Ang aktres na si Kathleen Hermosa ay kinasal na sa kanyang non-showbiz fiance, Miko Santos.
Kathleen Hermosa kinasal na
Sa isang intimate garden in Cebu, ginanap ang kasal. Dumalo dito sina Vic Sotto, ang asawa nito, Pauline Luna at ilan pa sa mga artista.
Present rin sa kasal bilang matron of honor, ang kapatid ng Kathleen na si Kristine. Mala-dyosa nga ang datingan ng magkapatid. Makikita rin sa ilang instagram stoy, nag flower girl ang anak ni Bossing na si Tali.
Ilang araw matapos ang pag-papakasal, tila nasa cloud 9 pa rin daw ang aktres. Binahagi ni Kathleen ang kanyang nararamdaman kasama na ang ilang photos from her wedding.
Panimula sa caption “And I am back from the clouds. Nakababa na po ako. Kidding aside, I am now a wife everyone!!!”
Sobrang saya pa rin ng nararamdaman niya kahit tapos na ang mismong kasal.
“These are just some of my first drop from all that’s happened,” Dagdag niya sa kanyang caption.
Nasabi rin niya na marami ang stories na gusto niyang ishare sa kanyang fans. Nagpasalamat rin siya kay God, dahil ito daw dahilan kung bakit natuloy ang kasalan. Maulanan daw kasi pero nang nagsimula ang kasal, huminto ito.
Pagkwekwento ni Kathleen, “He made all things possible. He stopped the rain. He made most of the important people in our lives make it to our wedding inspite flight delays.”
“In a nutshell, it was a gift God longed to give, He was just waiting for my/ our obedience and surrender. Be right back for more. #KATuwangniMIKO,” ang kabuuang mensahe ng aktres.
Nag-propose ang non-showbiz partner nito, noong December 2022. Marami ang natuwa sa balitang ito at inaabangan talaga ang kanilang kasal.
Matatandaang, huling napanood ang aktres sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin.
Ito ang pangalawang wedding ni Kathleen, ito ay kinasal kay Martin Imperial. Pero noong 2011, kinumpirma ng aktres na ito ay single na ulit.