Kris Bernal husband na ang boyfriend na si Perry Choi. Ang dalawa ay ikinasal nito lamang Sabado kung saan napuno ng sunflower ang wedding venue nila.
Mababasa sa artikulong ito:
- Mga detalye sa kasal ni Kris Bernal at husband niya ngayong si Perry Choi.
- Love story ni Kris Bernal at Perry Choi.
Kris Bernal wedding
Ganap ng Mrs. Choi ang aktres na si Kris Bernal. Dahil nitong Sabado, September 25, ay ikinasal na sila ng kaniyang long-time boyfriend na si Perry Choi.
Ang kasal nila ay ginanap sa St. Alphonsus Mary de Liguori Parish sa Magallanes Village, Makati City. Ito ay dinaluhan ng kanilang kamag-anak at malalapit na kaibigan.
Ibinahagi naman nila sa publiko ang special event na ito sa kanilang buhay sa pamamagitan ng live streaming sa YouTube channel ni Kris Bernal. Ito ay may hashtag na PerryTaleNiKris.
Sa pagsisimula palang ng kasal ay makikita na ang makukulay na sunflowers na pumuno sa simbahan. Ito rin ang bitbit na bulaklak ng mga abay ng kasal.
Mas naliwanag nga ang simbahan ng magsimula ng maglakad sa isle si Kris na ang bitbit na bouquet ay kulay dilaw din tulad ng mga sunflowers na nakapalibot sa wedding venue.
Maiyak-iyak si Kris habang dahan-dahan na papalapit sa altar sa kantang “Ikaw” ni Yeng Constantino. Ito ay live na kinanta ng singer na si Jonalyn Viray para sa kasal ni Kris at husband niya na ngayong si Perry.
Detalye sa kasal ni Kris Bernal at Perry Choi
Image from Kris Bernal’s official Facebook account
Sa Facebook post ni Kris Bernal kagabi ay ipinaliwanag niya kung bakit puno ng sunflowers ang naging kasal niya. Ayon kay Kris, ito ang paborito niyang bulaklak dahil sumisimbolo ito ng faith at unconditional love.
“Thousands of sunflowers and thousands of tears. ”
“Sunflower is my top most favorite flower. It symbolizes unwavering faith and unconditional love. It reminds me of the face of the sun that sends pure joy and positive vibes to me. ”
Ito ang sabi ng aktres sa kaniyang Facebook post. Pagbabahagi ng aktres ang dream wedding niya na ito ay isinakatuparan ng event designer at florist na si Gideon Hermosa.
“Gideon Hermosa, @gideonhermosa (IG), made sure that the motif of my wedding was on point to what I’m envisioning it to be. I’m proud to say that my wedding has been #Gideonized”, sabi ni Kris.
Kris very happy sa sunflower garden themed wedding niya
Dagdag pa ng aktres, very happy siya sa naging resulta ng creativity ni Gideon. Dahil ang kasal niya ay nagawa nitong pag-mukhaing isang sunflower garden na tulad ng pinapangarap niya.
“Being #Gideonized and working with Gideon made me realize more why he is one of the most in-demand and sought-after event stylists and florists today. ”
“So much artwork and creativity were put into this flawless event setup! My wedding looked like sunshine in a sunflower garden because of him! ”
Ito ang nasabi pa ni Kris sa kaniyang Facebook account.
Samantala sa isang panayam kay Gideon ng fashion magazine na Preview ay nagbigay ito ng detalye tungkol sa yellow bouquet ni Kris. Ito ay gawa umano sa bulaklak na zentedesia at lady orchids na tugma sa suot na gown na aktres at motif ng kasal niya. Ang gown niya ay dinesenyo ng fashion designer na si Mak Tumang.
“Hers was made out of dainty lemon-hued blooms, which weren’t sunflowers, but still fit the motif seamlessly. “Her bouquet was made of zentedesia flowers and dancing lady orchids to add texture.”
Ito ang pahayag ni Gideon.
Image from Kris Bernal’s official Facebook account
BASAHIN:
Moms confess: Ito ang nangyari sa kuwarto sa unang gabi matapos ang kasal
LOOK: Mark Herras at Nicole Donesa, nagpakasal na!
REAL STORIES: It took us 12 years bago kami nag-decide na magpakasal
Kris Bernal husband Perry Choi and their love story
Ang relasyon ni Kris Bernal at husband niya na ngayong si Perry Choi ay nagsimula ng sila ay maging business partners noong 2016. Si Perry ay isang chef na kasosyo ni Kris sa burger business nito. Isanapubliko nila ang kanilang relasyon noong November 2017.
Ang dalawa ay na-engage noong February 2020. Ang proposal ay ginawa ni Perry sa birthday niya na inorganized ng aktres.
Una na dapat naka-schedule ang kasal ng dalawa noong Hunyo nitong taon. Pero dahil sa dumadaming kaso ng COVID-19 sa Maynila ay na-postpone na muna ito. At nito ngang Sabado, matapos ang ilang buwan ay naisakatuparan na ang dream wedding ng aktres.
Image from Kris Bernal’s official Facebook account
Source:
Preview, Inquirer
Photo:
Nice Print Photography
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!