Ang mga katangian ng mga manloloko, ayon sa siyensiya

Iba-iba man ang relasyon at ang mga taong nasa relasyon, pare-pareho naman daw ang mga katangian ng mga manloloko ayon sa mga eksperto. | Photo: Shutterstock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano sa tingin mo ang mga katangian ng mga manloloko?

Kahit na iba-iba ang bawat relasyon, napagtanto ng mga tagapagpananaliksik sa University of Queensland na mayroong iilang katangian na karaniwan sa mga nangangaliwa. Heto ang iilan sa kanila.

Mga katangian ng mga manloloko

1. Madaming sekswal na partner

Ang mga taong nagkaroon ng mas madaming sekswal na partner ay mas malamang na manloko. Maaaring mas mahusay sila sa sex, kaya naghahanap pa sila ng ibang partner. Maaari ding mas magaling silang manlambing at kumilala kung sino ang interesado sa kanila.

2. Mapusok

Pag may mga mapusok na tendensiya ang isang tao (impulsive), maaaring hindi niya pinapag-isipang maigi ang sitwasyon at ang mga posibleng kinahinatnan. Agad-agad lang nila ginagawa ang gusto nila, base sa kanilang nararamdaman.

3. Malayo ang loob sa partner

Di nakakagulat na isa sa mga pinaka-karaniwang dahilan kung bakit nangangaliwa ang mga tao ay dahil sa paglayo ng loob sa kanilang partner. Maaaring hindi na nila nararamdaman ang pagmamahal ng partner nila o di na sila nasisiyahan sa kanilang pangunahing relasyon, kaya hinahanap nila ito sa iba.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga ibang pang natuklasan

Nakita din ng mga tagapagpananaliksik na wala masyadong kaugnayan ang katagalan o kalaliman ng relasyon sa pangangaliwa. Hindi porket matagal na kayong kasal ay walang mangangaliwa sa inyo. Hindi rin porket kakakasal pa lamang at bago pa ang relasyon ay hindi ito, mangangaliwa.

Iba-iba din ang paraan ng pangangaliwa ng mga babae at lalaki. Mas nakikipagtalik ang mga lalaki sa di nila karelasyon, ngunit pare-parehong nakikipaghalikan ang mga babae at lalaki sa kanilang mga kalaguyo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dapat tandaan natin na mga patnubay lang ang mga ito, at hindi tiyak na palatandaan. Kung maraming sekswal na partner ang iyong asawa dati, hindi natin masasabi na di niya maiiwasan ang pangangaliwa. Kung impulsive ang asawa, maaari rin sa inyong dalawa niya ito maituon. Kung malayo ang loob, maaaring may pinagdaraanan lang siya.

Para iwasan ang pangangaliwa sa relasyon, siguraduhing patuloy ang inyong komunikasyon at natutugunan ninyo ang mga pangangailangan ng isa’t isa. Para sa mga ibang tip tungkol sa pag-iwas sa panloloko, basahin ito: How can you prevent your spouse from cheating in your marriage?

Source: The Independent

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Cristina Morales