Matapos ang ilang buwan ng pagbibreastfeed, nararamdaman mo nang nasasanay ka na at si baby. Nababawasan na ang discomfort at panatag ka na rin na sapat na ang milk supply mo.
Ngunit biglang may masakit kang nararamdaman. Nagngingipin na si baby at tila nagiging habit na ang pagkagat niya sa iyong nipples habang nagpapasuso ka.
Maliban sa masakit ito, nakakasama ba kapag kinakagat ang nipples ni mommy?
Kinakagat Ang Nipples Tuwing Breastfeeding: Normal Ba Ito Para Kay Baby?
Kapag nagngingipin si baby, nahihilig siyang kumagat at ngumuya dahil tender ang gums niya. Kapag tender at sensitibo ang gums maaaring hindi kumportable si baby. Kaya din naimbento ang teethers para ma-relieve sila. May ibang mommy na gumagamit ng teething gel pero important ikonsulta muna sa inyong pedia bago gumamit nito.
Hindi naman lahat ng baby na nagngingipin ay kinakagat ang nipples ni mommy. Ayon sa Australian Breastfeeding Association, kapag tama ang pagkagat ni baby tuwing breastfeeding ay hindi niya kinakagat ang nipples.
Paano nga ba ang tamang “bite”? Dapat daw ang dila ni baby ay nasa ibabaw ng ibabang gilagid at ngipin.
Kadalasang nangyayari ito kapag nagsisimula pa lang mag-breastfeed at kapag patapos na.
Paano Maiibsan Ang Sakit Kapag Kinakagat ang Nipples ni Mommy?
1. Pagbabago ng Positioning
Minsan ang simpleng pagbabago ng positioning at latching ay makakatulong para maiwasan kapag kinagat ang nipples ni mommy.
Subukang mag-chest to chest position, or ang pag-breastfeed na ang baba ni baby ay nakadikit sa dibdib ni mommy.
2. Pagtigil ng Breastfeeding Kapag Kinakagat
Hindi man sila makapagsalita pero sensitibo si baby sa mga moods ni mommy. So kapag nasasaktan si mommy at itinigil ang breastfeeding, maaaring makatulong ito para hindi na nila kagatin ang nipples ni mommy. Pero minsan din ay natatawa si baby kapag nag-re-react si mommy, kaya’t uulitin nila ang pagkagat na tila nakikipaglaro.
3. Paghuhugas ng Nipples
Para maiwasan ang irritation ng nipples ni mommy, maaaring hugasan ang nipples gamit ang tubig na may konting asin.
Dahil sa pagbabago sa laway ng nagngingipin na baby, maaaring ma-irritate ang nipples. May mga paraan upang maibsan ang sakit na dulot nito. Narito ang maaaring gawin kapag kinakagat ni baby ang nipples ni mommy.
4. Panatilihing Tuyo ang Nipples
Tulad ng remdies para sa sore nipples, maaaring pahanginan ang nipples na kinakagat ni baby. Ugaliin ding magpalit agad ng basang nursing o bra para maiwasan ang discomfort.
Ang nagnginigipin na baby ay kadalasang may matulis na ngipin. Sa paglaon ng mga buwan, tutubo ito at mababawasan din ang discomfort.
Kapag ang baby na nagngingipin ay ayaw mag-latch on sa breast ni mommy, maari ding may ibang bagay sa loob ng bibig niya. O di kaya’y may sakit din siyang nararamdaman kaya ayaw niyang mag-latch.
Sensitibo din si baby sa mga nararamdaman ni mommy. Kaya’t kung masakit ang breastfeeding while teething, ay puwede ding umiwas ni baby sa pagbibreastfeed.
Huwag mag-atubiling kumunsulta sa iyong doktor kung nag-aalala ka sa pagkagat ni baby o kung may kakaibang nararamdaman ka na sa iyong dibdib na hindi na kayang tiisin o ibsan ng mga simpleng remedy sa bahay.
featured image courtesy: shutterstock
references: Australian Breastfeeding Association, Breastfeeding.support