X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Solenn Heussaff: "Now would be the perfect time" para subukan mag-Baby #2!

5 min read
Solenn Heussaff: "Now would be the perfect time" para subukan mag-Baby #2!Solenn Heussaff: "Now would be the perfect time" para subukan mag-Baby #2!

Solenn Heussaff baby na si Thylane balak niya ng sundan. Thylane sa edad na 19 months old tinuturuan na umano ni Solenn magluto at maglinis ng bahay.

Solenn Heussaff baby na si Thylane ready ng sundan ng hot momma!

Mababasa sa artikulong ito:

  • Solenn Heussaff baby na si Thylane handa ng sundan ng model-actress.
  • Paano pinalalaki ni Solenn Heussaff ang anak na si Thylane.

Solenn Heussaff baby na si Thylane balak ng sundan ng sexy momma

Solenn Heussaff baby

Image from Solenn Heussaff's Instagram account

Ready na ang sexy model-actress na si Solenn Heussaff na sundan ang anak na si Thylane Katana. Ayon kay Solenn, ngayon na daw ang perfect time para magkaroon na sila ng baby #2 ng asawang si Nico Bolzico.

Dahil sa ngayon si Thylane ay 19 months old na at mag-dalawang taong gulang na sa darating na Enero. Maliban pa dito, aminado si Solenn na nagkaka-edad narin siya.

“Actually, gusto ko to be quite honest because 36 na ako, and gusto ko ng dalawang anak. So now would be the perfect time but let's see. Baka sometime next year kasi takot din ako sa delta variant kasi yung first pregnancy ko, mahirap."

Ito ang nasabi ng aktres sa panayam sa kaniya ng programang 24-oras ng GMA.

Samantala, kahit na may kumakalat na COVID-19 pandemic na kung saan nanatili ang lahat sa atin sa loob ng bahay, hindi umano hinahayaan ni Solenn na matigil ang learning at development ng anak. Sinisiguro niya na may mga fun activities itong magagawa kahit nasa loob lang ng kanilang bahay.

“Kasi para sa akin, importante din to develop the child's brain is to let her play with things that exist around us. So kahit pencils lang, as in mas madalas pa siya sa mga gadgets, like remote controls, kaysa sa toys niya.”

"With the child, it's really important to let them explore. It's important to let them get dirty, and it's important to let them be around different people, different languages."

Ito ang nasabi pa ni Solenn sa kaniyang naging panayam sa 24 oras.

Nico at Solenn nagtutulungan sa pagtuturo sa anak na si Thylane

Sa isang Instagram post nga ng mister ni Solenn na si Nico Bolzico ay ipinakita nito na nagtutulungan silang mag-asawa sa pagtuturo sa anak. Siya ay ang in-charged umano sa animal noise at numbers, habang si Solenn naman ay ang in-charge sa art at environment.

 
View this post on Instagram
  A post shared by Nico Bolzico (@nicobolzico)

Sa kaniyang edad ay marunong na rin si Thylane na lumangoy. Patunay nito ang isang uploaded video sa official IG account ni Thylane.

Sa video maririnig si Nico na nagbibilang para sa pag-dive ng mag-ina niyang si Solenn at Thylane sa pool. Makikita sa video na matapos mag-dive ay nakabalik ng mag-isa si Thylane sa pool habang inaalalayan lang ng kaniyang inang si Solenn.

Bilib na bilib naman ang mga netizens sa ipinakitang tapang at swimming skills ni Thylane sa bata nitong edad.

“She got off the swimming pool ALL BY HERSELF I CANNOT HANDLE THIS CUTENESS??❤️"

“You never cease to amaze me Tili. Now jumping off the pool and swimming back by yourself is wow to the highest order. Muy bien.”

Ito ang komento ng mga netizens sa video ni Nico na nagpapakita ng fun moments nila bilang isang pamilya.

 
View this post on Instagram
  A post shared by Thylane Katana H. Bolzico (@_tilibolz)

BASAHIN:

Solenn Heussaff inamin na 8 buwan na silang hindi nagtatalik ni Nico Bolzico

Solenn, pinakita kay Nico kung paano mag-multitask habang nagpipinta at nagpapa-breastfeed

Anne Curtis, laging nagtatanong sa pedia ni Baby Dahlia—”I’m a super praning mom!”

Thylane apat na languages na ang alam sabihin at naiintindihan

Solenn Heussaff baby thylane and husband nico Image from Solenn Heussaff's Instagram account

Maliban sa fun activities ay tinuturuan na rin nila Solenn at Nico ang anak na tumulong sa pagluluto. Pati sa paglilinis ng bahay ay sinisiguro rin nilang involved o may nalalaman ito. Ayon kay Solenn ay hindi rin naman nila pinagbabawalan na panoorin ng telebisyon ang anak na si Thylane. Pero ang panonood ay dapat limitado lang ang oras. At ang panonoorin niya lang na TV shows ay cartoons sa wikang French at Spanish. Ayon sa aktres, ito ay para ma-expose at matutunan ng anak ang dalawang wika. Dahil paniniwala niya at ng asawang si Nico, mas maraming alam na languages ang isang bata ay mas makakabuti sa development niya.

“She hears English every day with everyone so she will learn it fast. She hears Tagalog every day at home and with family, so it will come naturally just like English. French only with me and my dad. Spanish only with Nico.”

“So I am not sure if she will identify all languages OR think all four are one. Anyways, read in many books, the more languages you expose a baby to, the better.”

Ngayon pa lamanng ay may apat na wika na ang alam ni Thylane. Ito ay ang English, Filipino, French at Spanish.

Solenn Heussaff baby

Image from Nico Bolzico's Instagram account

Source:

GMA, ABS-CBN

 

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Solenn Heussaff: "Now would be the perfect time" para subukan mag-Baby #2!
Share:
  • Mas nakaka-turn on daw ang taong hate mo, ayon sa isang study

    Mas nakaka-turn on daw ang taong hate mo, ayon sa isang study

  • Leon Barretto kay Dennis Padilla: "Your words have the power to destroy your children, papa."

    Leon Barretto kay Dennis Padilla: "Your words have the power to destroy your children, papa."

  • LOOK: Andi Eigenmann nag-celebrate ng 32nd birthday sa Indonesia kasama buong pamilya

    LOOK: Andi Eigenmann nag-celebrate ng 32nd birthday sa Indonesia kasama buong pamilya

app info
get app banner
  • Mas nakaka-turn on daw ang taong hate mo, ayon sa isang study

    Mas nakaka-turn on daw ang taong hate mo, ayon sa isang study

  • Leon Barretto kay Dennis Padilla: "Your words have the power to destroy your children, papa."

    Leon Barretto kay Dennis Padilla: "Your words have the power to destroy your children, papa."

  • LOOK: Andi Eigenmann nag-celebrate ng 32nd birthday sa Indonesia kasama buong pamilya

    LOOK: Andi Eigenmann nag-celebrate ng 32nd birthday sa Indonesia kasama buong pamilya

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.