Hindi nga napigilan ni Kendra Kramer na ibahagi sa publiko ang kaniyang very first car. Netizens napa-sana all nalang.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Kendra Kramer at kaniyang very first car.
- Reaksyon ng mga netizens.
Kendra Kramer at kaniyang very first car
May sariling kotse na ang panganay nila Doug at Chesca Kramer na si Kendra. Ito ang masayang ibinahagi ni Kendra sa kaniyang Instagram account.
“I feel like crying! My very first car!!”
Ito ang bungad ni Kendra sa IG post niya kung saan tampok ang kaniyang kotse na kulay pink. Si Kendra pinangalanang “Blush” ang kaniyang sasakyan dahil sa napapablush daw siya sa tuwing ito ay kaniyang nakikita.
Hindi naman idinetalye ni Kendra kung paano niya nakuha ang naturang sasakyan. Kung ito ay bigay ng mga magulang niya o mula sa kinikita niya dahil sa batang edad ay may mga commercials at advertisement narin siya. Pero pagbabahagi ni Kendra maliban sa cute na kulay nito at abot-kayang presyo ay nature-friendly rin ang kaniyang electric car.
“And the beauty beyond the cute color, and friendly price,
is that it’s ALL ELECTRIC!
Nature friendly! 😍
I named her, BLUSH!
Because she makes me blush whenever I see her! 😍❤”
Ito ang sabi pa ni Kendra.
Reaksyon ng mga netizens
Ang mga netizens maliban sa napasana-all nalang ay tinawag na lucky si Kendra at inaya na itong mag-joyride.
May mga nagsabi namang hindi pa legal na mag-drive si Kendra ng sasakyan dahil siya ay 13 years old palang. Dahil dito sa Pilipinas ay 16-years old ang edad na kung kailan puwede ng kumuha ng student driver license ang isang Pilipino.
Magkaganoon pa man, puwede parin naman gamitin ni Kendra ang kaniyang new car sa loob ng kanilang village o sa iba pang private at safe roads. Huwag lang sa national road na kung saan maituturing ng illegal ang pagmamaneho niya sa bata pang edad.