Nakatira sa magandang neighborhood? Heto ang positive effect ng kapitbahay sa mga bata

Ang paglaki ng isang bata sa magandang neighborhood ay nakatutulong sa pag-develop ng kaniyang social skills.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maganda raw na nakatira ang mga bata sa lugar kung saan payapa at mabubuti ang kapitbahay dahil nade-develop ang kanilang critical social skills.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Mabubuting kapitbahay maganda para sa social skills ng anak
  • New neighborhood? Help your kids make some friends!

Mabubuting kapitbahay maganda para sa social skills ng anak

“Children who live in neighborhoods with a high degree of social cohesion may have more opportunities to engage within their community.” | Larawan mula sa Pexels

Masayang makita ng mga magulang na nakikipagkaibigan ang mga anak. Nakatutuwa kasing tignan na nagagawa nilang bumuo ng friendships dahil sa kanilang social skills. Alam niyo ba na malaking tulong daw ang mga kapitbahay sa pagde-develop nito lalo kung teenagers na sila? Ito ang bagong nalaman ng mga eksperto.

Sa isang pag-aaral na published sa Journal of Social and Personal Relationships, sinubukan ng mga eksperto na alamin ang social skills ng mga 1,883 batang may edad na 1, 3, at 15 taong gulang mula sa Fragile Families and Child Wellbeing Study.

Tiningnan nila ang iba’t ibang factor na maaaring makaapekto sa social skills ng mga bata tulad ng kung sino ang kanilang nanay, caregivers, at maging ang kanilang kinalakihang neighborhood. Naghanda rin sila ng 39 na mga kataungan para sa mga bata.

Nakita sa mga batang 3 taong gulang na magre-reflect ang closeness sa isang tao kung sila ay:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Nabibigyan ng yakap ng nanay kahit hindi na sabihin
  • Nagre-respond ang nanay ng positive sa anak
  • Parating tinatawag ng nanay na sumunod sa kanya ang anak

Kapag mas mabubuti ang mga kapitbahay, mas maunlad ang social skills ng bata. | Larawan mula sa Pexels

Nalaman din nilang ang mga bata namang hindi strong ang relationship sa nanay ay umaasa sa mga kapitbahay. Mahalaga raw ang neighborhood ng bata sa social skills nila. Ayon pa sa study lead author na si Sunghyun Hong, isang doctoral student, nakita raw nila na ang mga nakatira sa mga may payapang neighborhood ay mas nag-eengage sa kaniyang community.

“Children who live in neighborhoods with a high degree of social cohesion may have more opportunities to engage within their community and interact with other trusted adults, as well as form friendships with children.”

“This underscores the value of children having access to supportive and loving relationships with the mother and the surrounding community, even from early childhood.”

Dahil sa pag-aaral na ito, nagbigay ng rekomendasyon ang lead author na bumuo pa ng policies at programs na nakabubuti para sa bata. Dapat lang daw gumawa ng paraan kung saan naeempower ang bata na makisalamuha sa kaniyang community.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“This means that when we think about policies and programs to empower our children in the community, we must consider directly supporting the family relations and investing in their surrounding community relations.”

New neighborhood? Help your kids make some friends!

New neighborhood? Help your kids make some friends! | Larawan mula sa Pexels

Kung minsan, napupunta ang pamilya sa kalagayang kinakailangan nilang lumipat ng tirahan dahil sa iba’t ibang factors. Kadalasang nahihirapan sa ganitong sitwasyon ay ang mga bata. Nahihirapan kasi silang mag-adjust sa bagong school, bagong place, at syempre bagong mga kaibigan. Nauuwi tuloy sa nagiging mas malungkutin sila dahil sa walang nakakasalamuha.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tulungan ang iyong anak na magkaroon mula ng friends sa pamamagitan ng ilang ways na ito:

Hanapin ang mga bata sa iyong mga kapitbahay.

Tukuyin kung sino-sino ang nasa parehong edad ng iyong anak. Alamin din kung sino-sino ang may parehong hilig sa iyong anak upang mas madali silang magkasundo.

Maging mabuting modelo sa anak.

Hindi lang naman siya ang kinakailangan ng bagong pakikisalamuha, maging ikaw rin bilang adult. Ipakita sa kanya kung paano ka nakikipag-interact nang sa ganoon ay magaya niya rin ito. Siguraduhing laging naririnig ng bata ang mga respectful words tulad ng “thank you” at “sorry.”

Mag-organize ng activities for kids.

Para hindi mahirapan ang iyong anak na ma-meet ang ibang bata, maaaring ikaw na mismo mag-organize ng event para sa kanya. I-inform lang siya na mayroong mga pupuntang bata sa bahay para maging handa rin siya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bigyan siya ng time.

Hindi naman kinakailangan na makipag-interact siya kaagad sa kanyanga mga kaedad sa neighborhood, kailangan niya rin ng time. Mainam na bigyan siya ng sapat na oras para makapag-adjust pa sa maraming changes na nangyari sa kanyang buhay. Unti-unti makikita mo na lang na siya na mismo ang magfifirst step para magmake friends sa inyong mga kapitbahay.

Kausapin ang anak.

Kinakailangan ng bata na mapaliwanagan sa mga nangyayari at payuhan kung ano ang dapat gawin. Make sure na kakausapin siya before, during, at after ng inyong paglilipat.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Ange Villanueva