Kitang-kita na amazed si Nico Bolzico sa kanyang asawa na si Solenn dahil sa kanyang multitasking mom skills! Tignan ang mensahe niya sa kanyang asawa sa isang Instagram post.
Multitasking mom Solenn Heusaff
6 months into parenting at talaga namang kita sa mag-asawang Solenn at Nico na ine-enjoy nila ang bawat moment kasama si Baby Thylane.
Sa kanilang mga Instagram post, laging tila nagbabangayan ang dalawa. Pero alam naman ng lahat na sa likod ng mga banters na ito ay isang magandang pagsasamahan. Sa recent Instagram post ni Nico, pinakita niya ang kanyang appreciation sa asawa. At pati na rin sa lahat ng mga ina.
Image from @nicobolzico’s Instagram
“Multitasking doesn’t exis… Never underestimate how many tasks a mother can do at the same time! That doesn’t mean they should, we must always be there to help, make sure they enjoy motherhood and be a reminder that they need to do things for themselves!”
Pinaalalahan niya rin ang mga asawa na magsilbing support system sa mga babae dahil hindi madali ang pagiging ina. Kadalasan ay nakakalimutan na nilang alagaan ang kanilang mga sarili o di naman kaya ay gawin ang mga hilig nila.
“In this past 6 months w #TiliBolz I realized that mums tend to focus on their babies so much that they forget about everything else, including themselves. Our role is to be a strong support system to make sure they can also enjoy life outside motherhood!”
Dagdag pa niya,
“A happy mum is the best mum! We love you, Solenn.”
Narito naman ang artwork na nililikha ni Solenn habang nagpapa-breastfeed kay Thylane.
Image from @nicobolzico’s Instagram
Solenn and Nico Bolzico
Taong 2016 nang ikasal sina Solenn at ang kanyang asawang si Nico sa France. Kamakailan lang ay nag-celebrate din ang dalawa ng kanilang 4-year anniversary.
Image from @nicobolzico’s Instagram
Narito naman ang mensahe ni Nico sa kanyang Instagram,
“It has been 4 years since we agreed that #ForeverMakesSense, but this year is so much more special, it is not just us 2, but us 3 (7 if we include the animals); you gave us a new purpose in life, you gave us #TiliBolz! We are far from a perfect couple, but as someone pretty smart once said: “If you are going to buy watermelons, make sure they fit in your fridge”. And that pretty much summarizes everything! (The Watermelons are Thylane and the animals; the fridge is our house. Wow I love poetry) The picture also reflects the clear roles we both have in our relationship! Te amo! Happy Anniversary!”
Baby Thylane
Nito lamang ay ibinahagi rin ni Solenn ang kanyang journey sa breastfeeding. Nagkuwento ito ng kanyang experience sa pagpapasuso sa kanyang baby at ibang tips na maaaring makatulong sa mga moms na may struggle sa breastfeeding.
Aminado si Mommy Solenn Heussaff na ang pagpapasuso o breastfeeding ay hindi madaling journey para sa mga nanay. Ito ay madaming kailangang pagdaanan at matutunan. Pero sa kabila nito, gusto pa rin niyang magbigay ng gatas sa kanyang anak sa pamamagitan ng breastfeeding.
“Breastfeeding might be the hardest thing that any woman has experience in her whole life. I do love the feeling of breastfeeding and i love to breastfeed.”
Ayon kay Mommy Solenn, may dalawang klase ng babae. Ito ang ‘gifted woman‘ at ‘non-gifted woman‘ na partikular sa breastfeeding. At kabilang siya sa ‘non-gifted woman‘ pagdating sa gatas.
Sa kwento ng aktres, noong bagong panganak pa lamang siya ay talagang nag struggle ito sa pagbibigay ng gatas sa kanyang anak. Dito siya nag-alala dahil bumababa ang timbang ng kanyang baby. Sa tulong ng kanyang mga kaibigan, binigyan ito ng breastmilk para kay baby Thylane.
Mahalaga ang breastmilk sa newborn babies dahil ito ang pinakakailangan nila para sa mabilis at healthy nilang paglaki. Tanging sa ina lamang nila nakukuha ang ganitong klaseng sustansya.
Ngunit ayon kay Mommy Solenn, nasa isang nanay ang desisyon kung ito ay gagamit ng breastmilk, mixed milk at formula milk. ‘Wag hahayaan na i-judge kayo ng karamihan. As long as alam niyong healthy si baby, ito ang pinaka importante sa lahat.
“But to all the moms out there, if you were purely BREASTFEEDING, if you are MIXED FEEDING or if you are FORMULA FEEDING, you do you. Don’t let anyone judge you. At the end of the day as long as your baby is healthy, that’s the important thing.”
Dagdag pa niya, ‘every mom is different’ dahil hindi lahat ay may pagkakaroon na mabigyan ng sapat na gatas ang kanilang mga anak.
Payo ni Mommy Solenn, kung uugaliin ng isang ina ang mag latch, ito ay may posibilidad na magkapag produce ng sapat na gatas ang isang mommy. “The more you latch, the more you produce milk.” Dagdag pa niya na ‘wag agad panghinaan ng loob at ma-stress. Ito ay dahil maaaring makaapekto ang stress sa pagproduce ng gatas ni mommy.
Isa pang way kung paano magkaroon ng gatas ay ‘wag kakalimutan ang mag pump. Pwedeng gumamit ng kamay o electric pump. The best time para mag pump ay kapag natapos si baby na mag latch.
‘Wag kakalimutan ang pagkain ng tama at healthy. Ang pagkain ni mommy ay isang importanteng bagay na malaki ang epekto sa kanyang pagpapasuso at pagproduce ng gatas.
Source:
GMA News
Basahin:
FIRST LOOK: Baby Thylane, ipinakita na ni Mommy Solenn
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!