5-month-old nagkaroon ng permanent brain damage matapos yugyugin nang marahas

Baby sitter ng sanggol maaring makulong ng habang buhay dahil sa pagka-yugyog umano ng marahas sa kaniyang alaga.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaso ng shaken baby syndrome: Sanggol na nayugyog ng marahas nagkaroon ng permanent brain damage at naging disable. Narito ang kaniyang kuwento.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Kaso ng shaken baby syndrome ni Benjamin Dowling.
  • Ano ang shaken baby syndrome at ang maaring maging epekto nito sa isang sanggol.

Kaso ng shaken baby syndrome

Baby Benjamin Dowling/Image from NY Times

Araw ng July 3, 1984 matapos sunduin mula sa bahay ng kaniyang baby sitter sa Hollywood, Florida napansin ng mga magulang ng noong 5-month-old na sanggol na si Benjamin Dowling na mayroong kakaiba na sa kaniya.

Nang parehong araw, naiulat na ito ay isinugod sa ospital ng kaniyang mga magulang dahil sa hirap sa paghinga. Doon nalaman ng mga magulang ng sanggol, base sa pagsusuri sa kanilang anak na ito ay naalog ng marahas.

Ang blood vessels nito sa utak ay labis na na-damage dahilan para ang sanggol noon na si Benjamin ay magkaroon ng severe physical at mental disabilities.

Ayon sa mga magulang ng sanggol na sina Rae at Joe Dowling, matapos ang insidente ay sumailalim sa napakaraming invasive operations ang kanilang anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kabilang na ang paglalagay ng metal rods sa kaniyang spinal cord at ang paglalagay ng feeding tube sa kaniyang tiyan para lang makakain habang siya ay nabubuhay.

Dagdag pa nila, mula noon ay hindi namuhay ng normal si Benjamin. Hindi tulad ng ibang sanggol ay hindi nito naranasang gumapang, magsalita, maglakad o magsabi man lang ng nararamdaman niya.

Ito ay dahil sa naging epekto ng pagkakayugyog niya ng malakas na sinasabing nagawa ng kaniyang baby sitter na si Terry McKirchy na 24-anyos palang noon.

Si McKirchy dahil sa nagawa ay nakulong noon ng dalawang buwan dahil sa kaso ng attempted murder at aggravated child abuse. Sa kabila ng naging epekto kay Benjamin, si McKirchy ay pinalaya ng walang malinaw na dahilan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Baby sitter na nag-yugyog ng marahas sa sanggol maaaring habang-buhay na makulong

Pero matapos ang 37 taon, muling inaresto si McKirchy na ngayon ay maaaring makulong na ng habang-buhay. Dahil nito lamang 2019 ay tuluyan ng nasawi ang sanggol noon na sa Benjamin.

Ang kaniyang pagkakasawi ay direktang iniuugnay sa pagkaka-yugyog niya ng malakas noong siya ay 5-month-old pa lang. Ito ay ayon sa naging pagsusuri ng mga forensic experts sa naging bangkay ni Benjamin. Ang baby-sitter niyang si McKirchy, 59-anyos na ngayon ay nahaharap sa kasong homicide.

BASAHIN:

Shaken Baby Syndrome: Kung bakit hindi dapat inaalog nang marahas ang baby

Baby, napatay sa yugyog ni Daddy dahil naistorbo sa panonood ng TV

10 dahilan kung bakit umiiyak si baby at kung paano siya mapapatahan

Ano ang shaken baby syndrome?

Ang shaken baby syndrome ay ang seryosong brain injury na nakukuha ng sanggol dulot ng malakas at marahas na pagkakaalog o yugyog sa kaniya.

Ang kondisyon ay tinatawag ring abusive head trauma, shaken impact syndrome, at whiplash shake syndrome. Ito ay itinuturing na isang uri ng child abuse dahil sa ito ay nagdudulot ng severe brain damage sa isang sanggol.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang kondisyon maaaring agarang ikamatay ng sanggol o kaya naman ay magdulot ng permanenteng damage o disabilities sa kaniyang katawan.

Ang isang sanggol na nakakanas ng kondisyon na ito ay maaring magpakita ng mga sumusunod na sintomas:

  • iritable o hindi mapatahan
  • antukin
  • hindi makahinga ng maayos
  • mahina dumede o kumain
  • nagsusuka
  • namumutla o medyo blue ang kulay
  • seizures
  • paralysis
  • coma
  • hirap na makatulog
  • imboluntaryong panginginig ng katawan

People photo created by jcomp – www.freepik.com 

Paano natutukoy kung may shaken baby syndrome ang isang sanggol?

Ang shaken baby syndrome ay resulta ng malakas o galit na pag-alog sa sanggol na maaring dahil sa hirap itong mapatahan. Dahil sa mahina pa ang kaniyang leeg, hindi pa nito kayang suportahan ang kaniyang ulo.

Kaya naman maaalog ng maaalog ito ng hindi kontrolado, ganoon din ang utak na nasa loob nito. Ang resulta ang utak ng sanggol ay maaring mamaga, magdugo at ma-damage na magdudulot ng epekto sa buo niyang katawan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa tulong ng MRI scan, CT scan, skeletal X-ray at ophthalmic exam ay matutukoy kung may injuries sa ulo ang isang sanggol. Siya ay sasailalim rin sa blood test para matukoy kung ang sintomas na ipinapakita niya ay hindi ba palatandaan ng sakit sa dugo.

Dahil ang sintomas ng shaken baby syndrome ay kahalintulad ng mga sintomas ng mga bleeding disorders at iba pang genetic disorders.

Mahalagang sa oras na magpakita ng sintomas ng shaken baby syndrome ang sanggol ay dalhin agad ito sa doktor. Ngunit sa oras na siya ay magpakita ng hirap sa paghinga matapos maalog ng malakas dapat ay mabigyan siya agad ng CPR o rescue breaths.

Photo by Laura Garcia from Pexels

Paano ito malulunasan?

Sa ngayon ay wala pang gamot sa shaken baby syndrome. Ang brain damage na naidudulot nito ay itinuturing na irreversible at magdudulot ng mga sumusunod na permanenteng kondisyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • permanent vision loss (partial o total)
  • hearing loss
  • seizure disorders
  • development delays
  • intellectual disabilities
  • cerebral palsy

Kaya naman paalala ng mga eksperto, iwasang alugin o yugyugin ng marahas ang sanggol. Kung galit o stress ay mabuting huwag munang hawakan ang sanggol at saglit na humingi ng tulong sa iba sa pag-aalaga rito.

 

Source:

NY Times, Healthline