Benepisyo at karapatan ng mga kasambahay sa Pilipinas

Nagbabalak kumuha ng kasambahay? Narito ang mga dapat mong malaman.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Protektado rin ng batas ang mga kasambahay sa Pilipinas. Alamin sa article na ito ang mga benepisyo at karapatan sa ilalim ng kasambahay law.

Ano ang Kasambahay Law at sino ang mga sakop nito

Ang Kasambahay law o Republic Act No. 10361 ay isang panlipunang batas na kumikilala sa karapatan ng mga kasambahay nang kahalintulad ng mga nasa pormal na sektor. Nilagdaan ni dating Pangulong Benigno Aquino III ang nasabing batas noong January 18, 2013.

Sa Kasambahay Law o kilala rin sa tawag na Batas Kasambahay, binibigyan ng respeto at proteksyon ang ginagawang serbisyo ng mga domestic workers.

Sinisiguro rin na ang kanilang karapatang pantao ay hindi naaabuso at naibibigay ang tama nilang sweldo at iba pang benepisyo sa ginagawang pagtratrabaho.

Sakop ng batas na ito ang mga sumusunod:

  • Yaya
  • Tagaluto o cook
  • Gardener
  • Labandera o namamalantsa
  • Kasambahay na bata na may edad na labing-lima (15) hanggang labing-walong
  • (18) taong gulang.
  • Sinumang may kinalaman sa gawaing bahay na regular at palagiang nyang ginagawa.

Hindi naman nasasakop ng batas na ito ang mga service providers, family drivers, mga batang inampon sa pamamagitan ng family arrangement o ang mga taong nagseserbisyo lang sa isang bahay kung minsan o kinakailangan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kasambahay Law implementing rules and regulations

Nakasaad sa article 2 ng Kasambahay Law ang mga karapatan at pribilehiyo ng isang kasambahay. Ayon sa batas, ang sinomang employer ay hindi dapat na abusuhin ang mga kasambahay.

Pinoprotektahan ng batas ang mga kasambahay mula sa anomang uri ng abuso tulad ng mga sumusunod:

  • Pisikal na pang-aabuso o karahasan
  • Anomang gawain na makasisira ng dignidad ng kasambahay

Kailangan ding i-provide ng employer ang mga pangunahing pangangailangan ng mga kasambahay tulad ng kaligtasan, tatlong beses sa isang araw na pagkain, at makataong lugar na matutulugan.

Dapat ding bigyan ng sapat na pahinga at tulong ng employer ang kaniyang kasambahay sakaling ito ay magkasakit o maaksidente sa oras ng trabaho.

Bukod pa rito, karapatan din ng bawat kasambahay na magkaroon ng privacy at access sa outside communication. Ibig sabihin, maaaring makipag-usap sa anomang paraan ang kasambahay sa ibang tao sa kaniyang libreng oras o kapag tapos na ang trabaho.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Subalit kapag emergency ang dahilan ng komunikasyon, kahit oras ng trabaho ay maaaring makipag-usap sa iba ang kasambahay.

Larawan mula sa Shutterstock

Dagdag pa rito, dapat ding bigyan ng oportunidad ng employer ang kasambahay na makatapos ng basic education at bigyan ng access sa alternative learning systems, higher education, o technical and vocational training.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kailangang i-adjust ng employer ang work schedule ng kasambahay upang mabigyan ng panahon ang edukasyon nang hindi napapabayaan ang mga gawaing iniatang sa kasambahay.

Samantala, responsibilidad naman ng kasambahay na ituring na confidential ang anomang komunikasyon at impormasyon ng kaniyang employer at mga miyembro ng pamilya nito.

Hindi dapat ipagsabi o ipakalat ng kasambahay ang anomang mahahalagang impormasyon ng kaniyang employer. Maliban na lamang kung ang employer ay may ginawang krimen laban sa isang tao, ari-arian, personal liberty and security, at chastity.

Kasunduan ng employer at kasambahay bago magsimula ang trabaho

Ayon sa Batas Kasambahay, bago magsimula ng serbisyo ang isang kasambahay ay dapat may written employment contract na silang napagkasunduan ng kaniyang employer.

Ayon sa section 11 ng Kasambahay Law, ang employment contract ay dapat na nasusulat sa wika na parehong nauunawaan ng employer at ng kasambahay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dapat ding bigyan ng kopya ng nasabing kontrata ang kasambahay at kailangang nakasaad sa kontrata ang mga sumusunod:

  • Mga gawain at responsibilidad ng kasambahay
  • Period of employment o hanggang kailan ang pagseserbisyo ng kasambahay
  • Suweldo at benepisyo
  • Authorized deductions sa suweldo
  • Ilang oras ang trabaho at ang karampatang dagdag na bayad kung sosobra sa oras na napagkasunduan
  • Restdays at allowable leaves
  • Board, lodging at medical attention
  • Kasunduan sa mga gastusin sa deployment kung mayroon man
  • Kasunduan sa loan
  • Termination sa employment
  • Iba pang lawful condition na napagkasunduan ng dalawang partido

Sa kabilang banda, may karapatang manghingi ng mga requirements ang kaniyang employer bago siya tuluyang matanggap at magsimula sa trabaho. Ito ay ang sumusunod:

  • Barangay clearance
  • Police clearance
  • NBI clearance
  • Medical certificate
  • Birth certificate o baptismal certificate kung ano ang available.

Ang mga requirements na ito ay hinihingi upang masiguro na walang criminal record ang kasambahay at gumagamit siya ng tunay na identipikasyon.

Para sa mga wala pang 18-anyos na kasambahay na nag-aapply, ang dapat pumirma sa kaniyang employment contract ay ang kaniyang legal guardian.

Ngunit tandaan na nasasaad din sa batas na hindi maaaring pumasok bilang kasambahay ang mga nasa edad 14 na taon pababa. Pagsagasa rin ito sa Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.

Samantala, ang mga kasambahay ay hindi dapat singilin ng recruitment o finder’s fees ito man ay natanggap sa trabaho sa pamamagitan ng private employment agency o ng third party.

Ipinagbabawal din sa batas na i-require ang kasambahay na magdeposito nang advance para sa posibleng pagkawala o pagkasira ng mga kagamitan sa bahay. Bawal rin ang debt bondage o pag-alipin sa kasambahay dahil sa mga utang nito.

Dagdag pa rito, kailangang iparehistro ng employer ang kaniyang mga kasambahay sa Registry of Domestic Workers sa barangay kung saan nakatira ang employer.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kasambahay Law salary

Mula nang naisabatas ang kasambahay law noong 2013, ang itinalagang minimum wage sa mga kasambahay kada buwan ay P2,500 para sa NCR.

Nasa P2,000 para sa mga cities at 1st class municipalities. Habang P1,500 naman para sa iba pang municipalities o nasa probinsya.

Ngunit nito lamang Enero 2020, ay itinaas na sa P5,000 ang minimum wage salary ng mga kasambahay sa NCR buwan-buwan. Habang ang mga nasa cities at 1st class municipalities ay nasa P4,500 na. At P4,000 naman sa iba pang munisipalidad at probinsya.

Ang sweldo ng mga kasambahay ay dapat ibinibigay ng cash nang hindi bababa sa isang beses buwan-buwan. Bukod sa government mandated deductions, hindi dapat na bawasan ng employer ang sweldo ng kasambahay maliban na lamang kung mayroon silang nakasulat na kasunduan.

Hindi maaaring bayaran ng sinomang employer ang kasambahay sa pamamagitan ng promissory notes, vouchers, coupons, tokens, tickets, chits, o anomang bagay. Kailangang cash ang ibayad ng employer sa kasambahay.

Inaatasan din ng batas ang mga employer na magbigay ng kopya ng payslip sa kasambahay, kung saan ay nakatala ang presyo ng ibinayad na cash kada sweldo. Dagdag pa rito, dapat ding itabi ng employer ang kopya ng payslip hanggang tatlong taon.

Larawan mula sa Shutterstock

Kasambahay benefits

Maliban sa tamang pasweldo, ang mga kasambahay ay entitled rin na magkaroon ng 8 oras na pahinga araw-araw. Sila ay dapat mayroon ding day-off isang beses kada linggo. Ang araw nito ay naka-depende sa napagusapan o napagkasunduan nila ng kaniyang employer.

Kung ang isang kasambahay ay naka-isang taon ng pagseserbisyo sa kaniyang employer siya ay entitled na sa 5 araw na annual service incentive leave.

Ito ay may bayad at hindi maaaring maidagdag sa mga susunod na taon kung hindi magagamit. Hindi rin ito maaring i-convert sa cash kung pipiliin ng kasambahay na huwag gamitin.

Dapat ding makatanggap ng 13th month pay ang isang kasambahay kahit na ba isang buwan palang siyang nagseserbisyo sa kaniyang employer.

Kung naka-isang taon na siyang nagtratrabaho ay dapat matanggap niya nang buo ang kaniyang 13th month pay. At ito ay dapat ibinibigay bago ang December 24 sa kada taon.

Mahalaga rin na maparehistro o mapabilang ang mga kasambahay sa mga programa ng gobyerno tulad ng SSS, PhilHealth at Pag-IBIG. Ito ay upang makatanggap rin sila ng mga benepisyo mula sa mga nabanggit na ahensya.

Ang kontribusyon sa mga nasabing ahensya ay dapat sagot na ng employer ng kasambahay kung siya ay sumusweldo ng mas mababa sa P5,000 kada buwan.

Pero kung ang sweldo niya ay higit pa sa nabanggit na halaga ay dapat na siyang makihati sa binabayarang premium ng employer niya sa mga nasabing ahensiya.

Kasambahay separation pay

Samantala, base pa rin sa batas, ang mga kasambahay ay hindi entitled sa separation pay. Maliban nalang kung ito ay nakapaloob sa napagkasunduan na kontrata ng kanilang employer.

Ngunit sa oras naman na masisante o matigil ang serbisyo ng kasambahay nang walang dahilan ay makakatanggap siya ng bayad na katumbas ng 15 araw niyang kita o kalahating buwang sahod.

Kung ang kasambahay naman ang bigla o kusang umalis mula sa kaniyang trabaho, siya ay hindi entitled sa kabayarang ito. Ngunit dapat niya paring makuha ang kaniyang huling sweldo pati na ang naipon niyang 13th month pay benefit.

Kapag natapos na ang serbisyo ng kasambahay, maaari siyang humingi sa kaniyang employer ng employment certification. Kailangan itong ibigay ng employer limang araw mula nang magrequest ang kasambahay.

Dapat na nakasaad sa certificate kung ano ang mga trabaho ng kasambahay, gaano katagal ang ginawang serbisyo, at ang work performance nito.

Image from Freepik

Mga bawal sa ilalim ng kasambahay law

Narito naman ang itinuturing na bawal o unlawful sa ilalim ng kasambahay law:

  • Pagkuha ng kasambahay na mas bata sa 15-anyos.
  • Hindi pagbibigay ng sahod ng kasambahay.
  • Hindi tamang pagpapasweldo sa kasambahay.
  • Pagpapabayad sa mga nawala o nasirang gamit ng kasambahay.
  • Paglalagay sa kasambahay sa isang debt bondage.
  • Pagchacharge sa ibang bahay ng ginawang task ng kasambahay.

Parusa sa mga lalabag sa Kasambahay Law

Ang mga penalties naman na maaring maipataw sa sinumang lumabag sa kasambahay law ay ang sumusunod:

1st offense: Multa na P10,000

2nd offense: Multa na P20,000

3rd offense: Multa na P30,000

4th offense: Multa na P40,000

Samantala, ang mga kasambahay na nakaranas ng pang-aabuso o exploitation ay nararapat na agad sagipin ng municipal o city social welfare officer o kaya naman ng social welfare officer mula sa DSWD. Ito ay dapat gawin sa pakikipag-ungayan sa concerned barangay officials.

 

Karagdagang ulat mula kay Jobelle Macayan