Ketchup modus: Bagong modus ng mga kawatan

May bagong style ng pagnanakaw ang mga kawatan sa Maynila at ang gamit nila ay "ketchup".

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ketchup modus, panibagong style ng mga masasamang loob para makapangnakaw.

Ketchup modus

Isang commuter ang nagbabala sa publiko sa bagong style ng pagnanakaw na ginagawa ng mga kawatan sa Maynila. Ito raw ay ang ketchup modus.

Ayon sa Facebook post ni Krizza Hannah Dolor, nasa bus siya papuntang LRT Buendia ng may lalaki na naglagay ng ketchup sa kaniyang buhok.

Tinapik daw siya nito at sinabing, “Miss, ano ‘yang nasa buhok mo, may sakit ka ba?”

Hinawakan niya daw ang kaniyang buhok at nakitang mayroon ngang kulay pulang stain na agad niya namang natukoy na ketchup.

Habang pinupunasan ang buhok niya ay patuloy parin siyang kinakausap ng lalaki sa kaniyang likuran. Samantalang, napansin niya rin na dini-distract siya ng lalaki sa tabi niya at tingin ito ng tingin sa cellphone niya na noon ay hawak-hawak niya.

Doon siya nakaramdam na may masamang balak ang mga ito kaya naman nilagay niya agad ang cellphone niya sa loob ng kaniyang bag. At saka inilabas ang alcohol para magamit na pang-self defense na kung sakaling may gawing masama pa sa kaniya ang mga lalaki.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nakita niya din daw na nagsesenyasan ang mga lalaki ngunit umakto nalang ito na hindi niya napapansin.

Nang dumating na sa kaniyang bababaan ay nagbababaan din ang mga ito. Ngunit, buti nalang daw at hindi siya nito sinundan.

Ayon kay Krizza, ang tatlong lalaki daw ay disente ang pananamit at may mga dalang bag na mukhang papasok sa trabaho.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya paalala ni Krizza sa mga kapwa niya commuter na maging attentive sa mga ganitong pangyayari.

Image from Facebook

Iba pang modus ng pagnanakaw

Dahil naman sa post ni Krizza ay naglabasan ang ibang nabiktima ng ketchup modus na ikinuwento ang parehong nangyari sa kanila. Sa kaso nga lang nila ay hindi sila naging mapagmatyag at nanakawan ng importanteng gamit nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Habang may ilan naman ang nagbahagi ng parehong style ng pagnanakaw ngunit gamit naman ay laway at siopao sauce.

Kaya naman pinaalalahanan at hinimok din ni National Capital Region Police Office chief Police Maj. Gen. Guillermo Eleazar ang publiko na magdoble-ingat at agad na i-report sa pulisya ang mga kaparehang insidente.

“Dapat nag-iingat din ‘yung mga modus na ganyan, may similaritites. Una distraction ‘yan… sa mga bus and even sa mga public places. Sa mga terminal puwedeng gawin and not just (in) ketchup style,” pahayag ni Eleazar sa isang ABS-CBN interview.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Source: ABS-CBN News, Interaksyon
Photo: Freepik, Ashley Gerlach on Unsplash

Basahin: Warning sa mga magulang: May bagong kidnapping modus!