Isang “gratitude post” ang isinapubliko ni Kris Aquino sa kanyang Instagram account. Ito ay upang lubusang magpasalamat sa kanyang mga doktor dahil sa pagtulong nito sa kanyang kalagayan.
Kris Aquino nagpasalamat sa kanyang mga doktor para sa kaniyang pagpapagaling
Nitong Sabado lamang nang mag-post ang tinaguriang “Queen of All Media” na si Kris Aquino. Sa kanyang Instagram account makikita ang videos hinggil sa kanyang paggagamutan.
Dito sa post niya ay ipinakita niya kung gaano siya nagpapasalamat sa “excellent team of doctors” na naggagamot sa kanya. Sa kabila raw kasi na napakarami niyang allergies at maselan ay natutulungan siya ng mga ito. Humahanap talaga sila ng lunas na swak para sa kanyang kundisyon.
Dumating din daw sa punto na “alarming” na ang mga results ng kanyang mga examinations. Kaya dahil daw dito ay may isasabay nang bagong treatment sa kanyang “biological injectable.”
Larawan mula sa Instagram account ni Kris Aquino
Pahayag ni Kris,
“This is an overdue GRATITUDE post. i know it’s because of your prayers that God helped lead me to an excellent team of doctors: Dr. Sudhir Gupta, his daughter Dr. Malika Gupta, Dr. Yaqoot Khan, and Dr. John Belperio. Except for Dr. Malika who has her own private clinic, Dr. Gupta is with UCI while Dr. Khan & Dr. Belperio are practicing at UCLA.
In particular warmest thanks to Dr. Malika and Dr. John for their excellence and real compassion… I have many limitations when it comes to medicine & treatments because of my allergies and/or adverse reactions YET they both found treatments that given time can help me get my health back.”
Larawan mula sa Instagram account ni Kris Aquino
Hindi rin naman niya kinalimutang pasalamatan ang kanyang mga kaibigan at pamilya na nagdadasal at tumutulong sa pagsubok niyang ito,
“THANK YOU- many of you don’t know me personally but friends of my family, my friends, those helping take care of me- all have heartwarming stories about people they know who keep praying for me to get better.”
Larawan mula sa Instagram account ni Kris Aquino
Hindi niya raw alam kung ano ang nagawa niya para makatanggap ng ganitong suporta. Sinabi niya rin sa post na ito na sila ang nagbibigay sa kanya ng lakas para harapin ang kanyang sakit ngayon.
“I don’t know what I’ve done to deserve your kindness but please know YOU GIVE ME HOPE & COURAGE to KEEP THE FAITH and TRUST GOD’S Merciful LOVE. Thank you for being my RAINBOW…”
Hinabol niya rin na sa ngayon ay magkahiwalay rin sila ng anak niyang si Josh. Ito raw ay dahil may gusto nito na nasa tahanan nila.
“P.S. kuya josh is back in the 🇵🇭; we miss him BUT his heart is happiest at home.”
View this post on Instagram
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!