Proud si Kris Bernal sa kaniyang mommy body ngayong nasa ika-2 trimester na siya ng kaniyang pagbubuntis.
Kris Bernal nakaranas din ng discoloration at stretchmarks
Preggy man at nasa kaniyang 2nd trimester na, summer-ready pa rin ang soon-to-be mommy na si Kris Bernal. Sa kaniyang Instagram post kamakailan, ibinahagi nito ang larawan kung saan ay naka-two piece bikini siya sa gilid ng swimming pool.
Larawan mula sa Instagram ni Kris Bernal
Aniya sa kaniyang post, tanggap at niyayakap niya ang kaniyang katawan ngayong siya ay buntis dahil kailangan niya ito para sa kanila ng kaniyang baby.
Saad ng aktres, “Embracing my new and growing body. It’s there to host our baby and to keep it healthy and that’s it! Starting to feel her little kicks! She’s a kicking machine! Nonetheless, I smile so big!”
Kwento niya pa, mas maayos na rin daw ang pakiramdam niya ngayon kompara noong 1st trimester ng pregnancy.
Larawan mula sa Instagram ni Kris Bernal
“I am feeling pretty good the majority of the time in this 2nd tri! The first trimester was rough! I wanted to do everything I could to be healthy as possible, but everything smelled and tasted disgusting!”
Isang netizen naman ang nagkomento sa naturang IG post kung saan ay sinabi nitong, “lahat ng part lumaki…patingin kami ng kilikili kung umitim.”
Agad namang sinagot ito ng aktres, “Definitely! I am no exception to that!!!”
Sinagot din ng celebrity mommy ang mga komento sa Instagram story ng aktres. May isang mommy rin na nagtanong kung nakaranas bang magka-stretchmarks at discoloration si Kris Bernal.
Aniya, “Yes, of course, hindi kayo nag-iisa! I’m just like any other pregnant women out there.”
Larawan mula sa Instagram ni Kris Bernal
Pinalakas naman ni Kris ang loob ng isang mommy na nakaranas ng acne breakout sa pagbubuntis.
“Luckily, I didn’t experience this. Thank goodness! But, don’t panic! It’s just temporary. You’re doing an incredible thing and I’m proud of you for doing your best, day in and day out! Lots of sacrifices on our end but it will be worth it for sure.”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!