Ipinakita na sa publiko ni Mommy Solenn Heussaff ang kanyang baby girl na si Thylane Katana Bolzico for the very first time!
Meet baby Thylane Katana Bolzico
Isa ang aktres at host na si Solenn Heussaff sa listahan ng mga new celebrity mommy ngayong taon. Noong January 1 lamang ay ipinanganak niya ang kanyang first baby kay Nico Bolzico, isang Argentinian businessman.
At nito nga lang April 29, sa kauna-unahang pagkakataon ay ipinasilip ni Mommy Solenn Heussaff ang kanyang baby Thylane Katana Bolzico sa kanyang Instagram.
Cute na cute itong naka-pose kasama si Mommy!
Ang picture niya na kasama si baby Thylane ay may caption na,
“Best days at home getting to know your pure gentle soul. Te amo Thylane….. de tout mon coeur! Sorry @nicobolzico this is just a girls pica… you can’t hang with us!”
-Solenn Heussaff (@solenn) April 29, 2020
Wait, there’s more! May pahabol pang Instgram story with baby Thylane si Mommy Solenn! Ito ay may caption na,
“I’ll only share you sometimes. My little pill.”
Taong 2016 nagpakasal ang celebrity couple na sina Solenn Heussaff at Nico Bolzico. Ipinanganak ni Solenn si baby Thylane noong January 1 sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City.
Ito ang unang pagkakataong ipinakita ni Solenn ang mukha ng kanyang baby. Matatandaang kung anu-anong comments ang natanggap ni Mommy Solenn galing sa mga netizens dahil hindi nito pinapakita ang mukha ng kanyang anak.
Meet Baby Thylane Katana Bolzico | Image from Solenn Heussaff Instagram
Sa Instagram story nito noong March, naglabas ng saloobin si Solenn Heussaff tungkol dito.
“People keep asking why I haven’t posted Thylane yet. Though I eventually will, sometimes I am not in a hurry and enjoying her every change. She is so precious.”
Ayon sa kanya, hindi lahat ng kaganapan ay kailangang ibahagi sa social media. Kailangang respetuhin ito ng mga tao.
“I’ve read comments like: ‘Is your baby ugly?’ ‘Aren’t you proud of her?’ ‘Is she abnormal?’ amongst other things. People need to remember LIFE does NOT happen on IG. Yes, it’s a great things to share things. But you don’t have to share everything. ”
Solenn Heussaff breastfeeding journey
Isa na ang celebrity mommy na si Solenn Heussaff sa nagbahagi ng kanyang journey sa breastfeeding. Nagbigay ito ng kanyang experiences sa pagpapasuso sa kanyang baby at ibang tips na maaaring makatulong sa mga moms na may struggle sa. breastfeeding.
Aminado si Mommy Solenn Heussaff na ang pagpapasuso o breastfeeding ay hindi madaling journey para sa mga nanay. Ito ay madaming kailangang pagdaanan at matutunan. Pero sa kabila nito, gusto pa rin niyang magbigay ng gatas sa kanyang anak sa pamamagitan ng breastfeeding.
“Breastfeeding might be the hardest thing that any woman has experience in her whole life. I do love the feeling of breastfeeding and i love to breastfeed.”
Ayon kay Mommy Solenn, may dalawang klase ng babae. Ito ang ‘gifted woman‘ at ‘non-gifted woman‘ na partikular sa breastfeeding. At kabilang siya sa ‘non-gifted woman‘ pagdating sa gatas.
Solenn Heussaff and Nico Bolzico baby Thylane | Image from Solenn Heussaff Instagram
Sa kwento ng aktres, noong bagong panganak pa lamang siya ay talagang nag struggle ito sa pagbibigay ng gatas sa kanyang anak. Dito siya nag-alala dahil bumababa ang timbang ng kanyang baby. Sa tulong ng kanyang mga kaibigan, binigyan ito ng breastmilk para kay baby Thylane.
Mahalaga ang breastmilk sa newborn babies dahil ito ang pinakakailangan nila para sa mabilis at healthy nilang paglaki. Tanging sa ina lamang nila nakukuha ang ganitong klaseng sustansya.
Ngunit ayon kay Mommy Solenn, nasa isang nanay ang desisyon kung ito ay gagamit ng breastmilk, mixed milk at formula milk. ‘Wag hahayaan na i-judge kayo ng karamihan. As long as alam niyong healthy si baby, ito ang pinaka importante sa lahat.
“But as a mom out there, if you were purely BREASTFEEDING, if you are MIXED FEEDING or if you are FORMULA FEEDING, you do you DON’ LET ANYONE JUDGE YOU. At the end of the day as long as your baby is healthy, that’s the important thing.
Dagdag pa niya, ‘Every mom is different’ dahil hindi lahat ay may pagkakaroon na mabigyan ng sapat na gatas ang kanilang mga anak.
BASAHIN:
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!