Kris Aquino unti-unti ng umaayos ang kalusugan: “FINALLY, ON THE CORRECT PATH TO REMISSION”

Ayon kay Kris tinatawag na siyang bad-ass ng kaniyang doctor dahil sa ginagawa niyang pagtitiis sa sakit at hirap ng treatment na pinagdadaanan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kris Aquino nag-iimprove na ng health condition. Ito ang update sa kaniyang kalusugan.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Kris Aquino health update.
  • Ginagawang paglaban ni Kris sa kaniyang sakit para sa mga anak.

Kris Aquino health update

Larawan mula sa Instagram account ni Kris Aquino

Sa kaniyang pinaka-latest Instagram post ay ibinahagi ng aktres at TV host na si Kris Aquino na unti-unti ng umaayos ang kaniyang kalusugan. Binalikan rin ni Kris ang pagkamatay ng kaniyang mga magulang. Lalo na ang kaniyang ina na si dating pangulo Corazon Aquino na nasawi noong August 1, 2009 sa sakit na colon cancer.

Ayon kay Kris, tulad ng ginagawa niya sa ngayon ay lumaban ang kaniyang ina para sa kanilang magkakapatid. At mula ng ma-diagnose sa sakit at nabigyan ng palugit sa kaniyang buhay ay nakasama pa nila ang ina ng 17 months.

“My Mom died of Stage 4 colon Cancer on 1 August 2009. Upon initial diagnosis our mom was given 3 months BUT she fought hard, knowing her 5 kids weren’t ready. Our Mom underwent all the most painful treatments and God granted us 17 more months. It’s been 17 months since my Churg Strauss/EGPA diagnosis.”

Ito ang bahagi ng Instagram post ni Kris.

Larawan mula sa Instagram account ni Kris Aquino

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ginagawang paglaban ni Kris sa kaniyang sakit para sa mga anak

Pero hindi tulad ng kaniyang ina, si Kris alam na mas matagal niya pang makakasama ang mga anak. Lalo pa’t sa ngayon, pagbabahagi niya ay unti-unti ng umaayos ang kaniyang kalusugan dahil sa treatment na pinagdadaanan. Sabi pa ni Kris, mahirap at masakit pero lahat ay tinitiis niya para sa mga anak. Tinatawag nga daw siyang bad-ass ng kaniyang doctor dahil sa kinakaya niya ang treatment na parang hindi ito iniinda.

“She calls me a “bad-ass” because kinakaya ko even though malapot at mahapdi yung ini-inject at malalim kailangan ibaon yung prefilled high tech syringe. Yes, matapang na ko sa halos lahat ng kailangan pagdaanan at mataas ang pain tolerance ko.”

Ito ang sabi pa ni Kris.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Kris Aquino

Nagpasalamat rin siya sa mga taong patuloy na nagdadasal para sa kaniya. At sa wakas ay unti-unti na daw umaayos ang kaniyang kalusugan dahil sa tamang treatment ang kaniyang pinagdadaanan. Makikita rin sa larawang kalakip ng post ni Kris na kasama niya ang boyfriend at bestfriend na si Mark Leviste. Isa rin ito sa sinasabi niyang inspirasyon sa kaniyang pagpapagaling.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Thank you because our prayers are being answered- my last blood panel showed improvement- it’s slow progress, i have a long way to go… it’s likely that after a few months another medication will be introduced to my body by UCLA’s Dr Belperio- BUT I AM, against all odds (because of all my limitations with medicinal options), FINALLY, ON THE CORRECT PATH TO REMISSION and A BETTER QUALITY OF LIFE. Thank you to all. THANK YOU, GOD. #faith”

Ito ang sabi pa ni Kris Aquino tungkol sa kaniyang health condition.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement