5 Kasinungalingang puwedeng sumira sa relasyon ng mag-asawa

May mga kasinungalingan sa relasyon na maaaring makasira sa inyong mag-asawa panghabang buhay. Alamin kung anu-ano ang mga ito. | PHOTO: Fotolia

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

May mga kasinungalingan sa relasyon na maaaring makasira sa inyong mag-asawa panghabang buhay. Hindi ang pagsisinungaling ng iyong asawa ang tinutukoy namin. Ang sinasabi namin ay ang mga kasinungalingang sinasabi mo sa iyong sarili—at kung sisimulan mong paniwalaan ang mga ito.

Unang kasinungaligan: Maling tao ang pinakasalan ko.

Ito ang pinakamalaking kasinungalingan sa relasyon ng mag-asawa. Hindi tamang isipin na nagkamali ka ng taong pinakasalan. Maaaring may matinding pinagdadaanan ka lang sa iyong bagong buhay mag-asawa.

Sa halip na isiping may mali sa iyong asawa, subukang ituon ang pansin sa iyong sarili. Mainam na ayusin din ang iyong sarili para maiwasan ito.

Love Tip

Simulang tingnan ang sa palagay mo’y mga magagandang katangian ng iyong partner, sa halip na makita ang kanyang mga kamalian. Halimbawa, maaaring kaya nilang gumawa ng pinakamasarap na timpla ng kape para sa ‘yo upang mawala ang iyong stress o di kaya’y madalas ka niyang sinasabihan na laging sundin ang gusto mong gawin.

Huwag balewalain ang mga katangian ng iyong partner na makapagsasabi sa iyong tama ang taong iyong pinakasalan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ikalawang kasinungalingan: Hindi ko na mahal ang partner ko.

Ang pakiramdam na hindi mo na mahal ang iyong asawa ay normal lamang, ngunit ito ay hindi totoo. Kung sa palagay mo ay lumalayo na ang iyong loob sa iyong partner, hindi solusyon ang paghahanap ng iba. Sa halip na tumakbo upang hanapin ang hindi mo na nararamdamang pagmamahal, kausapin ang iyong partner at ayusin ang inyong relasyon.

Love Tip

Laging maglaan ng oras para sa isa’t isa. Muling sariwaan ang simula at dahilan ng inyong pagmamahalan. Subukan ding magkasama gumawa ng mga Gawain, o di kaya’y dalasan ang inyong romantic dates.

Ika-tatlong kasinungalingan: Hindi na maaayos ang aming relasyon.

Hangga’t gusto, maaarin pa ring maayos ang anumang problema sa isang relasyon. Bagamat minsan, tila hindi na tama ang manatili pa sa isang relasyon. Pero kung puwede pa, laging gumawa ng paraan upang ito ay maayos. Subukang humingi ng tulong kung na alam ang gagawin at kung paanong magsisimulang muli.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Love Tip

Sumangguni sa inyong mga kamag-anak at kaibigan tungkol sa mga problemang kinakaharap ninyong mag-asawa. Kung maaari, humingi rin ng payo sa isang marriage counselor. Ang pinakamainam na gawin ay ang masinsinang pag-uusap ninyong mag-asawa upang malaman ang inyong mga hinaing sa isa’t isa.

Ika-apat na kasinungalingan: Kasalanan itong lahat ng aking asawa.

Tandaan na walang dapat sisihin sa pinagdaraanan ninyong mag-asawa. Ang pagsisi sa iyong partner ay lalo lamang makakasama sa inyong problema. Ayon sa ilang eksperto, maituturing din itong emotional abuse sa iyong partner. Sa madalas na paninisi, maaaring bumaba ang tingin sa sarili ng iyong asawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Love Tip

Ibig sabihin ba nito ay hindi na ako maghahayag ng aking nararamdama? Hindi. Maging maingat lamang sa iyong sasabihin. Halimbawa, sa halip na sabihing, ‘Hindi mo tinutupad ang iyong mga pangako,’ maaari mong sabihin na, ‘Nalulungkot ako kung hindi mo natutupad ang iyong mga pangako.’

Ika-limang kasinungalingan: Hindi na ako masaya sa aking partner.

Una, mahalaga na maintindihang hindi responsibilidad ng iyong asawa na lagi kang pasiyahin. Responsibilidad natin sa ating sarili ang maging masaya. Kaya sa halip na ipasa ang sisi sa iyong asawa, umisip at gawin ang mga bagay na nakapagpapasaya sa sarili.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Love Tip

Kung may ilang bagay nang nakagawian na nagpapahirap ng pagsasama ninyong mag-asawa, pag-usapan ninyo ito. Ipaliwanag sa kanya na kailangan ninyong magbigayan sa inyong pagsasama. Ipakita rin na handa kang tumulong upang mapanatili ang mapayapang pagsasama ninyong mag-asawa. Bihira ang makahanap ng partner na ayaw tumulong para maging matiwasay ang relasyon.

Laging tingnan ang magandang aspeto ng inyong pagsasama at subukang ayusin ang anumang problema. Ang mga kasinungalingang ito sa isang buhay mag-asawa, na iyong pinaniniwalaan ay unti-unting mawawala kung laging iisipin ang pagmamahalan, pag-uunawan, at pagtutulungan.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source: FamilyShare

Isinalin mula sa wikang Ingles mula sa artikulong
https://ph.theasianparent.com/lies-in-marriage