Anak ni Kean Cipriano at Chynna Ortaleza naiyak sa pa-birthday ng ama

Isang nakakatouch na regalo ang natanggap ng anak ni Kean Cipriano at Chynna Ortaleza na si Stellar para sa kaniyang 7th birthday.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isang espesyal na regalo ang natanggap ng daughter ni Kean Cipriano at Chynna Ortaleza na si Stellar. Talagang na-touch ang bata sa regalo ng kaniyang daddy na si Kean para sa kaniyang 7th birthday.

Daughter ni Kean Cipriano nagdiwang ng 7th birthday

Ibinahagi ni Chynna Ortaleza ang isang video sa Instagram kung saan makikitang naluha habang nakangiti ang kaniyang anak na si Stellar.

Larawan mula sa Instagram ni Kean Cipriano

Sa background ng video maririnig ang magandang boses ng daddy ni Stellar na si Kean Cipriano. Umaawit ito ng kantang isinulat nito para sa kaniyang anak.

Sabi pa ni Kean, ito umano ang mensahe niya para sa anak. Ang linyang ilang ulit na nabanggit sa awitin ay “I’ll be there for you.” Talaga nga namang nakaka-touch ang awitin na sinabayan pa ng malamig na boses ng daddy ni Stellar. Kaya naman naiyak talaga ang anak nina Kean.

Bumaha rin ng pagbati mula sa mga kaibigan sa showbiz ang comment section ng naturang IG post.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram ni Chynna Ortaleza

Hindi lang ang awitin ni Kean ang nakakatouch, sobrang heartwarming din ng caption ni mommy Chynna sa Instagram post nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Aniya, “We thank God for the supreme privilege of being your guides here on Earth. Your existence has paved the way for purpose and for that we celebrate this milestone in your life. Daddy penned a song for you my dear… It’s immortal like our love for you. Happy Birthday to our star. We love you! @stellarcipriano”

Larawan mula sa Instagram ni Chynna Ortaleza

Nagpaskil din si Chynna ng mga larawan mula sa celebration ng birthday ni Stellar. Tampok ang Wednesday themed party ng bata.  Nagpasalamat din siya sa mga nagmamahal sa kaniyang anak.

Saad ni Chynna sa post, “Raising a child takes a village & we are so blessed to have all of you by our side. 7 years strong… Stellar is lucky to have you all.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jobelle Macayan