Bilang unang speaker sa kauna-unahang Dad Talk ng DadBuds, ibinahagi ni Kuya Kim Atienza ang kaniyang mga natutunan bilang isang ama.
Kim Atienza sa mga kapwa daddy: Spend quality time with your kids
21 taon nang isang ama si Kim Atienza. Sa naganap na Dad Talk ng DadBuds, pinangunahan nito ang usapin tungkol sa mga busy daddy. Ayon sa TV host, “All of us are busy daddy because we provide for our family.”
Pero sa kabila umano ng pagiging busy daddy ay may mahahalagang bagay na natutunan si Kim Atienza sa kaniyang fatherhood. Ang una ay kung gaano kahalaga ang paglalaan ng oras para sa mga anak.
Ipinaliwanag ni Kim Atienza na ang bawat tao ay mayroong quantity time at quality time na maaaring ibigay sa kanilang pamilya.
At maraming magulang ang abala sa pagtratrabaho kaya kakaunting panahon na lamang ang nailalaan para sa mga anak. Pero hindi umano ito nangangahulugan na hindi makapagbibigay ng quality time ang isang busy daddy.
Aminado si Kim Atienza na madalas siyang busy sa kaniyang trabaho, pero ano mang oras na maaari niyang ilaan sa mga anak ay ibinibigay nito.
Paalala nito sa mga magulang, “You may not have quantity of time but you have quality of time. So whatever time we have –focus. Give it to your kids while you can.”
Naikwento rin ni Kim Atienza na minsan niyang pinilit na magsimba ang kaniyang mga anak. Hanggang isang araw ay napagtanto niyang hindi ito tama.
“Advice to dads –you want to teach Christianity to your kids? We are the bible that non-believers read. It is through our actions that they see Christianity in. We can read so many bible verses to our kids, we can teach them so much catechism but it will all go to the head and not to the heart. But what will go to their hearts is what we are with them. Is our love, our compassion, our gentleness and all these other qualities that they will read,” saad ni Kuya Kim.