KC Concepcion pens sweet birthday message to dad Gabby Concepcion.
Mababasa dito ang sumusunod:
- KC Concepcion birthday message to his dad Gabby Concepcion.
- Relasyon ni KC at amang si Gabby.
KC Concepcion birthday message to his dad Gabby Concepcion
Nitong November 5 ay nagdiwang ng kaniyang 59th birthday ang aktor at matinee idol na si Gabby Concepcion. Isa nga sa mga bumati sa aktor sa kaniyang special day ay ang anak niyang si KC Concepcion.
Sa Instagram ay nagbahagi si KC ng black and white photo nila ng kaniyang ama. Kalakip nito ang birthday message ni KC sa kaniyang ama.
“To my sweet and handsome father @concepciongabby, happy happy birthday to you!!! Thank you for putting a smile on my face, and I hope my sisters and I do the same for you, all the days of your life 😍. I love you 3x a day… and more! 🎈🎂 🎊 To a fulfilling, fun and fruitful year ahead, Papa! Happy birthday to you! 🎵☀️🌊@concepciongabby”
Ito ang birthday message ni KC sa amang si Gabby Concepcion.
Ang message na ito ni KC ay sinagot naman ng kaniyang ama.
Relasyon ni KC at amang si Gabby
Larawan mula sa Facebook account ni KC Concepcion
Sa mga Instagram post ni KC ay makikitang close at sweet talaga ang relasyon nilang mag-ama. Madalas silang lumalabas kasama ang mga kapatid ni KC sa ka-relasyon ni Gabby ngayon.
Sa naging concert nga ni Gabby at Sharon Cuneta na pinamagatang “Dear Heart” ay makikita ang labis na kasiyahan ni KC. Dahil matapos ang ilang taon ay ito daw ang unang pagkakataon na nakita niyang magkasama sa iisang stage ang mga magulang niya. Inalayan rin siya ng mga ito ng kanta. Ang naging tagpo ngang ito ay isinalarawan ni KC na “a fairytale come true”.
“Thank you Lord sa pagkakataong ito na maexperience ang once-in-a-lifetime reunion ni Mama and Papa… Along with 25,000 of you live at the arena! 🌟🌟🌟”
Ito ang reaksyon pa ni KC tungkol sa reunion concert ng mga magulang niyang sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.
Larawan mula sa Instagram account ni KC Concepcion
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!