Kambal na 6-month old nakuhaang sinasaktan ng kanilang sariling ina

6-month old na kambal na inabuso ng ina. Makikita sa viral videos kung paano sampalin, ihulog, at sakalin ang dalawang kawawang baby girls.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang nanay ang unang tinatakbuhan ng anak kapag may problema ito o di kaya’y kapag nasasaktan. Ngunit paano kung ang dapat nagkakalinga sa bata ang una pang nananakit dito? Viral ngayon ang videos ng 6-month old kambal na inabuso ng ina.

Hindi makapaniwala ang netizens kung paano nakayang saktan ng nanay ang kaniyang baby girls. Ilang videos ang lumabas na pinapakita na sinasaktan ang mga bata. Nung una, hindi malaman kung saan o kanino nanggaling ang mga videos. Dahil sa kagustuhan maisalba ang mga bata, nai-share ng mga netizens ang videos sa pagaasang may makakilala sa mga ito.

Kambal na inaabuso

Sa mga nakuhaang videos, makikitang sinasampal at sinasaktan ang mga baby sa ulo. Hinulog din nito ang mga bata sa sahig.

Sa isang video, nakitang dumudugo na ang bibig ng isa sa mga baby girls. Lubos na nakakabahala ang mga pang-aabuso na tinamo ng kambal, na walang ibang magawa kundi umiyak na lamang at tiisin ang pananakit ng kanilang ina.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Sa isang video, narinig ang ina ng kambal na sinabi sa kaniyang sariling anak: “Papatayin kita.” Matapos nito ay sinimulan niyang sakalin ang sarili niyang anak. Sinakal niya ang baby hanggat hindi na makaiyak ang kawawang baby. Ang maririnig na lamang ay ang hirap na paghinga ng bata. Makikita rin na parang nawawalan na ito ng malay.

Look at the confusion in those innocent eyes.

Pag-rescue sa kambal

Nang lumaon, napag-alaman sa mga report na galing sa Saudi Arabia ang mga videos. Nang maiulat ito, nanawagan ang mga netizen sa Saudi Ministry of Labor and Social Development na umaksyon.

Nag-launch naman ng search ang mga opisyal ng  Saudi sa social media upang mahanap ang nag-upload ng video. Nakahanap sila ng lead sa pagkakakilanlan ng abusadong nanay.

Isang nagngangalang Mohanad Al Hashdi ang nagsumbong sa awtoridad na kilala niya ang pamilya ng kambal. Saad nito na ang mga videos daw ay kuha ng isang babaeng Somali na nakatira sa Saudi Arabia. Nanawagan din ito na tulungan ang mga bata dahil hindi sila mapuntahan ng kanilang lolo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa pahayag ng informant, kakahiwalay lang pala ng magulang ng kambal. Hindi raw binibigyan ng suportang pinansiyal ng tatay ang nanay ng mga bata. Ito raw ang naging dahilan kung bakit nag-record ng video ang nanay na inaabuso niya ang kaniyang mga anak. Ipinadala niya ito sa kaniyang biyenan na lalaki upang mapilitan ang huli na magpadala ng pera.

Napag-alaman ng mga awtoridad na nasa Jeddah ang kambal. Na-rescue na sila at tinanggal sa kalinga ng kanilang ina. Dinala sila sa ospital para ma-check-up at magamot ang pananakit na kanilang natamo.

Domestic Violence

Sa isang panayam ng Alekhbariya TV, sinabi ng isang opisyal na nasa kustodiya na ng kaanak ng tatay ang kambal. Dagdag pa nito na dahil klarong kaso ng domestic violence ang naganap, hindi na muling maaring mabawi ng nanay ang baby girls.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Wala namang karagdagang report kung ano ang kalagayan ng isip ng nanay, kung depressed ba ito o nasa tamang pag-iisip. Hindi malinaw ang rason kung paano niya ito nagawa sa sarili niyang mga anak.

 

Napagpasiyahan namin sa TAP na hindi na ipakita ang videos ng pang-aabuso. Ngunit kung nais niyo itong mapanood, makikita ito sa link na ito.

Source: Gulf News

Isinalin mula sa wikang Ingles ni Candice Venturanza.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Republished with permission from: theAsianParent Singapore

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Rosanna Chio