Katarina Rodriguez introduces her baby named Robert Joaquin Rodriguez Barbers.
Mababasa sa artikulong ito:
- Katarina Rodriguez gives birth to her first baby.
- Water birth story ni Katarina Rodriguez.
Katarina Rodriquez baby birth story
Ramdam na ramdam ang saya ng new mom at beauty queen na si Katarina Rodriguez sa pagdating ng kaniyang first baby. Ang happiness niyang ito ay makikita sa mga Instagram post ng beauty queen na puro tungkol sa kaniyang baby.
Sa isa mga IG post ni Katarina y ibinahagi niya aktres kung paano pinatibok ng kaniyang baby na may nickname na Quino ang puso niya noong August 25, bandang alas-4 ng madaling araw. Ang oras at araw na ipinanganak niya ito.
“You’ll be in my heart, from this day on, now and forevermore ✨
4:02AM of
August 25, 2021
Robert Joaquin Rodriguez Barbers
stole my heart like no one has before.”
Ito ang sabi ni Katarina sa isa sa kaniyang mga post.
Image from Katarina Rodriguez Instagram account
Sa Instagram ay ibinahagi rin ng beauty queen ang kaniyang birth story. Siya ay nangangak sa pamamagitan ng water birth na isinagawa sa bahay nila ng boyfriend niyang businessman na si Niño Barbers.
“What’s the essence of a woman?”, sagot ni Katarina ngayong siya ay isa ng ina
Bungad ni Katarina sa pagkukuwento ng kaniyang naging panganganak, noong oras na iyon niya nalaman ang sagot sa isa sa laging itinatanong sa mga beauty pageants na sinalihan niya.
“In pageants they always ask, “what’s the essence of a woman?” I remember practicing this question for two years straight due to my pageant career. I was never really convinced of my own answer to this question, until early morning of August 25, 2021.”
Ito ang simulang pagkukuwento ni Katarina. Ang perfect niyang sagot sa tanong na ito ngayong siya ay ganap ng isang ina ay ito.
“What’s the essence of a woman? Her POWER. Power to rule her mind and her body. Power to overcome pain that feels like death but in turn births life. The power to do whatever it is she puts her mind to.”
BASAHIN:
Homebirth at water birth, mas safe nga bang option ngayong may pandemic?
Is water birth less painful?
Water Birth: What are the benefits and risks?
Katarina Rodriguez water birth story
Dahil kuwento ni Katarina, hindi niya malilimutan ang sakit na pinagdaanan bago mailabas ang anak na si Quino sa pamamagitan ng water birth.
Sa sobrang sakit nga daw ay muntik niya ng hindi ituloy ang water birth at magpadala na sa ospital. Pero sinunod niya ang ipinangako niya sa sarili niya at nagpatuloy sa panganganak sa pamamagitan nito.
“Water has always been on my side, nothing could take me out of that pool. I remember thinking a couple of times while squeezing Niño’s hands that I should just go to the hospital bc the intensity was becoming unbearable. But I had made a promise to myself not to speak or even think of anything negative.”
Dagda pa ni Katarina, talagang chinallenge ng panganganak ang mental at physical strength niya. Mabuti na nga lang daw ay nai-apply niya ang mga breathing exercises at discipline na natutunan niya sa pag-yoyoga.
“It honestly felt like I partied all night then ran a marathon right after while having period cramps (best description I can think of). I could feel the end of it all coming when the contractions got closer together, truly testing my mental & physical strength.”
Hanggang sa lumipas ang 3 at kalahating oras, sa wakas ay isinilang niya ang isang healthy baby boy.
“Quino was born at 8.5lbs or 3.8kgs. He is a huge baby. And long. I remember feeling his body and legs slither down my birth canal.”
Ito ang sabi pa ni Katarina sa kaniyang Instagram.
View this post on Instagram
Katarina pinasalamatan si Coleen Garcia
Image from Katarina Rodriguez Instagram account
Sa kaniyang successful water birth story ay pinasalamatan ni Katarina ang kaibigan niyang si Coleen Garcia. Dahil hindi lang nito pinahiram ang birth pool niya kay Katarina. Nagbahagi rin ito ng karanasan niya at advice na gumabay kay Katarina sa kaniyang naging panganganak.
“@coleen was kind enough to lend me her birthing pool, having to send it from Manila to Davao. She also gave me some words of encouragement and after I delivered she shared with me some of her story.
She called the part where the head is engaged to come out of the birth canal the ring of fire. A term that couldn’t be more fitting because it felt like my cervix was burning every time I had the urge to push.”
Ito ang pagkukuwento pa ni Katarina tungkol sa kaniyang naging panganganak.
Katarina Rodriguez and Niño Barbers love story
Si Katarina ay nakilala ng siya ay ma-koronahan bilang Miss World Philippines 2018. Ang boyfriend niya ngayon at ama ng kaniyang anak ay ang businessman na si Niño Barbers.
Kuwento ni Katarina, nagkakilala sila ni Niño sa boutique resort na pinagmamay-ari nito sa Siargao noong July 2018. Sila ay naging magkaibigan. Nang matapos ang kompetisyon niya sa Ms. World pageant sa China ng parehong taon ay saka palang sila nagsimulang magkarelasyon.
Image from Katarina Rodriguez Instagram account
Source:
Metro
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!