Kris Aquino nag-share ng health update habang ngayon ay nasa Amerika para doon magpagamot.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Kris Aquino health update.
- Si Kris nagka-COVID at kasalukuyang sumasailalim sa chemotherapy.
Kris Aquino health update: Mayroon siyang 4 autoimmune disease na maari pang madagdagan
Sa kaniyang Instagram ay nagbigay ng update tungkol sa kaniyang kalusugan ang aktres at TV host na si Kris Aquino. Siya ngayon ay nasa Amerika kasama ang mga anak na sina Josh at Bimby para doon magpagamot. Ayon kay Kris matapos ang ilang buwan ng magpunta sila sa US ay ngayon lang siya nag-post dahil sa gusto niyang masiguro muna ang kondisyon niya.
Pag-amin ni Kris, mahirap ang pinagdadaanan niyang sakit. Sa katunayan ay maraming beses niya daw naisip na sumuko na dahil sa pain at fatigue na dulot ng sakit at mga procedures na kailangan niyang pagdaanan. Pati na ang ilan pang pagbabago sa kaniyang katawan na nagpapahirap sa kaniyang mamuhay ng normal.
“There have been times I wanted to give up-because of fatigue & being forever bedridden; the bruises all over my body that suddenly appear; my inability(since February) to tolerate solid food; headaches; bone deep pain in my spine, knees, joints in my fingers; and my constant flares esp. in my face that just keep getting worse.”
Ito ang sabi ni Kris sa kaniyang IG post tungkol sa kaniyang kalusugan.
Ngunit paliwanag ng aktres, tuwing naiisip niya na sumuko ay pinapalakas niya ang kaniyang loob dahil sa kaniyang mga anak.
“But I remind myself Kuya & Bimb still need me & mahiya naman ako sa lahat ng mga patuloy na nagdarasal para gumanda ang kalusugan ko if I just give up.”
View this post on Instagram
Pagpapatuloy niya, sa ngayon ay nagsisimula na siya sa kaniyang immunosuppressant therapy. At sa pagsasagawa nito ay maaring maglagas ang kaniyang buhok. Sinabi niya ring very blessed siya dahil sa kakayahan niyang magpagamot at magpunta sa ibang bansa para ito ay magawa.
“I am grateful to be blessed to have the means for us to move to another state, and have more tests done & go to other specialists; and finally start my immunosuppressant therapy. I was warned that the safest form of chemotherapy (i don’t have cancer) that can be used for my autoimmune conditions will make me lose my hair. Hair will eventually grow back but permanently damaged organs won’t- so dedma muna sa vanity.”
Ito ang sabi pa ng Queen of All Media.
Larawan mula sa Instagram account ni Kris Aquino
Nilinaw rin ng aktres ang naging pahayag ng Ate niya tungkol sa kaniyang sakit. Sabi ni Kris may tatlong autoimmune conditions na siyang natukoy bago sila umalis ng mga anak pa-Amerika. Habang doon ay natukoy na may pang-apat at tinitingnan ang posibilidad na mayroon pang pang-lima.
“Naguluhan si Ate during the zoom Q&A: to clarify we left the 🇵🇭 i was already diagnosed with 3 autoimmune conditions. It was while here in Houston that I was diagnosed with a 4th. Unfortunately, all my physical manifestations are pointing to a possible 5th- opo, pinakyaw ko na!”
Ito ang sabi pa ni Kris. Pero magkaganoon man nanatiling positive at lumalaban si Kris. Hindi lang para sa mga anak niya kung hindi pati narin daw sa mga taong patuloy na nagdadasal sa paggaling niya.
Hindi niya rin nakalimutang pasalamatan ang mga bagong kaibigan nila sa Houston na siyang umaalalay sa kaniya habang nakikipaglaban sa kaniyang buhay at kalusugan.
“To our new friends & guardian angels in Houston our love & gratitude is forever.”
Ito ang sabi pa ni Kris.
Sa post na ito ni Kris kung saan tampok rin ang isang larawan kasama niya ang mga anak na sina Josh at Bimby ay bumaha ang sweet na mensahe sa kaniya ng mga celebrities at malalapit niyang mga kaibigan. Ang mga ito ay humihiling sa paggaling ni Kris at nagsabing hindi sila magsasawang isama siya sa kanilang mga dasal.
chefjayps You can do it Kris!
mjmarfori Prayers for the family and speedy recovery @krisaquino
iamkarendavila Stay strong Kris. God’s grace for your complete healing
Ito ang ilan sa mga komento nila.
Kris Aquino nagka-COVID at kasalukuyang sumasailalim sa chemotherapy
Ayon kay Kris, base sa mga test na pinagdaanan niya wala siyang cancer. Normal ring nagpa-function ang mga kidneys at liver niya.
Base sa kaniyang naunang IG post si Kris ay mayroong Multiple Autoimmune Syndrome. Noong una ay natukoy lang na mayroon siyang Autoimmune Thyroiditis at Chronic Spontaneous Urticaria. Pero kalaunan ay natukoy rin na mayroon pa siyang isang autoimmune condition na tinatawag na vasculitis. Nasa Amerika siya para subukan ang treatment na pupuwede sa sakit na itinuturing na bibihira.
Sa kanilang pagdating sa Amerika, ibinahagi ni Kris na siya ay nagpositibo sa COVID kasama ang mga anak na sina Josh at Bimby. Si Kris labis na nag-alala para sa kaniyang kalusugan at nagdasal ng nagdasal sa namayapang si Noynoy Aquino na tulungan siya sa death anniversary nito.
“Since this was already your death anniversary, somehow I felt reassured knowing that the 3 of us would get through this new ordeal especially because you would never allow us to have a death dat so close to yours. I even joked with you.”
“I said, Noy you are super BIDA now because you’re the only one with mom and dad. If I die Bunso will of course get the majority of their attention and for sure you won’t like that. Then I said seriously, Noy help me please these 2 only have me. Please help me.”
Ito ang bahagi ng open letter ni Kris kay Noynoy. Siya ay gumaling sa sakit na COVID-19 pero kasalukuyang sumasailalim sa chemotherapy. Ang tanging paraan na tingin ng mga doktor ay makakatulong para bumuti ang kaniyang kalusugan.
View this post on Instagram
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!