapat bantayan ngayong tag-ulan ay ang mga sumusunod:
- Lagnat
- Pag-ubo
- Masakit na lalamunan o sore throat
- Runny nose
- Baradong ilong
- Pananakit ng katawan
- Fatigue at chills
- Pananakit ng ulo
Ang mga trangkaso symptoms ay maaaring mag-iba depende sa edad ng tao. Ang mga batang may trangkaso symptoms ay posibleng makaranas din ng hirap sa paghinga, pananakit ng dibdib at diarrhea. Samantala, ang mga adult o matatanda naman ay posibleng makaranas ng matinding pananakit ng kasukasuhan, hira sa paghinga at pagkahilo.
Halaga ng routine flu vaccinations
Ang trangkaso o influenza in English na mas kilala sa tawag pinaikling tawag na flu ay posibleng makaapekto sa sino man sa ano mang oras. Mas karaniwan nga lamang tuwing tag-ulan. Sa interview ng GlaxoSmithKline plc o GSK Pharmaceutical kay Dr. Kevin Bautista, ipinaalala ng doktor ang halaga ng routine flu vaccinations.
Ayon kay Dr. Bautista, ngayong lifted na ang health restrictions ng COVID-19, mas mataas na ang exposure natin sa mga sakit lalo na at face-to-face na ulit nating nakakasalamuha ang ating kapwa. Kaya naman, importanteng maprotektahan ang kalusugan sa tag-ulan sa pamamagitan ng immunization. Ang pagpapabakuna ng anti influenza ay makatutulong upang maiwasang magkaroon ng sakit, tag-ulan man o tag-araw.
“Preventive healthcare is still the best protection since people can catch the flu during any season. Getting vaccinated will prevent people from getting sick, and would give them the power to do more and be unstoppable this year,” saad ng doktor.
Ipinaalala rin ni Dr. Bautista na taun-taon ay nagbabago ang vaccines upang maka-adapt sa kasalukuyang flu viruses na kumakalat, kaya naman mahalagang taun-taon nagpapabakuna.
“Flu vaccines change each year in order to match current circulating flu viruses which is why there is a need to get vaccinated annually. It is important to make sure to keep oneself and loved ones protected.”
Kung iisipin umano ang gastos, mas makatitipid kung magpapabakuna dahil kapag naiwasan na magkaroon ng flu o trangkaso ibig sabihin mas maiiwasan din ang pangangailangan na magpunta sa doktor at magpaggamot.
“Additionally, the World Health Organization (WHO), indicates that flu vaccination can generate savings for individuals, families, employers, and entire healthcare systems. According to the CDC, the flu vaccine has been shown to reduce the risk of having to go to the doctor with flu by 40% to 60%.”
Kalusugan sa tag-ulan: Anong dapat gawin kapag may trangkaso
Ayon pa kay Dr. Bautista, majority ng may sakit na trangkaso ay hindi naman nangangailangan ng hospitalization. Kung mayroong trangkaso ang isang miyembro ng pamilya, mahalagang mamalagi sa bahay at magpahinga. Iwasan din ang unnecessary contact sa ibang tao upang hindi makahawa.
Subalit, kung ikaw naman ay under sa tinatawag na high-risk group of individuals, o ‘yong mga susceptible sa flu-related complications, mahalagang kumonsulta agad sa inyong doktor. Lalo na kung tumitindi ang sintomas ng trangkaso na iyong nararanasan.
Ang iba pang dapat gawin kapag may trangkaso ay ang mga sumusunod:
- Uminom ng over-the-counter medicines tulad ng paracetamol, ibuprofen, o naproxen depende sa rekomendasyon ng inyong doktor
- Kumain ng masusustansyang pagkain tulad ng chicken soup at herbal tea
- Uminom ng maraming tubig.
Kalusugan sa tag-ulan: Paano palakasin ang immune system
Bukod sa flu vaccine, mahalaga rin na bantayan ang ating mga kinakain upang maiwasan ang pagkakaroon ng trangkaso. Para mapalakas ang ating immune system, tiyakin ang pagkakaroon ng balanced diet.
Kumain ng mga pagkaing mayaman sa bitamina lalo na sa vitamin C tulad ng gulay at prutas. Ilan sa mga prutas at gulay na mayaman saa vitamin C ay ang citrus fruits, broccoli, kiwi, patatas, kamatis at mga green leafy vegetables.
Bukod pa rito, para mapatatag ang kalusugan sa tag-ulan, puwede ring mag-take ng vitamin C supplements tulad ng multivitamins na mayroong zinc. Tiyakin din na mayroong sapat na tulog upang maging malakas ang iyong overall health.
GSK Pharmaceutical