Hindi madali ang maging isang ina. At kahit sinong nanay ang tanungin mo, sigurado lahat sila sasabihin na magkahalong saya at hirap ang pagkakaroon ng anak. At sa isang interview sa aktres na si Kaye Abad, kanyang ibinahagi ang mga karanasan at natutunan niya bilang first-time mom.
Kaye Abad: “Sa totoo, mahirap siya”
Naikwento ni Kaye na nahirapan siya nang siya ay maging isang ina. Aniya, hindi naman niya tinatakot ang mga first-time moms, pero “nakakatakot at nakakakaba” ang pakiramdam na maging isang ina.
“Hindi ko alam what to expect. Sabi nga ng OB ko, ‘just relax, lahat ng mangyayari, normal lang yan,'” sabi ni Kaye. Dagdag pa niya na kapag nasa matinding stress at naguguluhan ang isang ina, ay doon raw pumapasok ang post-partum depression.
Aminado si Kaye na mayroong mga pagkakataon kung saan talagang nahihirapan siyang mag-alaga ng kaniyang anak. “Umabot ako sa point na kapag umiiyak na siya, hindi ko alam bakit siya umiiyak, hindi ko alam kung may masakit, sabay kami iiyak. Iiyak siya, iiyak na lang din ako.”
Ngunit sabi niya, “Pag nakikita mo na yung baby na nag-smile na, ang sarap-sarap ng feeling.”
“Isa sa pinakanakakatakot ang magpaligo”
Source: Instagram.com
Nagbahagi rin si Kaye ng kanyang karanasan nung una niyang paliguan ang kanyang anak.
Ayon sa kanya takot na takot raw siyang paliguan ang kaniyang anak. Ito ay dahil ayaw niyang may mangyaring masama sa kanyang anak. “Yung skin niya, very delicate. Baka mamaya, masyadong matapang yung soap na magamit, so yun ang number 1.”
Dagdag rin ni Kaye na mas mainam gumamit ng mild na sabon, tulad ng Cetaphil, dahil ito ay hindi makakatuyo sa balat ng mga baby. Bukod dito, ito rin daw ay nirekomenda ng kanyang doktor, at nakasisiguro siyang safe ito sa balat ng kanyang anak. Nakakatulong rin ito sa kanyang peace of mind, dahil wala itong masamang epekto sa kanyang anak.
Mahirap man maging ina, walang katumbas ang saya na iyong mararamdaman kapag nakita mong malusog at masaya ang iyong anak.
Basahin: Kaye Abad on Trusting Husband Paul Jake: “Kapag Hinigpitan, Lalong Mambababae”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!