Isang nakakatuwa at nakakakilig na kwentuhan ang ibinahagi ni Karen Davila sa kaniyang vlog. Sa interview niya kanila Kaye Abad at Paul Jake, inilahad ng mga ito kung paano ba nauwi sa pag-iibigan ang kanilang pagkakaibigan.
Mababasa sa artikulong ito:
- Love story ng best friends turned lovers
- Paul Jake, Kaye Abad best decision ang pakasalan ang best friend
Ang wonderful love story ng best friends turned lovers
Nagkakilala sina Paul Jake at Kaye Abad sa isang show at doon ay naging magkabarkada. During that time ay parehong may karelasyon at wala pa sa isip nila na attracted sila sa isa’t isa.
Larawan mula sa Instagram ni Kaye Abad
Dumaan pa ang ilang boyfriend at girlfriend sa buhay nila pero nanatiling matibay ang samahan bilang magkaibigan.
Hanggang isang araw daw ay pumunta sa Europe si Paul Jake at dito na nagtaka si Kaye kung bakit nami-miss niya ito.
“Okay kami, compatible kami pero hindi ko ma-imagine na hahalikan or iki-kiss ko ‘yong kaibigan ko,” ani Kaye Abad.
“Natakot siya na masisira ‘yong friendship namin,” saad ni Paul Jake.
Pero nag-end up pa rin ang dalawa as a couple. At ngayon nga ay kasal na’t may dalawang anak.
“I asked myself kung kaya ko bang gumising every morning na katabi siya. Kaya ko bang tiisin ‘yong mga arguments namin for the rest of my life,” kwento ni Paul Jake.
“Mayroon na siyang sinabi before noon pa lang magkaibigan kami. Sabi niya, ‘Abad, if mag 40 ako and wala kang boyfriend, wala akong girlfriend, tayo na lang.’” salaysay naman ni Kaye Abad na nagpatawa kay Karen Davila.
Larawan mula sa Instagram ni Kaye Abad
Kaye Abad, Paul Jake best decision ang pagpapaksal sa best friend
Ayon sa couple, ang pinakamagandang bagay kapag best friend mo ang naging asawa mo ay ang katotohanan na kilala niyo na ang isa’t isa at tanggap ang mga kahinaan ng bawat isa.
“Sabi nga nila, iba na rin kapag mag-asawa na kayo. Cause you live in the same place, 24/7, doon mo makikita talaga ‘yong totoong ugali niya. Ako I guess with him, since magkaibigan kami for 4 years, alam ko talaga ‘yong ugali niya…alam ko na ‘yong bad sides niya lahat,” saad ni Kaye.
Larawan mula sa Instagram ni Kaye Abad
“I think the best thing about marrying your best friend would be that you don’t have to pretend. You’re not scared to show who you really are kasi you already showed it,” ani Paul Jake.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!