Kris Bernal sa unang 100 days kasama ang baby girl niyang si Hailee Luca: “This has been the hardest but most rewarding days I’ve ever had!”

Baby girl ni Kris, mini-me version ng kaniyang Daddy Perry Choi.

Kris Bernal ibinahagi ang experience niya as a mom sa unang 100 days kasama ang anak.

Mababasa dito ang sumusunod:

Kris Bernal 100 days as a mom

kris bernal as a mom to baby hailee

Larawan mula sa Instagram account ni Kris Bernal

Sa Instagram ay ibinahagi ni Kris Bernal ang bagong photos and videos ng kaniyang baby girl na si Hailee Luca. Kasabay nito ang pagbabahagi niya ng kaniyang karanasan sa unang 100 days bilang isang ina.

Ayon kay Kris, talagang kakaiba ang experience ng mga ina lalo na sa kaniya na first time palang magkaanak. Ang mga sleepless nights, pagpupump ng gatas at pagpapalit ng diapers ay ilan daw sa challenging na bahagi ng pagiging ina. Ang mga karanasang ito ang naging dahilan din daw para siya ay maging better version ng kaniyang sarili bilang isang babae.

“100 days with you, @haileelucca 📍. This has been the hardest but most rewarding days I’ve ever had! From the sleepless nights, sore nipples, diaper changes, pumping around the clock, mom guilts, tears, all of her giggles, and our cuddles, she has turned my world upside down in the best possible way! She’s making me a better woman! 🌻”

Ito ang bahagi ng post ni Kris.

 
View this post on Instagram

Best part ng pagiging isang ina ayon kay Kris

kris bernal baby hailee

Larawan mula sa Instagram account ni Kris Bernal

Kung meron nga daw best part ang unang 100 days niya bilang isang ina. Ito daw ay sa tuwing titingin sa kaniya ang kaniyang baby girl na nakangiti. Ito daw ang kumukurot sa kaniyang puso at mas nagpapalalim ng koneksyon nila sa isa’t-isa.

“And, the best part of my days? It’s as simple as everytime my little one looks up to me and smiles. I just exhale with gratitude. The connection is just indescribable. ♥️”

Ito ang sabi pa ni Kris Bernal sa kaniyang Instagram post.

Sa latest videos na ibinahagi ni Kris makikita na mini-me ng kaniyang mister na si Perry Choi ang kanilang little baby girl na si Hailee.

kris bernal with husband perry choi and baby hailee

Larawan mula sa Instagram account ni Kris Bernal

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!