Kris Aquino, sinagot ang netizen na tinawag na autistic ang mga anak

lead image

Kris Aquino: Lahat ng magulang kapag anak na ang hinamak, LALABAN.

Kris Aquino children na sina Josh at Bimby tinawag na autistic ng isang netizen. Aktres, sumagot at ipinagtanggol ang mga anak.

kris aquino children

Image screenshot from Kris Aquino’s Instagram account

Kris Aquino children: Josh at Bimby

Habang masayang ibinabahagi ng isang ina ang pagmamahal niya sa dalawang anak niya, hindi niya akaling masisira lang ito ng isang komento mula sa taong hindi naman sila kilala at alam ang tunay na buhay nila.

Ganito kung mailalarawan ang nararamdaman ni Kris Aquino noong i-post niya ang larawan ng dalawa niyang anak na sina Josh at Bimby sa kaniyang Instagram account.

Ayon sa Instagram post ni Kris, ang mga anak niya ang kinukunan niya ng strength para magpatuloy kahit mag-isa lang siyang nagtataguyod sa kanila. At dahil dito mahal na mahal nila ang isa’t-isa.

Ngunit may isang netizen ang tila hindi natuwa sa pagpakita ng pagmamahal ni Kris sa mga anak niya. Sa halip ay tinuring na kakatwa ang magkapatid na sina Josh at Bimby at tinawag pang “the autistics”.

Hindi naman pinalampas ito ni Kris na agad na sinagot ang mapangahas na komento ng naturang netizen.

Sagot ni Kris Aquino sa “autistic” comment ng isang netizen sa mga anak

Kris Aquino:

“I am replying in an educated way. Why my sons? Especially kuya josh? Will you also shoot a gun because you want to experiment then tell the world after you have shot an innocent person SORRY, now I know what it’s like to be a killer? You aren’t a fan. You are a despicable coward.”

“And I have every right to call you out because you threw the first uncalled for insult. It is a person like you that inspires me to consider seeking elective office to fight for those without a voice, like special children, parents who cannot afford proper healthcare, and marginalized single parents. I am posting this separately because the arrogant fool may erase his original comment out of cowardice.”

“NEVER po ako nagsimula ng away pero KILALA nyo na ako, WAG ang mga magulang ko at WAG ang mga anak ko ang bababuyin kung ayaw lumabas ang pangil ko. Simple lang, diba. Lahat naman kayo alam ko pareho ang saloobin. Kung namatay na ang magulang wag bastusin ang akala nila. At lahat ng mga magulang kapag anak ang hinamak, LALABAN.”

Reaskyon ng mga netizens

Binura na ng naturang netizen ang comment niya tungkol sa mga anak ni Kris. Sinagot niya din ang pahayag ni Kris na sinabing “innocent comment” lang daw niya iyon. At humingi na rin siya ng kapatawaran sa aktres.

Pero para sa ibang mga netizens, the damage has been done. Kaya naman hindi rin nila napigilan na pansinin at punahin ang “mean” at “stupid” comment umano nito. Habang ang iba naman ay nagpakita ng pagsuporta kay Kris, lalo na ang mga inang tulad niya.

“You will never be wrong in fighting for people you love most specially for Your sons. Im one of the people who loves you 😘 God bless you always and take care of yourself ❤️”

Correct kapag anak hinamak lalaban.. God bless you ❤️”

Autistic children or people may be different but they are unique in their own special way; and every child is a gift from God bare that in mind.”

My biggest hope… even wish is to have a ‘louder voice’, for our special children.. I am a mother too of a very special kid and it hurts so much when someone says bad things to my son. ako na lang wag na anak ko.  I just wish there are more people who can give more help and understanding to them. All the best and cheers to all strong mom’s out there.

We are so special ms kris. Tayong mga magulang na biniyayaan ni Lord ng mga anak na may special na pangangailangan kasi alam ni Lord tayo ang pinakamalakas at kaya natin sila tanggapin ng buong puso. Sadyang may mga taong mangmang at kulang ang kaisipan sa bagay na madaling tanggapin at intindihin. I admire you for being a strong and loving mom.”

 

Source: Inquirer.Net

Basahin: Kris Aquino, ibinahagi ang kaniyang karamdaman

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner