Kim Chui muntik mamatay matapos pagbabarilin ang kotseng sinasakyan ng hindi pa nakikilalang mga lalaki. Aktres may naging realization sa nangyaring insidente.
Kim Chui muntik mamatay, kotse ng aktres pinaulanan ng bala
Marso 4, 2020 ay ginulat ang publiko ng balitang pinagbabaril umano ang sasakyan ng aktres na si Kim Chui sa Quezo City. Naganap ang insidente bandang alas-6 ng umaga sa kanto ng Katipunan at CP Garcia Avenue sa Diliman.
Ilang oras matapos ang insidente ay nag-kwento ang aktres sa Instagram sa nangyari. Ayon sa kaniyang Instagram post, siya ay ligtas at nagpapasalamat sa mga nagtatanong sa kaniyang kalagayan. Kagabi sa isang exclusive interview sa ABS-CBN ay mas idinetalye nito ang tungkol sa nangyaring insidente.
“It is just a normal taping day for me ng lumabas ako ng village. Tapos, natutulog lang ako. Dapat magbabasa ako ng script pero along the way inantok ako so nahiga ako. Kung hindi ako inantok at tinuloy ko yung pagbasa ng script, siguro tinamaan na ako dito (sa balikat.)”
Ito ang pagkukwento ng aktres sa nangyaring pamamaril sa kaniyang kotse. Labis niya raw ikinatakot ito, lalo pa’t wala siyang alam na dahilan upang gawin ito sa kaniya.
“I was scared. Syempre, magtratrabaho ako papuntang taping tapos magigising ako na pinagbabaril yung kotse ko. So hindi ko alam what’s happening, hindi ko alam kung may kaaway ako, wala naman.”
Walang ideya si Kim kung bakit ito nangyari sa kaniya
Gulat at hindi makapaniwala si Kim ng makita niya ang mga tama ng bala sa bintana kaniyang sasakyan. Pagsasalarawan ng aktres ay nagising siya sa putok ng baril na umabot daw sa walo. Kaya naman agad niyang kinumusta ang kaniyang driver at assistant kung ayos lang ang mga ito. Sila ang kasama niya sa sasakyan ng mangyari ang pamamaril.
Magkaganoon man ang nangyari ay tumuloy daw si Kim sa kaniyang taping at nakapa-shoot pa ng dalawang eksena. Bagamat marami siyang tanong kung bakit nangyari ang pamamaril sa sasakyan niya.
“Nagkamali ba yung nagbaril or nagkamali ba siya ng sasakyan na dapat baralin. I don’t mean harm to anybody, nagpapasalamat ako na walang natamaan sa amin. Hindi ko alam, Diyos nalang bahala sa dalawang yun.”
Kaya naman dahil sa naging karanasan ay may na-realize si Kim at ito ay kung gaano kahalaga ang buhay.
“Masasabi ko nalang, life is really precious kahit wala kang sakit, wala kang kasamaan ng loob. Kung natamaan ka ng balang iyon, wala ka na.”
Ito ang pahayag ng aktres na inaming na-trauma rin siya sa naganap na insidente.
Ano ang dapat gawin sa oras na ma-involve sa shooting incident?
Ang mga ganitong pangyayari ay hindi inaasahan at hindi maiiwasan. Ngunit may mga paraang maaring gawin upang manatiling ligtas sa ganitong uri ng insidente. Bilang isang magulang, ay mahalagang maihanda mo ang iyong anak sa ganitong sitwasyon. Ito ay para masiguro ang kaniyang kaligtasan kung hindi pati narin ang sayo.
Ilan sa mga bagay na dapat mong ituro sa kaniya upang maging ligtas sa isang shooting incident ay ang sumusunod:
- Tumakbo at agad na magtago sa isang ligtas na lugar. Saka tumawag o humingi ng tulong gamit ang iyong cellphone.
- Kung makakatakbo habang nangyayari ang insidente ay gawin ito ng pa-zigzag.
- Magtago sa konkretong pader o malalaking puno,
- Kung nasa loob ng sasakyan ay dumapa.
- Kung nasa labas naman ng sasakyan ay magtago sa bandang makina. Huwag sa bandang compartment dahil maari parin lumusot dito ang bala.
- Sa pagtatago sa oras ng pamamaril, yumuko na kung saan ang kamay at tuhod lang ang tumatama sa sahig. Iwasang humiga dahil maaring bumanda ang bala sa sahig at tumama sa iyong vital organs.
- Huwag magtago malapit sa pinto na maaring pagdaanan ng masasamang loob.
- Kung may makikitang fire extinguisher ay kunin at gamitin ito bilang pang-depensa sa masasamang loob.
- Manatiling kalmado sa oras ng ganitong insidente.
Paano matulungan ma-manage ng iyong anak ang distress matapos ang pamamaril
Para naman matulungang ma-manage ang distress ng iyong anak dulot ng pamamaril ay narito ang mga maari mong gawin:
- Kausapin ang iyong anak tungkol sa kaniyang nararamdaman. Mahalagang maiparamdam mo sa kaniya na handa kang makinig at maari niyang i-express ang kaniyang sarili.
- Panatilihing ligtas at friendly ang inyong tahanan para sa kaniya. Ito ay upang maisip niya na sa loob na inyong bahay ay safe at secured siya.
- Kung mapapansing may palatandaan ng stress, fear at anxiety ang iyong anak ay i-encourage siyang i-express ito. Maaring sa tulong ng mga salita sa pamamagitan ng pag-jojournal. O kaya naman ay sa pag-painting at drawing. Ito ay upang maibsan ang bigat ng pakiramdam niya at unti-unting ma-overcome ito.
- Iwasang makarinig ng balita ang iyong anak tungkol sa nangyaring insidente. Dahil maaring magdulot pa ito ng labis na takot at pagkabahala sa kaniya.
- Iwasan ding pag-usapan ang insidente sa harap ng iyong anak.
- Alagaan ang iyong sarili upang maalagaan mo rin ang iyong anak. Kumain ng tama at matulog ng tama upang maging magandang halimbawa sa kaniya.
- Huwag mahiyang lumapit o humingi ng tulong sa isang psychiatrist kung napapansin mong kailangan ng iyong anak na mas ekspertong makakausap.
SOURCE: ABS-CBN News, GoodHousekeeping, American Psychological Association
BASAHIN: Warning sa mga magulang: May bagong kidnapping modus!