Kidnapping modus ngayon, digital na!
Kaya naman paalala ng mga awtoridad buong pamilya maging maingat lalo na sa mga impormasyong inilalagay sa social media.
Isang araw nakatanggap ng tawag si Mark Walker mula sa kaniyang anak. Nang sinagot niya ito ay narinig niya ang boses ng isang lalaking nagpakilalang kidnapper umano ng anak niya. Sinabi nitong papatayin ang kaniyang anak sa oras na hindi nito maibigay ang ransom money na hinihingi niya.
Ayon sa kuwento ni Walker sinabi umano ng kidnapper na, ‘I’m not playing around. If you call the police I’m going to kill her.”
Ngunit kahit natakot sa banta ng di umano’y kidnapper, hindi agad ibinigay ni Walker ang gusto nito.
Tumawag muna siya sa kaniyang asawa para i-check ang lagay ng anak. Doon nga ay napag-alaman niyang ligtas naman ang anak niya.
Nang parehong araw rin na iyon ay nakatanggap ng tawag ang anak naman ni Walker na si Eli sa isa paring nagpakilalang kidnapper.
Ang banta naman ng kidnapper sa kaniya ay babarilin sa ulo ang kaniyang amang si Walker kung hindi nito maibibigay ang gusto niya.
Tulad ng ginawa ng kaniyang ama, tinext muna ni Eli si Walker upang i-check ito. At ng malamang ito ay ligtas ay hindi niya na pinansin ang banta ng nanakot at nagpakilalang kidnapper sa kaniya.
Sa parehong lugar sa Indiapolis, isang elementaty school teacher din na piniling hindi magpakilala ang nakatanggap ng tawag mula sa isang kidnapper tulad ni Walker at Eli.
Sa kwento ng school teacher, hindi daw nagpakilala sa kaniya ang kausap ngunit sinabi nito na hawak niya ang kaniyang kapatid. Kung gusto daw niya itong iligtas ay kailangan niyang magpadala ng pera agad sa taong kausap niya.
Takot man sa narinig ay agad na tinawagan ng school teacher ang kaniyang pamilya upang i-check ang kaniyang kapatid. Nalaman niya na ito ay ligtas. Ngunit, inireport parin nila sa mga pulis ang nangyari.
Bagong kidnapping modus hoax
Ang naranasan ni Walker, Eli at ng school teacher ay isang kaso ng virtual kidnapping na isang hoax o pangloloko na kumakalat sa ngayon, ayon sa FBI.
Ayon parin sa FBI, ang bagong kidnapping modus o virtual kidnapping ay nangyayari sa ganitong paraan:
1. Una, ni-reresearch ng mga scammers ang mga target victims nila at contact numbers ng mga ito sa social media.
2. Sunod ay i-spoof o gagayahin nila ang number ng isa sa mga taong kilala ng kaniyang target victim para magmukhang ito ang tumatawag sa kaniya.
3. Ang spoofing ay nangyayari sa pamamagita ng pagpalit ng scammer ng caller ID information ng kaniyang number para itago ang kaniyang identity at pagmukhaing ang tawag ay mula sa kakilala ng biktima.
At doon na sasabihin ng kidnapper na hawak niya ang kakilala ng biktima at sasaktan niya ito sa oras na hindi mapagbigyan ang gusto niya.
Ayoy kay Theresa Payton, isang security consultant, ang scam na ito ay nangyayari na for 20 years na kung saan ilan sa mga sasabihin ng caller ay nakulong, naaksidente o na-kidnap ang isang minamahal sa buhay.
Ngayon nga daw ay mas naging sophisticated o digital na kasi hinahanap ng scammers ang kanilang new victim at contact details nito sa social media.
Kaya naman para maiwasang maging biktima ng bagong kidnapping modus ay may mga paalala si Payton sa buong pamilya.
- Magkaroon ng family code o isang code na hindi agad mahuhulaan o makikita ng ibang tao sa social media. Kung sakaling tumawag ang nagpakilalang kidnapper, sabihin dito na “Kung talagang hawak mo ang aking anak, pasabi mo sa kaniya ang secret word.” Kapag hindi nila ito nagawa, ibig sabihin ang kanilang banta ay isa lamang scam.
- I-delay sila. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagsasabi na hindi mo sila marinig dahilsa poor signal at sabihing tatawag ka nalang ulit. Sa ganitong paraan, magkakaoras ka para i-check ang loved one na sinasabing kinidnap nila.
- Kontakin ang sinasabi nilang biktima. Habang kausap sila sa telepono ay maaring i-text ang minamahal na di umano ay kinidnap nila. Tandaan na ang mga scammer ay binago lang ang kanilang caller ID at hindi nila gamit ang mismong numero ng sinasabing taong kinidnap nila.
- I-report agad ang insidente o kidnapping modus sa mga pulis kahit na ba ito ay isang scam lang. Ito ay para mabigyan rin ng warning ang iba sa nangyari at maiwasang mabiktima sila ng pangloloko o kidnapping modus.
Sources: Today