X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Kean Cipriano sa misis na si Chynna Ortaleza: “Dito lang ako for you kahit anong mangyari. Tumalikod man ang lahat.”

5 min read
Kean Cipriano sa misis na si Chynna Ortaleza: “Dito lang ako for you kahit anong mangyari. Tumalikod man ang lahat.”

Kean at Chynna very hands on daw sa pagpapatakbo ng kanilang pamilya at pag-aalaga sa mga anak nila.

Singer na si Kean Cipriano ibinahagi ang sikreto sa masayang pagsasama nila ng aktres at misis na si Chynna Ortaleza.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Pagsasama nina Kean Cipriano at Chynna Ortaleza.
  • Pagiging hands-on dad at mister ni Kean.

Pagsasama nina Kean Cipriano at Chynna Ortaleza

kean cipriano at chynna ortaleza kissing

Larawan mula sa Facebook account ni Kean Cipriano

Pitong taon ng kasal at mag-asawa sina Kean Cipriano at Chynna Ortaleza. Sa pinakabagong panayam kay Kean ng showbiz reporter na si Ogie Alcasid ay ibinahagi ng singer ang sikreto sa masayang pagsasama nila ni Chynna Ortaleza.

Advertisement

Ayon kay Kean, kung babalikan ang naging pagsasama nila ni Chynna mula noong umpisa ay talaga nga naman daw na tine-treasure niya. Nagsimula man sa landian lang, ito raw ang naging pinakamasayang moments ng pag-iibigan nila ni Chynna.

“Landian lang kami nung time na ‘yon. Sarap nung landian na ‘yon. Kung mababalikan ko lang ‘yon. Kung magagarapon ko ‘yong moments ng landian na ‘yon igagarapon ko ‘yon. Palagi ko siyang nakakasama nun bilang kaibigan.”

Ito ang pag-alala ni Kean sa simula ng pag-iibigan nila ni Chynna.

Hanggang sa isang araw ay tinanong na ni Kean si Chynna kung puwede niya itong maging girlfriend. Ito raw ay ginawa ng singer sa loob ng simbahan na kung saan oo ang naging sagot ni Chynna. At mula nga noon ay hindi na nila pinakawalan ang isa’t-isa.

“Alam ko kapag naging kami na ni Chynna tapos na ako, game over na, off the market na talaga ako. Siya na talaga. Dun ko na-realize ‘ito pala ‘yong gusto kong babae. All this time siya pala talaga ‘yon.”

Ito ang sabi pa ni Kean na agad na nag-propose ng kasal kay Chynna. Kuwento pa niya, sa katunayan ay one month palang silang mag-on ay nag-decide na silang magbukas ng joint account sa banko para paghandaan ang kasal nila.

“From there hindi na kami naghiwalay, inseparable na kami up to this day. Masasabi ko na ‘yong past 7 years ng buhay ko, si Chynna ‘yong pinakakasama kong tao talaga.”

Pagkukuwento pa ni Kean, kung mayroong sikreto ang pagsasama nila ni Chynna, ito ay pagiging realistic nila sa kanilang relasyon at sa bawat isa.

“Masyado kaming realistic ni Chynna na couple, na parang alam namin na okay kami ngayon pero hindi rin naman imposible na sa future hindi pala kayo.”

kean cipriano at chynna ortaleza with kids

Larawan mula sa Facebook account ni Chynna Ortaleza

Matatandaang Abril nitong taon ng ibahagi ni Chynna ang pinagdaanang pagsubok sa kaniyang kalusugan. Ang aktres labis ang hindi mapaliwanag na pagpayat. Sumailalim siya sa colonoscopy at natukoy na may mga pagkain na hindi kayang i-tolerate ng kaniyang tiyan.

Nitong Agosto naman ay ibinahagi ni Chynna na siya ay mayroong bukol sa suso. Para masiguro kung ano ito ay sumailaim sa mammogram ang aktres na kung saan natukoy na hindi naman cancerous ang bukol na mayroon siya.

Sa mga pagsubok at health scare na tulad nito, ito ang mensahe ni Kean para sa misis na si Chynna Ortaleza.

“Lagi kong sinasabi sa kaniya, hindi ko siya pinapabayaan kahit anong mangyari. Dito lang ako for you kahit anong mangyari. Tumalikod man ang lahat. Tumalikod ang mundo, anuman. nandito lang ako. Ano mang problema meron ka di kita pababayaan. Anuman ang mangyari sa buhay natin.”

Pagiging hands-on dad ni Kean Cipriano

kean cipriano at chynna ortaleza with kids

Larawan mula sa Facebook account ni Chynna Ortaleza

Pagdating sa pagiging ama ay very hands-on rin si Kean. Isa raw ito sa natutunan niya sa mga pagsubok na pinagdaanan niya sa buhay. Partikular na ng mawala ang dalawang lalaking naging ama niya.

Ang kaniyang biological father na namaalam bago isilang ni Chynna ang kanilang panganay. At ang ama ni Chynna na nasawi naman bago isilang ng aktres ang bunso nila.

“Ang bilis lang pala ng buhay. Ang bilis lang pala ng panahon na tatanda sila. Habang tumatanda sila, tumatanda rin ako. Hindi ko rin alam kung hanggang kelan ako nandito so might as well give everything to them now.”

“Gusto ko lang ma-experience ng mga anak ko na pag dumating man ‘yong panahon na wala na ako masasabi nila na ‘Ay nakasama ko si Daddy palagi. Kumbaga binigay niya sa amin ‘yong oras niya’, which I think is the best gift na maibibigay ko sa kanila.”

Pagbabahagi pa ni Kean, tatlong taon na rin na wala silang yaya at help sa bahay. Kaya naman tulungan talaga sila ni Chynna sa pag-aalaga sa anak nila at pagpapatakbo ng kanilang tahanan.

Ito rin daw ang isa pang bagay na nakakapagtibay sa relasyon nila ni Chynna. Dahil sa pamamagitan nito ay mas natututo sila at nalalapagsan nila ang mga pagsubok ng magkasama.

Partner Stories
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
Acts of Love Poured into Every Glass
Acts of Love Poured into Every Glass
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together

“Feeling ko nakakatulong rin sa relationship namin na dinaanan namin ‘yon kasi alam namin na kahit saan mo kami dalhin na parte ng mundo mabubuhay kami na kami-kami lang. Saka masasabi ko ‘yong mga anak ko hindi sila lumaki sa ibang tao, lumaki sila sa amin.”

Ito ang sabi pa ni Kean Cipriano.

Ogie Diaz Vlog

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Kean Cipriano sa misis na si Chynna Ortaleza: “Dito lang ako for you kahit anong mangyari. Tumalikod man ang lahat.”
Share:
  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko