Kamakailan, nagulat ang marami sa rebelasyon ni Kiana Valenciano na kasal na pala siya—at hindi lang basta kasal, kundi isang intimate wedding na ginanap noong nakaraang taon!
Mababasa sa artikulong ito:
- Kiana Valenciano kinasal na pala noong nakaraang taon
- Paano gawing intimate ang inyong wedding?
Kiana Valenciano kinasal na pala noong nakaraang taon
Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Kiana ang detalye ng espesyal na araw nila ng kanyang asawa, kung saan pinasalamatan niya ang kanilang pamilya at mga kaibigan sa pagrespeto sa kanilang desisyon na panatilihing pribado ang kanilang kasal sa loob ng isang taon.
Larawan mula sa Instagram ni Kiana Valenciano
“I just want to thank our families for respecting our wishes to share our story at our own time on our own terms. All year we got to see our friends’ reactions when we’d tell them ‘We’re married!’ and each time created a core memory!” ani Kiana.
Bukod sa pagiging pribado, inilarawan din ni Kiana ang kasal bilang isang espesyal at personal na selebrasyon. Pinuri niya ang mga tumulong sa kanilang araw, tulad nina Gideon Hermosa, na nagdisenyo ng kanilang setting, at Nice Print Photo, na nagdokumento ng kanilang kasal.
View this post on Instagram
Paano gawing mas intimate ang iyong kasal
Kung na-inspire ka sa intimate wedding ni Kiana, narito ang ilang tips para gawing mas espesyal at personal ang iyong kasal:
Limitahan ang guest list
Sa halip na mag-imbita ng maraming tao, piliin lamang ang mga pinakamalapit sa inyong puso. Tulad ng ginawa ni Kiana, mas magiging memorable ang araw kung kasama lang ang pamilya at mga kaibigang malapit sa inyo.
Personalized details
Gumamit ng mga sentimental na bagay sa dekorasyon, tulad ng ginawa ni Kiana na ginamit ang pearls ng kanyang lola para sa kanyang bouquet. Ang mga ganitong detalye ay nagbibigay ng mas personal na touch.
Larawan mula sa Instagram ni Kiana Valenciano
DIY Elements
Maglagay ng personal na effort sa mga bahagi ng kasal. Halimbawa, ang mga kaibigan at pinsan ni Kiana ang tumulong bilang on-the-day coordinators.
Huwag magmadali
Walang masama kung gusto ninyong itago muna ang kasal at ibahagi ito sa tamang panahon. Ang mahalaga ay ang inyong kasiyahan bilang mag-asawa.
Sa dulo, ang pinakamahalaga ay ang pagmamahal at koneksyon ninyong mag-asawa—tulad ng ipinaramdam ni Kiana sa kanyang kwento.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!