X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

LOOK: Mark Herras at Nicole Donesa, nagpakasal na!

5 min read
LOOK: Mark Herras at Nicole Donesa, nagpakasal na!LOOK: Mark Herras at Nicole Donesa, nagpakasal na!

Ito daw ay simula palang sa church wedding na kanilang pinaghahandaan kapag tapos na ang pandemya.

Ikinasal na sina Mark Herras at Nicole Donesa sa pamamagitan ng isang civil wedding ceremony. Narito ang larawan ng kanilang kasal at love story.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Kasal nila Mark Herras at Nicole Donesa.
  • Love story nila Mark Herras at Nicole Donesa.

Kasal na sila Mark Herras at Nicole Donesa

Mark Herras at Nicole Donesa wedding

Image from Mark Herras Instagram account

Ganap ng mag-asawa ang mga GMA artist na sina Mark Herras at Nicole Donesa. Sila ay ikinasal sa pamamagitan ng isang civil wedding ceremony na pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.

“We're official. We got married na civilly.”

Ito ang pahayag ni Mark at Nicole sa kanilang latest vlog na kung saan tampok ang detalye at pangyayari sa kanilang naging kasal. Ang kanilang kasal ginanap nitong September 8 na ayon kay Nicole ay biglaan lang kaya hindi sila masyadong nahirapan.

"Sobrang last minute 'yong pag-aayos ng lahat walang kahira-hirap yung nangyari."

Ito ang sabi pa ni Nicole. Dagdag pa niya, very happy sila sa ginawa nilang simple at intimate wedding. Paghahanda lang din daw ito sa mas malaking church wedding na mangyayari kapag lumuwag na ang lahat sa gitna ng nararanasan nating COVID-19 pandemic.

“Kaya kami nagpa-civil wedding na is because we wanted to be legal na. Dahil sa pandemic ngayon hindi pa kasi makapag-wedding na gusto namin na carefully planned out, present 'yong mga kamag-anak and close friends.”

“We are saving the big celebration for the church wedding we just don’t know when.”

Ito ang sabi pa ni Nicole.

Dagdag pa nila ni Mark, ang kanilang pagpapakasal ay kinakailangan rin nilang gawin para sa mga inaaayos nilang mahahalagang papeles na hindi nila idinetalye sa vlog kung ano.

BASAHIN:

Solenn Heussaff: “Now would be the perfect time” para subukan mag-Baby #2!

LOOK: Derek Ramsay namanhikan sa family ni Ellen Adarna

Joross Gamboa on why his wife doesn’t get jealous: “Siya ang pinakasalan ko, siya ang mahal ko”

Pagbati ng mga netizens

Sa kaniyang Instagram ay proud ring inannounce ni Mark na sila ay kasal na nila ni Nicole. Narito ang pagbati ng ilan sa mga kasama nila sa industriya. rochellepangilinan

Oh wow!! Congraaaaaaats!!!!!??? nacinorocco

Wow congrats guys!!!??????❤️❤️❤️ Mark Herras at Nicole Donesa Image from Mark Herras Instagram account

Ikinatuwa rin ng mga taga-suporta nila Nicole at Mark ang kanilang naging kasal. Narito ang mensahe nila sa bagong kasal. “It's not about the celebration, it's about being right in the eyes of God and of man. God bless you both.?God be the center of everything ?” “Congrats to both of you.. Sana maging matatag ang pagsasama ninyo. 'Wag papadala sa mga tukso pag-usapan ang mga bagay na 'di pinagkakaintindihan maging sentro ang diyos sa inyong pagsasama. We love you♥️♥️♥️♥️” “Ang lakas maka good vibes ng kasal niyo after ng mga sad news about hiwalayan. May hope pa rin sa mundo. Importante talaga na si Lord nasa center ng relationship. Praying for your marriage ??????" Ito ang ilan sa pagbati ng mga netizens kanila Nicole at Mark.

Love story ni Mark Herras at Nicole Donesa

Si Mark at Nicole ay parehong talents ng GMA Artist Center. Ang kanilang relasyon ay nagsimula ng sila ay magkasama sa isang drama series sa nasabing istasyon. Agosto noong taong 2019 ng kinumpirma ng dalawa ang kanilang relasyon. Ito ay matapos magbahagi si Nicole ng mga larawan nila ni Mark na magkasama sa kaniyang Instagram account. Ang caption nito ay “Na Bihag”. Ang “Bihag” ang programang pinagsamahan nila sa GMA kung saan nagsimula ang kanilang relasyon. Matapos ang halos isang taon ay sumunod namang inanunsyo ng dalawa ng sila ay engaged na. Ang announcement ay ginawa ni Mark Herras sa Instagram account niya.

"Ang mahalin ka at makasama ka habang buhay...I love you itchybear #toinfinityandbeyond."

Ito ang mensahe ni Mark kay Nicole kalakip ang larawan ng kanilang engagement ring.

LOOK: Mark Herras at Nicole Donesa, nagpakasal na!

Image from Mark Herras Instagram account

Nicole to Mark: “I can’t wait to spend the rest of this life with you.”

Sa kaniyang Instagram ay ikinuwento naman ni Nicole ang naging pag-propopose ni Mark sa kaniya. Ang proposal ni Mark tinawag niyang “miracle” sa gitna ng mga problema at pandemyang nararanasan.

“We were eating dinner, and when it was time for desserts, this was what came to my surprise. Just when I thought the world was ending, a miracle happened.”

“Life is a beautiful and short blessing, and I can’t wait to spend the rest of this life with you @herrasmarkangeloofficial, in any way we possibly can.”

Ito ang pagbabahagi ni Nicole sa kaniyang Instagram tungkol sa engagement nila ni Mark Herras.

Sa sumunod na buwan ay bagong announcement na ibinahagi ang magka-relasyon. Ito ay pagbubuntis ni Nicole sa kanilang anak na 5 months na noon.

Nitong January 31, 2021 ay ipinanganak ni Nicole ang kanilang baby boy. Ito ay pinangalanan nilang MarK Fernando na ang palayaw ay “Corky”.

Mark Herras at Nicole Donesa family

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

Image from Mark Herras Instagram account

Source:

Inquirer, GMA News

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • LOOK: Mark Herras at Nicole Donesa, nagpakasal na!
Share:
  • LOOK: Anak ni Ellen Adarna na si Elias, ala-Spider-Man sa kaniyang 4th birthday!

    LOOK: Anak ni Ellen Adarna na si Elias, ala-Spider-Man sa kaniyang 4th birthday!

  • Angeline Quinto nilalabanan antok para alagaan si Sylvio: “Kinukurot ko na 'yong sarili ko para magising.”

    Angeline Quinto nilalabanan antok para alagaan si Sylvio: “Kinukurot ko na 'yong sarili ko para magising.”

  • Mas nakaka-turn on daw ang taong hate mo, ayon sa isang study

    Mas nakaka-turn on daw ang taong hate mo, ayon sa isang study

app info
get app banner
  • LOOK: Anak ni Ellen Adarna na si Elias, ala-Spider-Man sa kaniyang 4th birthday!

    LOOK: Anak ni Ellen Adarna na si Elias, ala-Spider-Man sa kaniyang 4th birthday!

  • Angeline Quinto nilalabanan antok para alagaan si Sylvio: “Kinukurot ko na 'yong sarili ko para magising.”

    Angeline Quinto nilalabanan antok para alagaan si Sylvio: “Kinukurot ko na 'yong sarili ko para magising.”

  • Mas nakaka-turn on daw ang taong hate mo, ayon sa isang study

    Mas nakaka-turn on daw ang taong hate mo, ayon sa isang study

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.