Kinilaw na Tuna: Pamanang sarap ng ating mga ninuno

Mapapahiyaw ka sa sarap sa kinilaw na tuna!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Sangkap o ingredients Kinilaw na Tuna
  • Paraan ng pagluluto o paggawa ng Kinilaw na Tuna

Ang Kinilaw ay isa sa mga putahe na maituturing sariling-atin. Katunayan, nadiskubre noong panahon ng mga Kastila ang mga tinik ng isa at ang prutas na kung tawagin ay tabon-tabon na siyang ginagamit ng mga sinaunang Pilipino bilang pampaasim sa kanilang kinilaw. Ang kinilaw ang tawag sa proseso ng pagluluto sa suka o anumang prutas na may pampaasim katulad ng kalamansi, dayap, kamias, manggang hilaw, sampaloc at iba pa. Nahahawig ito sa ceviches ng Latin-America na kung saan nilalagyan nila ng citrus juice ang kanilang raw seafood para maalis ang lansa bago nila kainin.

Kinilaw na Tuna

Ang pangunahing sangkap sa paggawa ng kinilaw ay hilaw na laman ng isda, hipon, oyster, clam, at iba pang mga lamang-dagat. Bukod dito, nilalagyan din ito ng suka na siyang dahilan kung bakit naalis ang lansa at naluluto ng bahagya ang kinilaw. Isa sa pinakamalimit na ginagawang kinilaw ay ang tuna. 

Larawan mula sa iStock

Bukod kasi sa malaman at malambot na laman ng tuna, madali itong hiwain at i-fillet. Di gaya ng ibang isda, ang tuna ay hindi matinik at hindi gaanong malansa. 

Mayaman sa protina, vitamin D, iron, vitamin B6, pottasium, selenium, at iodine na kailangan ng ating katawan. Mataas din ang omega 3 fatty acid na makukuha mula rito na sinasabing makabubuti sa ating mga puso dahil ito ang lumalaban sa bad cholesterol ng ating katawan. (webmd.com)

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isa sa pinakamabentang klase ng tuna ay ang Yellowfin tuna. Ang Yellowfin tuna ay kabilang sa uri ng malalaking species ng tuna na lumalaki hanggang 180 kilos bawat isa. Tinawag iting Yellowfin dahil sa kulay dilaw nitong palikpik at katawan. 

May iba’t ibang sangkap sa paggawa ng kinilaw na tuna. Ituturo ko sa inyo ang dalawang paraan para sa mas masarap na kinilaw na tuna.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Unang paraan sa paggawa ng Kinilaw na Tuna:

Mga Sangkap:

  • ½ kilo Yellowfin Tuna (fillet)
  • 1 tasang sukang puti
  • 5 pirasong kalamansi
  • 1 malaking sibuyas; tinadtad
  • 1 katamtamang laki ng luya; tinadtad
  • Asin
  • Paminta
  • 1 Manggang hinog; hiwain ng maninipis
  • Siling berde o labuyo

Paraan sa paggawa ng Kinilaw ng Tuna:

  1. Hugasan ng maigi ang tuna. Salain at hiwain ng pa-cubes. 
  2. Sa isang malinis na bowl ilagay ang nahiwang tuna at suka. Takpan at hayaang maluto ang tuna sa suka sa loob ng labinglimang minuto. Ginagawa ito upang maalis ang lansa at anumang bacteria na mayroon sa tuna. 
  3. Salaan at ilagay sa isang malinis na lalagyan. Pigaan ng kalamansi juice at haluin. Isunod na ilagay ang sibuyas at luya. Timplahan ng asin at paminta ng naayon sa panlasa. 
  4. Lagyan ng manggang hinog, siling berde o labuyo sa ibabaw bago ihain ang kinilaw na tuna.

 

Pangalawang paraan sa paggawa ng Kinilaw na Tuna:

Mga Sangkap:

  • ½ kilo yellowfin tuna (fillet)
  • ½ tasang sukang puti
  • 6 na pirasong kamias; tinadtad
  • 1 malaking sibuyas; tinadtad
  • 1 katamtamang laki ng luya ; tinadtad
  • ¼ kutsaritang asukal
  • Patis 
  • Paminta
  • Siling berde o labuyo
  • Dahon ng wansoy (para sa garnish)
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa iStock

Paraan ng paggawa ng Kinilaw na Tuna:

  1. Hugasang maigi ang tuna at salain. Hiwain ng pa-cube at itabi.
  2. Sa isang malinis na bowl, ilagay ang tuna. Isunod ang suka, at kamias. Haluin at takpan. Ilagay sa refrigerator sa loob ng 30 minuto. 
  3. Pagkalipas ng 30 minuto, ilagay ang sibuyas at luya. Haluin ulit.
  4. Timplahan ng asukal, patis, at paminta. 
  5. Ilagay muli sa refrigerator sa loob ng isang oras bago ihain.
  6. Isunod na ilagay ang sili at i-garnish ng dahon ng wansoy para sa naiibang twist. Ihain kasama ng kaning mainit.

Ang asukal ang magsisilbing pambalanse sa asim ng kinilaw.

Tips sa paggawa ng Kinilaw na Tuna:

  1. Siguraduhing sariwang tuna ang mabibiling isda. Sa pagpili ng isda, tignan kung malinaw ang mata, intact ang hasang at pakipik, matigas ang laman, at maayos ang balat .
  2. Gumamit ng natural na suka, tignan sa sangkap ng suka kung ito ay natural o gawa sa citric acid lamang. Maaaring gumamit ng cane vinegar o apple cider vinegar.
  3. Hinay-hinay sa pagkain ng hilaw. Huwag pakainin ng kinilaw ang mga taong may maselang tiyan at mga bata na edad 12 pababa. Hindi inaadvise ng mga experto ang palaging pagkunsumo ng kinilaw na pagkain.
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement