Kris Aquino and Mark Leviste relationship nagkaayos na. Kim Chiu binisita si Kris sa Amerika.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Pagbisita ni Kim Chiu kay Kris Aquino sa Amerika.
- Kris Aquino and Mark Leviste relationship.
Pagbisita ni Kim Chiu kay Kris Aquino sa Amerika
Sa Instagram ay ibinahagi ni Kris Aquino ang naging surprise visit ni Kim Chiu sa kaniya sa Amerika. Makikita sa video na kalakip ng kaniyang IG post kung paano na-sorpresa si Kris sa pagbisita ni Kim na tinawag niyang kaniyang panganay.
Sabi ni Kris sobrang na-appreciate niya ang pagbisita ni Kim. Sa katunayan ay naging less daw ang pain ng biological injectable na ibinibigay sa kaniya ng makita si Kim.
“All i can say is i love you, i super appreciate your effort to visit, and even if it was a gloomy day, you were the much needed reminder that after all the storms, we can look forward to a RAINBOW 🌈… I’ve missed you, as in SUPER. 50% less yung sakit nung biological injectable ko at 1 PM after seeing you, please visit again & often? Diba may bedroom ka na? Thank you for until now (16 years & counting) genuinely caring for & trusting me.”
Ito ang mensahe ni Kris ng pasasalamat sa pagbisita ni Kim sa kaniya.
View this post on Instagram
Kris Aquino and Mark Leviste relationship
Sa parehong IG post ay ibinalita rin ni Kris na nagkaayos na sila ni Mark Leviste. Dahil sa ito daw ang naging daan para makapunta si Kim sa kaniya. At sa ngayon ay na-realize niya narin daw ang pagkakamali o mistakes sa relasyon nila. Naging malaking daan daw dito ang anak niyang si Bimby. Kaya naman sa ngayon ay happy at committed muli silang dalawa ni Mark sa isa’t-isa.
“We’ve both learned from our mistakes…with God’s help sana tuloy tuloy na yung harmonious and supportive relationship namin. Thank you bimb for helping us realize all the things we needed to repair in order to strengthen our commitment.”
Ito ang sabi pa ni Kris tungkol sa relasyon nila ni Mark.
Ibinahagi niya rin na sa ngayon ay patuloy parin ang improvement ng kaniyang kondisyon. Kaya naman nagpasalamat din siya sa mga taong patuloy na nagdadasal sa pagbuti ng kalagayan niya.