Kathryn Bernardo may mensahe ng pasasalamat sa kaniyang ina: “Thank you mama for being my number one supporter since the beginning”

Aktres feeling blessed daw sa support system na mayroon siya kaya niya nakakaya ang pagsubok na pinagdadaanan sa ngayon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kathryn Bernardo pinasalamatan ang ina sa gitna ng pinaguusapang hiwalayan nila ng aktor na si Daniel Padilla.

Mababasa dito ang sumusunod:

Reaksyon ng ina ni Kathryn Bernardo sa hiwalayan nila ng long-time boyfriend niyang si Daniel Padilla

Larawan mula sa Instagram account ni Kathryn Bernardo

Marami ang humanga sa naging reaksyon ng ina ni Kathryn Bernardo sa paghihiwalay ng aktres at long-time boyfriend nitong si Daniel Padilla. Dahil hindi katulad ng mga fans ni Kathryn na nag-iinit parin ngayon sa napagdaanan ng kanilang idolo, ang ina ni Kathryn ay mahinahon parin. Sa katunayan, sa kaniyang Instagram post ay siniguro nito sa mga Kathniel fans na hindi dito natatapos ang pagsasama nila. At wala rin siyang kahit anong negatibong pahayag kay Daniel na napapabalitang may third party kaya nasira ang relasyon nila ni Kathryn.

Mensahe ni Kathryn sa ina

Larawan mula sa Instagram account ni Kathryn Bernardo

Katulad ng kaniyang ina, si Kathryn wala ring nasabing kahit anumang masama sa long-time boyfriend. Bagamat hiniling niya na sana tigilan na ang pagtatanong sa kaniya tungkol sa kung ano talagang nangyari sa kanila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Imbis nga na magmukmok at magalit sa pinagdadaanan niya ngayon, ang aktres nagpasalamat sa kaniyang ina. Dahil isa daw ito sa support system na mayroon siya kaya niya nakakaya ang mga pagsubok ngayon na hinaharap niya.

“Blessed to have had the best support system as I navigated the challenges of this industry and the career path I chose.”

Pinasalamatan rin ni Kathryn ang ina, dahil simula noong una ito daw ang kaniyang number one supporter at fan. At hanggang ngayon, kasama niya rin ito sa pagtupad ng mga pangarap niya.

“Thank you mama for being my number one supporter since the beginning. From accompanying me to auditions, to encouraging me as I experienced rejections, and then to finally fulfilling our dreams together. 🥰”

Ito ang mensahe pa ni Kathryn sa kaniyang ina.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Kathryn Bernardo

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement