Kiana Valenciano Secret Wedding: Paano Gawing Intimate Ang Kasal

lead image

Ni-reveal ni Kiana Valenciano na isang taon nilang inilihim mula sa publiko na ikinasal na sila. Laking pasasalamat ni Kiana at ng kaniyang asawa sa suporta ng malalapit na tao sa kanilang buhay. Paano nga ba gawing mas intimate ang kasal? Alamin dito!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kamakailan, nagulat ang marami sa rebelasyon ni Kiana Valenciano na kasal na pala siya—at hindi lang basta kasal, kundi isang intimate wedding na ginanap noong nakaraang taon!

Mababasa sa artikulong ito:

  • Kiana Valenciano kinasal na pala noong nakaraang taon
  • Paano gawing intimate ang inyong wedding?

Kiana Valenciano kinasal na pala noong nakaraang taon

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Kiana ang detalye ng espesyal na araw nila ng kanyang asawa, kung saan pinasalamatan niya ang kanilang pamilya at mga kaibigan sa pagrespeto sa kanilang desisyon na panatilihing pribado ang kanilang kasal sa loob ng isang taon.

kiana valenciano

Larawan mula sa Instagram ni Kiana Valenciano

“I just want to thank our families for respecting our wishes to share our story at our own time on our own terms. All year we got to see our friends’ reactions when we’d tell them ‘We’re married!’ and each time created a core memory!” ani Kiana.

Bukod sa pagiging pribado, inilarawan din ni Kiana ang kasal bilang isang espesyal at personal na selebrasyon. Pinuri niya ang mga tumulong sa kanilang araw, tulad nina Gideon Hermosa, na nagdisenyo ng kanilang setting, at Nice Print Photo, na nagdokumento ng kanilang kasal.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano gawing mas intimate ang iyong kasal

Kung na-inspire ka sa intimate wedding ni Kiana, narito ang ilang tips para gawing mas espesyal at personal ang iyong kasal:

Limitahan ang guest list

Sa halip na mag-imbita ng maraming tao, piliin lamang ang mga pinakamalapit sa inyong puso. Tulad ng ginawa ni Kiana, mas magiging memorable ang araw kung kasama lang ang pamilya at mga kaibigang malapit sa inyo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Personalized details

Gumamit ng mga sentimental na bagay sa dekorasyon, tulad ng ginawa ni Kiana na ginamit ang pearls ng kanyang lola para sa kanyang bouquet. Ang mga ganitong detalye ay nagbibigay ng mas personal na touch.

Larawan mula sa Instagram ni Kiana Valenciano

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

DIY Elements

Maglagay ng personal na effort sa mga bahagi ng kasal. Halimbawa, ang mga kaibigan at pinsan ni Kiana ang tumulong bilang on-the-day coordinators.

Huwag magmadali

Walang masama kung gusto ninyong itago muna ang kasal at ibahagi ito sa tamang panahon. Ang mahalaga ay ang inyong kasiyahan bilang mag-asawa.

Sa dulo, ang pinakamahalaga ay ang pagmamahal at koneksyon ninyong mag-asawa—tulad ng ipinaramdam ni Kiana sa kanyang kwento.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jobelle Macayan