LOOK: Kendra Kramer pinayagan nila Cheska at Doug magpakulay ng buhok

Gusto bang magpakulay ng buhok ng anak mo? Narito ang mga dapat mo munang malaman bago gawin ito.

Kendra Kramer hair color nagustuhan ng mga netizens. Ilang mommies sinabing tiyak na magugustuhan rin ng anak nila ang kulay ng buhok ni Kendra.

Image from Team Kramer’s Facebook account

Kendra Kramer hair color

Sa pinakalatest na Instagram post ni Cheska-Garcia Kramer ay ibinahagi niya ang fulfillment ng request ng anak niyang si Kendra. Ito ay ang isang makeover sa pamamagitan ng pagkukulay ng kanyang buhok.

Bungad ni Cheska, matagal nang hinihiling ito sa kanya ng 10-taong gulang niyang panganay na anak. Dahil nagustuhan daw nito noon ang ombre unicorn hair na ikinulay sa buhok nilang dalawa ni Scarlett noong summer 2018.

“This cutie pre-teen wanted to have a little makeover! She has been begging me for the longest time… I finally gave in!😁 She really loved her ombre unicorn hair before and wanted to do something similar.🦄”

Pero ngayon ay ibang color naman ang nagustuhang subukan ni Kendra. Ito ay ang unicorn-streaked hair na very cute at colorful na bumagay din sa pretty face ni Kendra.

“We decided to do a unicorn streaked hair!🦄 It turned out to be so cuuuuute!!! 😍 Thank you @thehairloungesalonph for @clairkendrakins new unicorn hair!!! Thank you @ruelbanate, you did a great job!!! 😊”

Image from Team Kramer’s Facebook account

Ano ang reaskyon ng mga netizens sa Kendra Kramer hair color?

Hindi lang naman si Cheska ang natuwa sa Kendra Kramer hair color na ito. Pati mga celebrities ay nagustuhan ang kulay ng buhok ni Kendra.

iyavillania

Ang cute!!! ❤️❤️❤️ how long did it take?? 😆😆😆

camilleprats

Sooooo nice 😍😍😍

janeenachan

OMG PRETEEN?! So fast 😭😍 so pretty ate Kendra!!!

kellymisa

She’s so beautiful 😍😍😍

Habang ilang mommies naman ang sinabing panigurado ay magugustuhan din ng anak nila ang Kendra Kramer hair color na ito

“Gandaaaa. Pano to? Mukhang magugutuhan to ng anak ko 😅” “Waaah..my daughter Chloe wanted to have same hair din….’ so pretty nmn tlga …..😊 Kids now a days…🤔”

May iilan namang nagandahan ngunit nag-alala dahil napakabata pa raw ni Kendra para sa pagpapakulay ng buhok.

“Ganda baby kaso sayang yung hair mo baka masira pero ganda2😍😍💗” “But shes too young for that.”  

Pero ano nga ba ang tamang edad na ligtas ng magpakulay ng buhok ang isang bata?

Tamang edad ng pagpapakulay ng buhok ng isang bata

Ayon kay Dr. Sejal Shah, isang New York-based dermatological surgeon, hindi ipinapayong magpakulay na ng buhok ang isang batang 16-anyos pababa. Mas fine at sensitive pa ang kanilang buhok kumpara sa mga adult kaya naman mas madali itong ma-damage ng mga chemicals mula sa hair dye at bleach.

Ganito rin ang sinabi ng Florida pediatric dermatologist na si Dr. Tace Rico, “Children’s hair is less mature than adult hair or even teenage hair. The hair is finer with a much more fragile shaft to it.”

Dagdag naman ni Dr. Margarita Lolis, isang board-certified dermatologist, ang mga chemicals sa pang-kulay ng buhok ay maaring magdulot ng “very bad reactions” sa buhok ng isang bata. Kaya rin nitong baguhin o sirain hindi lang ang texture ng buhok ng isang bata kung hindi pati ang buong appearance ng buhok niya.

“The chemicals are harsh and can damage hair. Ammonia, hydrogen peroxide, and a chemical known as paraphenylenediamine that’s commonly used in permanent hair dye can cause very bad reactions.”

Allergic reactions dulot ng pang-kulay ng buhok

Ayon sa research, ilan nga sa mga allergic reactions na nararanasan hindi lang ng mga bata kung hindi pati matatanda sa pang-kulay ng buhok ay ang sumusunod:

  • Broken skin o pagkasugat ng balat
  • Hair loss o paglalagas ng buhok
  • Hives o pamumula at pamamantal ng balat
  • Itching o pangangati ng balat

  • Burns o paso sa balat
  • Hirap sa paghinga o paglunok

Ayon naman sa hair expert na si Eva Scrivo, hindi lang ang negative reaction sa buhok at scalp ang dapat ipag-alala ng mga magulang. Dahil pati ang matapang na amoy nito o fumes ay makakasama rin lalo na kung ang isang bata ay may asthma.

Payo ng mga eksperto

Kaya naman payo nila hangga’t maari ay iwasan munang pakulayan ang buhok ng iyong anak. O kung talaga namang gusto niya itong subukan ay huwag gumamit ng permanent hair color. Sa halip ay gumamit lang ng temporary o washable hair color. At dapat bago gumamit ng kahit anong produkto sa kanyang buhok at ulo ay magsagawa muna ng patch o spot test. Ito ay sa pamamagitan ng paglalagay ng pang-kulay sa buhok sa pulso ng iyong anak. Upang malaman kung magkakaroon ba siya ng allergic reaction dito.

Pero mas makakabuti na bago subukan ang mga ito ay makipag-usap muna sa pediatrician ng iyong anak upang makasigurado. Saka ipagkatiwala ang pagkukulay ng buhok ng iyong anak sa isang ekspertong masisigurong hindi mada-damage ang buhok ng anak mo.

Source: Good Housekeeping, Today, Live About

BASAHIN: Kendra asks “Does that mean we are born rich?” Ang nakaka-touch na sagot nila Chesca at Doug Kramer